"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Tuesday, February 26, 2013

Naiinis ako.


Naiinis ako.

Naiinis ako dahil bakit ikaw pa?

Naiinis ako dahil bakit hindi ko pinigilan ang aking sarili?

Naiinis ako dahil alam kong wala naman talaga ngunit patulot pa rin akong kumapit sa maliit na pag-asa.

Naiinis ako dahil ang tanga ko, ni hindi ka nga nagbigay ng motibo at nilinaw mo na hanggang doon lang tayo, ngunit patuloy pa rin akong nagbakasakali.

Naiinis ako dahil bakit ang lakas ko magpantasya, lalo na sa'yo.

Naiinis ako dahil nanghihinayang ako sa pagkakaibigan natin.

Naiinis ako dahil kasalanan ko ang lahat ng 'to.

Naiinis ako dahil kung hindi ako nahulog sa'yo, walang ilangang magaganap sa akin—sa
 atin.

Naiinis ako dahil lumalayo ako, habang nasasaktan.

Naiinis ako dahil alam kong hahantong ito sa ganito ngunit pinili kong kiligin at magwalang bahala.

Naiinis ako dahil bakit ako nagmumukmok, ako naman may kasalanan.

Naiinis ako dahil kahit na iniiwasan ko siya, hindi ko pa rin mapigilang tingnan ang kanyang mga mata..

Naiinis ako dahil sa tingin ko ay nahahalata na niya ang lihim kong pagsinta.

Naiinis ako dahil bakit ko kasi siya hinayaang makahalata.

Naiinis ako dahil hindi ko dapat siya binibigyan ng ispesyal na atensyon.

Naiinis ako dahil bakit kasi nakatali na siya sa iba at llalong nakaiinis dahil alam kong hindi ko mapapantayan ang babaeng gusto niya.

Naiinis ako dahil bakit ba ako nag-e-emote eh wala naman talagang nagyaring ispesyal.

Naiinis ako dahil siya pa ang aking ginusto.

Naiinis ako dahil baka mawalan na ako ng sabihan ng mga problema't saloobin sa buhay.

Naiinis ako dahil nanghihinayang ako, ansarap niya kasing sabihan ng kung anu-ano.

Naiinis ako dahil bakit ko nga ba kasi dinidibdib.

Naiinis ako dahil dapat ay mag-move-on na ako dahil wala na talagang pag-asa.

Naiinis ako dahil bakit ang panget ko, bobo, mataba, maitim, at lahat na ng kapintasang meron sa mundo.

Naiinis ako kasi hindi pa nag-uumpisa ang laban, talo na ko.

Naiinis ako sa sarili ko.

Naiinis ako dahil bakit ako naiinis.

Naiinis ako.

Nakainiis.i


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Tuesday, February 5, 2013

Ang Bagong Binhi ng Pag-ibig

Nakita ko siya kanina at kunyare hindi ko siya napansin. Tuloy-tuloy ako sa paglakad, na parang walang nakita.

*tingin sa kanan*

Naroon siya, sa tabi ko, tumatawa pa. Nakita niyaaa kooo, at kanyang sinundan. Sabay kaming naglakad. Namiss ko siya, gusto kong iutal, hindi na kasi kami nagkikita sa personal eh, pero syempre, di ko ginawa. Andami kong gustong sabihin, at itanong. Ang dami kong gustong malaman. Pero we end up talking about random things, as usual. And yes, we talked while walking, and laughed hard. I want to have this little conversation everyday, if it is not too much to ask. HUHUHU. I can die happily, joke. Kinikilig ako, lalo na 'yung sinundan niya pa talaga ako kahit nakunyare kebs ako't blurred ang lahat. ♥ ♥ ♥

pero noooo. kailangan ko nang itigil ang kahibangan ko. I should not entertain this feeling anymore, baka lumala. Ayoko na ulit masaktan, tulad ng dati, na sa bandang huli, naiwan akong luhaan.

Bunutin na ang damo bago pa lumago. I should stop this insanity of mine. Buttttt, next time na, kinikiligggg ako eh. errrrrr >.<


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥