"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Tuesday, January 24, 2012

Guess who?

Guess who wrote this messages on my wall. Oooh la la la. You, feelings, are not allowed here.
♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Monday, January 16, 2012

Tuyo't Uhaw

Maraming buwan at araw na rin pala ang lumipas nang ako'y huling umiyak at mangarap sa'yo. Hindi ko lubos maisip na hindi ko na kinakailangang pumunta rito sa blog na ito at magnilay-nilay--magsulat ng kung ano mang nararamdamang meron ako para sa'yo. Wala na rin ang kaba at sakit na dulot ng presensya mo. Tuluyan ka nang nawala sa buhay ko, sa puso at sa isip ko.

Tuluyan? Gaano nga ba katotoo at karealistiko ang katagang ito? Naalala ko pa, pangaral ng aking propesor sa kolehiyo, hindi raw akmang gamitin ang salitang ito dahil hindi mo makakamit ang wagas at tunay na kahulugan nito. Isang ideyalistikong ideyang likha ng ating isip. Isang katagang marapat kong panghawakan nang makaiwas sa pighating dinulot at idudulot mo.

Wala ka na: sa buhay ko; sa puso ko; sa isip ko. Hindi ko na kailangang magpuyat nang husto upang makagawa ng kathang tulad nito. Hindi na rin ako nagkakandarapa sa mga mensahe mo gamit ang selepono. HIndi ko na sinusulat ang mga ito sa notebook ko. Hindi na ako nagsasayang ng oras upang paartehin at kulayan ang mga "quotatble quotes" mo. Hindi na ako kinikilig kapag tinitingnan mo ako. Hindi na ako hirap matulog kakapantasya sa'yo. Hindi ko na pinagpilitan pa ang plano nating dalawa para sa kaarawan mo. Wala na ang kidlat. Wala na ang nginig. Wala na ang nakakatunaw na pakiramdam na nanunuot sa kailaliman ng katauhan. Tuluyan na akong namahinga kakaisip sa'yo. Tuluyan nang naglaho ang pag-ibig kong ito.

Tuluyan ka mang tinalikdan ng puso kong ito, may naiwang lamat pa ring nagtatago rito. Hindi na ako masaya--sayang buhat nang mga usapan natin at biruan. Hindi na rin ako nasasaktan--ni umiyak ay hindi rin. nawala ang emosyon ko, na natutuhan ko nang simula kitang mahalin. Kulang na rin ang tulog ko, hindi dahil sa kaiisip sa'yo, kundi sa paghahanap ng mawawalang damdamin. Tila ako'y hindi buo. Tila may kulang. Tila 'di ako tao. Wala akong maramdaman.

Sa pag-ibig nga naman-- sasaya ka't magdaramdam. Ang dating pinapanalangin ko'y natupad na ngunit 'di pa rin masaya. Wala na kasing nagpapasaya. Wala ka na. Wala na siya. Nauuhaw ako sa presensya ng iba. Uhaw ako sa kilig na akin nang nadama. Kulang na. Gusto kong maranasan siya.

Pag-ibig, o ako'y uhaw sa'yo. Damdamin at pagsamo sana'y ibigay mo. Ayoko masaktan ngunit ayoko ng ganito. Gusto ko ng isang taong pasasayahin ko. Ibibigay ang pagmamahal na ninanais ko. Pagsasaluhan namin ang ganda ng mundo. Isang taong masasandalan ko. Isang taong masasabi kong "ako'y sa'yo".

Siguro nga, hindi pa ako hinog para sa ganoong mga bagay. Marami akong pantasya ngunit hindi sila nararapat para sa tulad kong wala pang maipagmamayabang. Isa ka na rin sa pantasyang iyon, at natanggap ko na ring hindi rin naman ako laan sa'yo. Ang mahalaga, nakatakas na ako sa pait na sinapit ko sa'yo. Salamat na rin pala sa lahat, kahit papaano'y tinuruan mo ako. Maghihintay na lang talaga ako ng isang Natsumeng magkakamali sa akin. Malay mo, nasa paligid ko lang siya. Naghihintay ng tamang oras sa takdang panahon. Malay mo, sasaya rin ako, balang araw.

PS. Nakakamiss magsulat dito! (((:

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Monday, January 9, 2012

Everything: More fun in UP ROTC


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥