"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Tuesday, April 23, 2019

How I Still Haven't Met Your Father


“Sometimes we don’t get second chances. Sometimes things just end.”
(Colleen Hoover, Confess)
artwork by instagram.com/artbaby.r


Should I say it, should I not? I am afraid we'll never meet at one point. We are both afraid to try. Or maybe, I am not being honest in the first place.

And maybe what The Mother from How I Met Your Mother said was right. "I think I have been holding myself back from falling in love again." I'm starting to think everyone has a chance to meet the one--that each of us only gets one. In my case, I already met him and lost him. So, maybe, I'll never gonna find anyone again for I already consumed my chance.




Maybe not, but maybe yes. I am afraid to validate it. So, please, someone, help me forget. I want to trust in love again.


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Sunday, April 21, 2019

Ang Langit Ng Kahapon

It's so funny how so many things happened but things didn't really change. I'm still that little girl who's obsessed with time machine, and stars. I still like anime but not as much as i was so crazy before. I wrote this Hula ng Klase nine years ago because our Filipino teacher required as to create a narrative on how we picture our classmates ten years later. Funny how time flies so fast, without realizing, there is only a year left to see how accurate the forecast to everyone. And here what it goes...


I
Twinkle, twinkle, little stars
How I wonder what you are
Up above the world so high
Like a diamond in the sky...

Nakatingin ako sa kalawakan ng gabi. Tinitingala ang mga tala sa langit. Kaparehas ito ng mga tala noong gabing iyon. Isang gabi ng paghihiwalay at bukas ay akin na itong babalikan.

Tinalikuran ko na ang pagsusulat ng mga anime at ipinasa ko na ang posisyon ko bilang presidente ng Mikan’s Production kay (1)Miriam Molino dahil alam ko namang hindi niya pababayaan ang kumpanyang aming itinatag mga tatlong taon na rin ang nakalilipas. Isa pa, libangan ko lang ang pagiging “mangaka” at nais kong matutukan ang paggawa ko ng time machine.

Maayos ko namang naisaayos ang inimbento kong time machine. Nakamura pa nga ako sa pagbili ng mga “spare parts” at mga gamit sa paggawa nito dahil na rin sa mga “discounts” na ibinigay ni (2)Rico Vivero, ang kaklase kong dati-rati’y tahimik ngunit ngayo’y may-ari na ng isang hardware at department store na kilala sa buong Pilipinas, ang Ca-Ric’s Hardware.

Siya nga pala, Ca-ric’s Hardware ang pangalan ng mala-“SM Department Store” niyang negosyo. Ipinangalan niya iyon sa pamamagitan ng pagsasama ng pangalan niya at kay (3)Mega-Star Carla Marie Nepomuceno, ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso mula pa noong kami’y nasa hayskul. Sa kasamaang palad, hindi sila nagkatuluyan dahil sa napikot si Carla ng kanyang manager na si (4)Arjhie Leal at ang dating maningning na bituin ay natali na sa lalaking ito.

Labis na dinamdam ni Rico ang pagkawala ng kanyang minamahal kaya siya’y nagtangkang magpatiwakal. Tumalon siya sa pinakamataas na tulay na ginawa ni (5)Engr. Edimay Jarquio, isang tanyag na Civil Engineer na nakapangasawa ng tambay. Mahuhulog na sana siya sa tubig ngunit may humaharurot na speed boat ang sa kanya’y paparating. Ito’y pinapaandar ni (6)Maria Riza Anna Miguel at hulog ng langit, nahulog si Rico sa mabuting kamay ni Riza. Saktong-sakto ang kanyang pagkakasalo. Habang buhat ni Riza si Rico, biglang may “sparks” na naramdaman ang dalawa at ang kanilang mga mata’y kapwa nagtitigan.

Tungkol naman sa engine, ito ay aprobado na. Ipinatsek ko na ito kay (7)Engr. Cedrick M. Reyes, isang mahusay na mechanical engineer ngunit malabo ang mata dahil kahit suot na niya ang kanyang salaming may gradong 700 ay hindi pa rin makita ang limang pisong barya. Hindi nga sumagi sa isip ko na magiging katipan niya si (8)Abigail Fulgar, plain housewife, ang kaklase ko sa hayskul na kanyang katabi sa upuan, laging nagbabangayan at kapwa walang gusto sa isa’t-isa.

Si (9)Padre Noel Jalmasco naman ang katuwang ko sa pagpo-program dito sa time machine na aking naimbento. Inilagay niya ang mga programs na kailangan ko sa pagbalik sa nakaraan at ininstol na niya ang mga “data” na magagamit ko sakaling maligaw ako sa ibang time-line.

Buo na ang pasya ko. Bukas ng gabi, sa oras ding ito ay magbabalik na ako. Gamit itong time machine na pinangalanan kong Jasmine 101, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Saksi ang mga tala sa langit. Saksi sila...

♥-♥-♥-♥

II
There’s no permanent in this world
except changes


Taong 2020 na ngayon. Modernisado, industriyalisado at globalisado na ang bansa. Marami na rin ang nagbago: mga kalye, bahay, gusali, hilig ng tao, kanilang ugali, paniniwala at mga pagmumukha nito. Marami na rin ang mga bago: technology, gadgets, robots, anime, bansa, wika, hair style, fashion trend, mga damit, mga sapatos at marami pang iba.

Hindi na bago sa mga mamamayan sa Miliminas (dating Pilipinas) ang pag-aaborsyon. Wala na sa bukabularyo ng mga Milimino (dating mga Pilipino) ang eleksyon. Simula noong umupo sa pwesto si (10)President Olive Grace Abuid Esmilla ay hindi na niya pinahintulutan ito.

Si Dating Presidente Noynoy ang nanalo sa eleksyon noong 2010. Sa panahong iyon, nawala ang kurapsyong umiikot sa Pilipinas. Nawala ang mga malalaking buwis na ipinapataw sa mahihirap at dahil doon, hindi nabayaran ang mga utang ng bansa.

Pagkatapos gumradweyt ni Pres. Olive sa kursong Political Science noong 2015, siya’y pumasok sa pulitika. Nagtuloy-tuloy ang kanyang swerte at noong 2017, dahil sa mga patakaran, pribilehiyo, at mga batas na kanyang isinulong, nanalo siya sa pagkapangulo ng bansa at napatalsik ang kawawang si Noynoy.

Labis siyang naligayahan sa akdang “Miliminas” na aming nabasa noong kami’y nasa ikaapat na taon sa hayskul mga sampung taon na ang nakararaan. Dinagdagan pa ng pagnanasa niyang gawin sa Pilipinas ang nangyari sa Miliminas nang mabasa niya ang sequel ng akdang Miliminas na gawa ni (11)Raymundo Laddaran, isang abang manunulat, makata, composer at dancer na kilala hindi lamang dito ngunit tanyag sa buong kalawakan.

Dala ng umaapoy na pagnanasang maisakatuparan ang mga balak, kasama ang kanyang abogadong si (12)Atty. Nanette Ann Doroja, ipinatupad ni Pres. Olive ang batas na “Democratic Wafackles” kung saan tinawag niya itong “Unang Hakbang”.

Sa batas “Democratic Wafackles,” ang mga mamamayan ng bansa ay may boses na salungatin ang pamahalaan. Maaari nilang sabihin ang kanilang mga saloobin. Malaya nilang gawin ang kanilang mga gusto. Hindi sila maaaring pakialaman ng gobyerno ngunit hindi rin nila maaaring pakialaman ang pangulo ng bansa. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi na nila maaaring paalisin sa pwesto ang naturang presidente.

Nangyari ang mga kinatatakutan. Dahil sa batas na naipatupad, ang dating Pilipinas ay naging Miliminas na nga. May mga natuwa ngunit may nagpakita ng pagkamakabayan. Tila muling nabuhay si Simoun, Basilio at Isagani nang mga panahong iyon.

Maraming nag-aklas sa naturang batas. Mga kabuteng nagsulputan ang mga aktibistang sila (13)Rachel Emeterio, (14)Carol Sagun, (15)John Paul Seda at marami pang iba. Nagpakita sila ng husay subalit hindi nakayanan ni Rachel ang pakikibaka dahil siya’y nagkaroon ng malubhang sakit na humantong sa pagiging retarded.

Si Carol naman na noo’y Fashion Model sa Holliwood ay nawalan ng trabaho dahil na rin impluwensiya ni Pres. Olive. Siya’y nag-“hired” ng isang secret agent sa CSI na si (16)Karla Louise N. Cid upang ipapatay ang modelo. Nagtagumpay naman siya sa kanyang balak. Dahil sa pangyayaring iyon, binigyan niya ng tatlong milyong mik, pera sa Miliminas, si Agent KL Cid bilang pabuya sa magandang trabaho.

Isinulong ni John Paul ang demokrasya at katarungan sa bansa kasama ang kanyang napakahusay na abogadong si (17)Atty. Joshell Tuliao. Nasa likod naman at nakaagapay ang kanyang magandang maybahay na si (18)Venus Sediaco Seda na malapit kong kaibigan mula pa noon. Sa ngayon, ipinaglalaban pa rin nila ang katarungan upang ang Miliminas ay magwakas na at tuluyan ng yumuko bilang isang Pilipinas.


♥-♥-♥-♥

III
“Revenge is the greatest aphrodisiac.”

Si President Olive ay isa sa aking mga kamag-aral noon. Laging paksa ng mga bulung-bulungan at laging niloloko. Isang araw, noong malapit na kaming magtapos ng hayskul ay may nangyaring kagimbal-gimbal. Pinatid siya ni (19)Jemmel J. Vale sa paa at tuluyang nadapa. Sa kanyang pagkakadapa ay hindi sinasadyang siya’y nabagok sa ulo at nang gumaling, siya’y naging isang henyo. Natauhan siya sa mga pinaggagagawa ng aming mga kaklase at nangakong maghihiganti siya balang araw.

Totoo nga ang kanyang ipinangako. Siya’y umunlad, yumaman at naghiganti. Binalikan niya ang mga taong nagyurak sa kanyang pagkatao at kasama na roon si Jemmel.

Hindi na nakapagtapos pa ng pag-aaral si Jemmel dahil sa panglaw na namamayani sa isip at puso niya. Natatakot siya kay Pres. Olive. Pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa rito. Nagtago siya sa dilim at nilimot ang liwanag. Tinigilan na niya ang pagsusungit sa mga tao at hindi na muling nakihalubilo sa mga ito.

Nagbago na nga si Jemmel. Namayat siya at naging buto-buto. Wala na siyang makilalang tao kahit pa ang kanyang idolong si Kim Chiu. Sa pagdaan ng panahon, mas lalo siyang nagmukhang tingting at nahigitan pa ang pinakamapayat na tao sa balat ng mundo. Nagdaan pa ang ilang araw, tinanghal na siya bilang “World’s Thiniest Person” ng Guiness Book of Record.

♥-♥-♥-♥

IV
“If there is smoke
There is fire”
-Arabian Proverb

Labis na kinatuwa ni Pres. Olive ang nangyari kay Jemmel. Siya’y nagdaos ng isang piging upang ipagdiwang ang kanyang paghihiganti. Inimbitahan niya lahat ng kilalang tao tulad nila (20)Jewel Tapar, may-ari ng CookieLove♥ na isang chocolate factory, (21)Angelwin Advincula, tanyag na madre na tumutulong sa mga mahihirap at nagbibigay ng himala, (22)Marfy Felonia, translator ni Obama III na napangasawa ni (23)Jessa Erica Mores, isang babaeng militar na nakipaglaban sa gera noong 2014, at marami pang iba kasama na rin ako.

Sa dinami-rami ng kanyang inimbitahan ay walang nagsipuntahan sa magarbong pagdiriwang na iyon. Umalis siya sa kanyang kinatatayuan at dali-daling nilisan ang gusali. Nagtataka naman ang kanyang sekretaryang kaklase rin namin dati, si (24)Gilrlie Umerez, kung bakit siya tumakbo.

Sa kanyang pagmamadali ay natabig niya si (25)SPO1 Jonalyn Siso, isang matinong pulis na hindi nangongotong.

“Nagmamadali ako, ano ba! Huwag ka ngang pakialamera!”

“Wala kang galang ah! Wala ka yatang modo eh!” Tugon ng pulis.

Galit na galit na na sinigawan ni Pres. Olive ang pulis na ikinainis naman nito. Maya-maya’y pinosasan ni SPO1 Siso si Pres. Olive.

Nakita iyon ni (26)Adrian Arvin Esmilla, kaklase kong naging isang taxi driver. Tinulungan niya si Pres. Olive na makaalis sa pagkakaposas.

Humanga ng labis si Pres. Olive sa kanya at tila na love at first sight. Ilang sandali pa’y dumating na ang kanyang mga bodyguard. Kabilang sa mga ito ay si (27)Alvin Jan Santos, isa na sanang mahusay na chef kung hindi dahil sa nangyari kay Jemmel, kaya nawalan siya ng pagkakataong makasama si Adrian.

“Buti nga sa kanya! Hindi niya ba ‘ko nakikilala?”

Dinakip si SPO1 Siso at nakulong matapos ang pangyayaring iyon at dahil din dito kaya niya nakilala ang lalaking magpapatibok ng kanyang umaalab at naghihiganting puso.

“Oh! Love is in the Air.”


♥-♥-♥-♥


V
Happiness can never be found
Until we have the grace to stop looking for it.


Masama man at mapaghiganti si Pres. Olive, tao pa rin siya na kailangang mahalin at mabigyan ng ispesyal na atensyon.

Masyadong obsess si Pres. Olive sa pagmamahal. Gusto niya ng isang taong makaiintindi sa kanya. Isang taong magmamahal sa kanya kahit na hindi siya isang perpekto. Nais niyang maramdaman ang init ng pag-ibig at makadama man lamang ng kaligayahan.

Naging henyo nga si Pres. Olive ngunit hindi naman niya nakuha ang kasiyahan. Ganoon pa rin siya. Walang pinagbago liban sa siya’y tumalino. Naghahanap pa rin siya ng kalinga ng tunay na pagmamahal. Sinong makapagbibigay? Walang nakakaalam, wala.

Inggit na inggit si Pres. Olive kay (28)Engr. Kooji at (29)Jennalyn Motegi dahil sa matinding pagmamahalang nangingibabaw sa dalawa. Sila ang aming mga kaklase na ngayo’y masayang hinaharap ang buhay. Si Jennalyn ay napangasawa ng long time boyfriend niyang si Kooji na isa nang Computer Engineer.

Si Jennalyn naman ay isa ng sikat na singer sa bar. Part-time job din niya ang pagiging editor. Kaya nga ng siya’y mabuntis at malapit nang manganak,ay kumuha siya ng maternity leave sa kumpanya ni (30)Jasmine Saro na kanyang pinagtatrabahuan upang hindi masayang ang kanyang magandang trabaho.

Ang ipinagbubuntis ni Jennalyn ay pangalawa na nilang anak. Bagamat nagloko si Kooji bago sila ikasal at nagkaroon ng anak kay (31)Gail Abanes na ngayo’y asawa na rin ni (32)Eric Abaroa, isang mala-“Da Vinci” na pintor sa husay, ay pinatunayan naman niya na siya’y magbabago. Tinanggap namang muli ni Jennalyn si Kooji at pinagpatuloy ang buhay.

Maraming pinagtanungan si Pres. Olive kung paano niya malalaman kung sino ang nakatadhana sa kanya. Kinausap na niya ang kaibigang si (33)Gileen Demapendan, ang Miss World 2016, ngunit wala siyang nakuhang impormasyon ukol dito.

Upang mahanap ni Pres. Olive ang kanyang “the one”, siya’y lumapit sa kaklase naming manghuhula, si (34)Maribeth Montimor. Tanyag si Maribeth sa larangan ng astronomiya at mga zodiac. Dahil sa matinding nangyari sa kanya noong hayskul nang makasalamuha niya ang isang manghuhula at siya’y pinagbintangan, nagkaroon siya ng pagnanasang malaman at maging isa katulad nila.

Sinabi ni Madam Maribeth na ang lalaking para sa kanya ay isang driver na magsasagip sa kanya sa kapamahakan.

Tumayo bigla si Pres. Olive at naiturang, “Thank God, I found him.”


♥-♥-♥-♥


VI
Torn between two lovers
Sharing with a fool...


Tuluyan na ngang nahumaling sa alindog ni Adrian si Pres. Olive. Para sa kanya, ang tinutukoy ng manghuhula ay si Adrian at wala ng iba. Gagawin niya ang lahat makuha lamang ang iniibig. Ang problema nga lang, si Adrian ay mayroon nang sinisinta at hindi siya iyon.

Si (35)Claire Czerny Reyes na aming kaklase noong hayskul ay pumayat na. Natapos niya ang kolehiyo at ngayo’y isa ng nutritionist. Alam na niya ang mga pagkaing masusustansiya at pagkaing matataba. Isa na siyang babaeng tila rosas sa kagandahan at ang babae ring sumungkit sa damdamin ni Adrian.

Mahal ni Adrian si Claire simula pa noong kami’y nasa hayskul ngunit hindi niya ito maipagtapat dahil ang gusto ni Claire ay si Noel. Subalit ng maging pari si Noel ay tuluyan ng nahimlay ang pag-ibig niya rito at nagising ang damdamin na para kay Adrian.

Nalulong sa pagdo-DOTA si Adrian. Napg-iwanan na siya ng aming mga kaklase na kaparehas niya’y mahilig din sa DOTA. Hindi siya nakatapos ng pag-aaral. Nawalan na ng direksyon ang buhay niya ngunit ito’y naisaayos muli ni Claire.

Walang pakialam si Claire kahit na isang taxi driver lang si Adrian. Para sa kanya, ang propesyon ay walang kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang tao. Tumagal naman ang kanilang relasyon hanggang sa nakilala ni Pres. Olive si Adrian.

Pinaghiwalay ni Pres. Olive sina Adrian at Claire. Kinuntiyaba niya ang mga magulang ni Claire na ipakasala ito kay (36)Francis Miranda, isang tycoon at may ari ng multinasyunal na korporasyon.

Dahil sa gumanda na nga si Claire ay pumayag rin naman si Francis. Ang dati naming kaklase na pihikan sa babae ay magpapakasal na. Maraming nagulat sa balitang ito lalong lalo na si (37)Maica Jhonalyn Morelos, ang dating katipan ni Francis na isa na ngayong accountant sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Labis itong dinamdam ni Adrian. Tinawagan niya ang kanyang kabatak na si (38)Mngr. Rene Diolata ngunit walang sumasagot sa telepono nito. Marami na kasing ginagawa si Mngr. Rene at kailangan pa niyang pataasin ang “stocks” ng kanyang kumpanya. Naiintindihan naman iyon ni Adrian kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe sa asawa nitong si (39)Carmela Celeridad na isang tanyag na manicurista.

Sinamantala ito ni Pres. Olive upang makuha ang loob ni Adrian. Kinailangan pa ni Adrian ng isang psychologist upang makayanan ang kalungkutan. Tinawagan niya si (40)Nicaflor Salvo upang pagalingin si Adrian at dahil nga sa magkakaklase kami ay mabilis na pinaunlakan ni Nica ang kahilingan ng presidente.

Gumaling si Adrian. Unti-unting niyang natutunang pahalagahan si Pres. Olive at noong July 25, 2017, sila’y nag-isang dibdib sa araw din ng aking kaarawan.


♥-♥-♥-♥

VII
It has never been a question of who forgets
But sometimes, there’s a definite
Pain on being the only one who remembers everything.

Nakatingala pa rin ako sa langit. Sinusulyapan ang mga talang nangniningning. Isang liwanag na nagbibigay ng kasiyahan sa tulad ko.

Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko. Nasaan na kaya sila. Nasaan na kaya siya?

Si (41)Maritoni Mabalhin ay isa na ngayong artista at malapit nang magpakasal (42)kay Eric Conde, gitarista sa isang banda. Nakita ko sila kamakailan lang kasama si (43)Marjorie Ann Ramores na modelo na ng mga robots. Naghiwalay na nga sila ni Axl na labis na niyang ikinalungkot. Naalala ko tuloy ang nakaraan. Parang kailan lamang ay tinatawag ko pa silang “daddy” at “mommy” noong masa hayskul pa ako. Nakakahinayang ang kanilang pinagsamahan.

Si (44)Aileen Tolosa naman ay nasa Korea na. Haay! Natupad ang kanyang pangarap na makita si Jun Pyo. Tahimik na silang namumuhay ni Tamayo sa Korea kung saan sila’y nagtitinda ng Sushi. Kahit na hindi ganoong kayaman ay nabubuhay pa rin naman sila ng maligaya.

Si ano kaya... si Geneva? Yung matalik ko raw na kaibigan. Ganoon pa rin kaya ang turing niya sa akin? Malamang hindi na. Nasaan na kaya siya? Ang huli kong balita roon ay naghiwalay na sila ni Nestor dahil ang mahal nito’y si Jerizza at nagpakalayu-layo papuntang America. Tapos siya ng Nursing kaya siguro nama’y Nurse na siya roon. Haay! Buhay pa kaya iyon? Alam niya kaya na aalis na ako, na magta-time travel ako. Sa tingin ko hindi niya alam. Hinding-hindi.

Tungkol naman kay (45)Jerizza Pepito, siya na ngayo’y naloka. Ito’y sinabi sa akin ni (46)Liezl Nieva, isang payat ngunit magandang stewardess sa Esmilla Airlines, na malapit niyang kaibigan. Sa dami-rami raw kasi ng kursong pinili ni Jerizza ay wala na siyang natapos ni isa. Sa sobrang katalinuhan niya ay nagkarambol-rambol na sa utak niya ang lahat. Dinagdagan pa ng pangungulit ni (47)Nestor Gonzales, dati kong kaklaseng matinik sa Matimatika na ngayo’y isa na lamang bus driver. Sobra kasi siyang nainlove kay Jerizza at hindi na natutukan pa ang pag-aaral. Napatunayan naman ang pagmamahal ni Nestor kay Jerizza dahil sa hindi niya iniwan ang babae kahit na ito’y isa nang kulang-kulang. Tunay ngang may pag-ibig at masuwerte si Jerizza dahil pinagkalooban siya nito.

“Swhhhhng!” May bulalakaw akong nakita. Uhmm.. ang wish ko, sana maging mabuti ang gagawin ko bukas. Walang maging problema para matapos na ang lahat. Babalik ako sa nakaraan upang maitama ang mali.

Nasaan ka na ba kasi? Kailangan kita ngayon. Kailangang kailangan.


♥-♥-♥-♥

VIII
If you have a chance to take the
moment that you know will be memorable,
grab it. Always think that the word next time is
always too far every moment counts.

“Coma” ngayon si Jemmel at ang kanyang nurse ay si (48)Nurse Jamaica C. Inocencio. Akala ko rati’y magiging maayos siya ngunit palubha ng palubha ang kanyang karamdaman. Hindi lang Anoresia ang kanyang sakit. May nadiskubreng isang virus sa katawan ni Jemmel at kailangang masulusyunan.

Si (49)Prinsesa Princess Mae Ann Abella William, isa naming kaklaseng napakasuwerte na naging Prinsesa sa Britanya dahil nakapangasawa ng isang prinsipe, ang tumulong upang maipagamot si Jemmel ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin bumuti ang kanyang sakit.

Isang araw, habang siya’y binabantayan ni Nurse Jamaica, siya’y nanginig. Unti-unti nang kinakain ng virus ang kanyang katawan.

Nais niyang makita ang sikat na pintor sa Japan na si (50)Jhonatan Batingal. May lihim siyang pagtingin dito simula pa noon. Sikat ito sa larangan ng pagpinta ng mukha at katawan ng imahe ng babae at ang kanyang modelo ay si (51)Rizalina Teodoro, sikat na sikat na modelo at tanyag din na bold star sa Japan. Kaya nga ng may pagkakataon ay agad na kinontak siya ni (52)Nurse Karla Vince Evangelio, isang nurse rin na nagbabantay kay Jemmel.


♥-♥-♥-♥

IX
If you need someone
Just look up the sky...
Of course i’m not there!
But remember we’re just under the same sky;
I could never be too far.


Tiktilaok! Tiktilaok!

Umaga na. Hudyat na ito ng panibagong araw. Maya-maya’y lilipad na ako sa nakaraan. Babalik ako sa panahong mauumpog si Pres. Olive dahil sa pinatid siya ni Jemmel. Kailangang gawin ko ito para mailigtas si Jemmel, ako at ang buong Milimino. Kailangan ng magwakas ang kanyang kahibangan. Kailangang matuldukan ang Miliminas.

(53)Ako na ngayo’y isang inhinyero. Natapos ko ang kursong civil engineer at naipatayo ko na rin ang dream house na binuo ko sa aking isip mga sampung taon na ang nagdaan. Noo’y kasama ko si Jemmel na gumawa ng pangarap na iyan ngunit ngayo’y nasa kama siya, nakaratay. Naipatayo ko na rin ang “Barkada House” na pinagplanuhan namin lalong lalo na ang Cola Gang. Pati ang Mikan’s Production ay akin nang naipatayo sa tulong ni Miriam Molino. Ang mga magazine na kinokolekta ko ay kumpleto na ngayon. Ngunit, kailangan ko silang isuko. Kailangang umalis.

Nagpaalam na ako sa lahat, pati na kay Natsume Hyuuga. Tinawagan ko siya ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig. Tila bang pati ang aking mga labi’y takot magpaalam sa kanya. Ayaw ko siyang iwan ngunit kinakailangan.

Siya ngayo’y nasa Japan dahil pinag-iinitan siya ng ating pangulo. Siya ang aking napangasawa. Nakilala ko siya sa Japan sa isang Cosplay ng anime. Sa wakas, nakita ko na ang lalaking aking mamahalin ngunit kailangang ko na ring magpaalam. May misyon akong gagawin at para rin naman sa kanila yun. Sa amin. Sa akin. Sa atin.

Tiningala ko ang langit. Naghanap ng mga tala sa kaitaasan. Nasaan sila? Nasaan siya? Nasaan ang mga kaibigang dadamay sa akin. Tama. Wala sila. Ako ang aalis at hindi sila. Ako ang mang-iiwan at hindi sila.


♥-♥-♥-♥

X
Of all goodbyes, the kind which hurts
The most was the one your ears never heard but your
Heart knew it was already been said.


Engine. Tsek!
Makina. Tsek!

Maggagabi na. Lahat ay nasa maayos na katayuan. Ang mga ito’y nakahanda na at kailangan ko na ring ihanda ang sarili ko. Gagawin ko ito para sa kanila, para sa kanya, para kay Natsume Hyuuga.

Nakikita ko na ang mga tala sa langit. Handa na nga ako, babalik na ako sa nakaraan. Sa panahong iyon...

Kasama kong bumalik sa nakaraan si (54)Rochel Soria, ang kaklase kong naging isang mahusay na Historian dahil kailangan niyang pag-aralan ang nakaraan. Gusto niyang bumalik sa nakaraan upang mailathala ang mga record ng nakalipas na siglo.

“Jasmine 101 ready for take off,” sabi ng makina.

Shnnnggg. Dugudug! Shnnnnnggggg. Dugudug!

“Anong nangyayari? Anong nangyayari?”

“Mag-iingat ka. Mahal ko kayo....”

BAGOOOOMMM!!!!!


♥-♥-♥-♥


XI
Know when to let go and walk away.
If it’s dead, don’t go digging it up every 5 miutes
To check for his pulse.
It’s dead! Just walk away.


Wiyu wiyu wiyu!! Wiyu wiyu wiyu!

“Buhay pa ba sila?”

“Opo Nurse Evangelio.”

“Sige dalhin na iyan sa ER.”

“Rubdub! Rubdub!”

“Tumitibok pa po ang kanyang puso, (52)Doc. Villarta.”

“Akin na ang scissors....ang pump...ang ekstrang dugo...”

“YEHEY!”

“Ngunit paano na itong isang ito Doc. Nasa pangangalaga siya ng mga robots?”

“Nurse Evangelio, tumitibok pa ba ang kanyang puso?

“Mahinang mahina na po eh. Siya po’y nasa pangangalaga ng mga doctor robots.”

“Bakit hindi niyo siya sa akin ibinigay?”

“Naipit po ang kalahati niyang kamay sa time machine.”

“Ano? Si....si....si va...va......yan? “


♥-♥-♥-♥

XII
Don’t try to understand everything..
Because sometimes, it is not
Meant to be understood but rather to be accepted.

Hindi nagtagumpay ang dalawa sa kanilang balak na maglakbay sa oras at sila nga’y napahamak. Dinala ni (55)Jaymelyn Ferrer, isang janitress sa isang park, ang dalawa sa pinakamalapit na ospital. Nakita niya ang pagsabog ng makina at dali-dali niyang pinuntahan ang lugar ng pagsabog.

Si (56)Dra. Geneva Rose Villarta ang gumamot sa dalawa. Ang kaklase na kanyang hinahanap-hanap. Isa na itong matagumpay na Doktor at kilala sa larangan ng medisina lalong lalo na sa puso at siya, siya ang gumamot sa kanila.

Nangibang-bayan ito dahil na rin sa kasawiang natamo niya nang sila’y maghiwalay ni Nestor. Pumunta siya ng America upang mag-masteral sa titulong kanyang kinuha ngunit dahil sa nami-miss na niya ang kanyang ina ay bumalik siya rito sa tinubuang bayan.

Si Miss Karla naman ang kanyang katuwang sa panggagamot. Siya ang kanyang “personal nurse” na tanging pinagkakatiwalaan. Si Nurse Karla ang dating Karl noong hayskul pa sila. Siya’y lumadlad na at nagpasex change sa ibang bansa sa tulong na rin ni Dra. Geneva.

Nakaligtas naman si Rochell sa pagsabog sa time machine. Nagamot siya ni Dra. Geneva. Maayos na siyang namumuhay at pinagpapatuloy ang kanyang propesyon.

Maayos na lahat. Wala ng gulo. Ang kaluluwa ni Vanessa ay nakapasok sa panahong nais niyang mapuntahan. Naisaayos ang mundo, ngunit, ang katawan niya’y naipit sa magkabilang dimensyon. Ito ang dahilan ng kanyang pagkasawi.

Si Pres. Olive ay bumagsak na. Gumaling na si Jemmel at nabuhay naman si Rochell. Normal na ang lahat, wala nang mga gulo.

HINDI KO MAINTINDIHAN! Bakit? Bakit dapat mangyari ito? Ako, ako na si Natsume... ay walang nagawa? Ibinuwis niya ang buhay alang-alang sa amin, sa atin, sa akin....hindi ko maintindihan! Ganito ba ang kapalaran?? Bakit? Hindi ba’t sinabi kong poprotektahan ko siya? Nasaan ako noong mga oras na iyon? Bakit ko siya pinabayaan. Bakit ko siya pinahintulutan! Wala akong kwenta! Mahal ko siya pero wala akong nagawa! Wala ni isa.

Ngunit..kailangan ko itong tanggapin. Kailangan......


♥-♥-♥-♥


XIII
Dreams are what touches are hearts and souls.
A magical memory. The union of fantasy and reality .
The marvel of sounds and the spectacle of lights.
But dreams,
They can be reality too.

AHHH!

Umaga na pala! Nakatulog ako doon ah! Sa wakas natapos ko na ang nobela ko! Yahoo! Maari ko na itong dalhin kay Sir Mark. Haay! Siya nga pala, si Sir Mark Ryan V. Canimo yung guro namin dati sa Filipino. Hahay! Buhay nga naman, biruin niyo, amo ko na? Siya na ngayon ang may-ari ng kumpanyang Markee’s Printing .

Gustong gusto ko talaga ng pagsusulat, ang dami kong naimagine kagabi ah. Haay... nakakatamad... ah..ano ‘to?

......time machine??



 ♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥