"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Thursday, June 27, 2013

Ngayon

Hunyo na, 4th year na ako. Ang bilis, ni hindi ko namalayan. Ito ang panahon kung saan dapat na akong magpasya kung ano ba talaga ang buhay na gusto kong sapitin. Ito ang panahon kung saan lahat ng desisyon ko ang siyang magdidikta ng aking kapalaran, ng aking kasasapitan--at kung ako ay sasaya. Natatakot ako; kaya ko ba? Kinakabahan ako; ako'y handa na ba? Ako ba ay nakapagpasya na? Sapat na ba ang aking mga kakayahan para sumabak na sa hamon ng tunay na buhay? Naguguluhan pa rin ako. Kulang pa rin ang aking abilidad upang makipagsapalaran at makipagkompitensya sa iba. Alam kong marami pang mas magaling sa akin kaya naman paano ko ibibida ang aking sarili? Hindi pa ako nakaalis sa aking hawla kaya naman ang pagtapak sa labas nito ay isa nang malaking hamon ng pagbabago. Ito ang kinatatakutan ko. Paano kung ako'y madapa? Paano kung ako nga'y lumipad ngunit bigla ring bumagsak pababa ng pababa. Paano kung kay tayog ng aking nililipad ngunit hindi naman pala ito ang landas na dapat kong tinatahak? Ano nga ba talaga ang gusto ko? Ano nga ba ang gusto kong mangyari liban na sa pagiging masaya? Ano nga ba ang ginagawa ko para matupad ang mga gusto kong gawin? Ano nga bang makapagpapasaya sa akin? Ayokong magsisi bandang huli. Ayokong magsisis na hindi ko nagawa ang mga nais kong gawin. Ayokong may pagsisihan. Ayokong maiwan sa mabilis na andar ng buhay. Kailangan kong magtiwala sa sarili ko. Kailangan na akong magpasya. Kailangan, ngayon na.

 ♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥