"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, January 30, 2011

Torn



Nakakabaliw. Nakakalito. Sa ating dalawa, sino nga bang may gusto? Sa ating dalawa, ako lang ba ang ganito?

Nakakabaliw. Nahuhugkang na ako sa tunay kong nararamdaman. Ano nga ba ito? Kahit anong pilit ang gawin ko, 'di ko malaman-laman ang totoo. Gusto kong hindi na ito maramdaman. Gusto ko na itong kalimutan. Gusto ko ay mawala na ito ng tuluyan.



Bakit nga ba? Bakit 'di ko na lang kasi ipakita ang lahat? Bakit hindi ko na lang ilabas ang tunay kong nararamdaman? Bakit hindi ko na gawin ang gusto kong sabihin at aminin na ang mga dapat aminin. Nakakatawa. Nakakalito. Na kahit ang sarili ko ay gulong-gulo. Ano nga bang tama? Ano nga bang gagawin ko? Na kahit tanong ako ng tanong sa sarili ko, hindi ko rin naman masagot.

The fact na nagsusulat pa rin ako sa blog na ito, hindi ko pwedeng sabihing wala ka na. Ako lang ba ang nahihirapan ng ganito? Sa ating dalawa, ano nga ba ang tingin mo? Anong gusto mo, ituloy ko ito o hindi?





Ani nga bang ikinakatok ko? Ang mahulog sa'yo o ang itanggi mo? Nahihirapan na kasi ako, nahihirapan sa pinaggagagawa ko. Kung talagang wala na akong nararamdam, sana ay wala ako dito, sa harapan ng ketboard, nagsusulat, nagmumukmok. Pinapahirapan ko lang naman ang sarili ko eh. Ako mismo ang tumatanggi sa nararamdaman ko.




Mahirap bang sabihing may gusto ako sa'yo? Nasabi ko na naman ito ah! Alam mo na naman ito ah! Ngunit, bakit nahihirapan pa rin ako. Sabi ng prof ko sa psych, bakit 'di ko na lang ipursue ang nararamdaman ko? Bakit nga ba?
Magkaganon man, gusto man niya ako o hindi, parehas akong nahihirapan.

Kinokontrol ko lang ang sarili ko na dapat ay sinusunod ko. Malay mo, may gusto rin siya. Malay mo gusto rin niya. Malay mo, malay mo lang naman. Pero, malay mo, hindi pala. Ako lang talaga ang tangang umaasa.


Malay mo at malay ko. Malay din nila. Ang tanging makakasagot lang naman nito ay ako. Ako, na sa sarili ko, hindi ko alam. Hindi ko alam kung totoo, itong nararamdaman ko. HIndi ko alam, hindi ko kaya, pero gusto ko lumigaya, sa piling niya.

Malay mo at malay ko. Malay din nila. Malay mo, sa susunod, panindigan ko na, kung kailan ay huli na.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Friday, January 28, 2011

Well said, Flickr.




♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Sunday, January 23, 2011

HOW DO YOU KNOW IF YOU'RE IN LOVE♥


A check list to know if you are in love
Ψ101 LESSON


❒ there is a physiological arousal on your body

(e.i. faster heartbeat, sweating)

❒ intrusive thoughts about the person

( you can't control it. Before you notice it, it has already happened.)

❒ idealization of the other

(all we see is amazing things of them)

❒ desire to know the other

(curiosity. You want to know his/her favorite food, t.v. show, anime, drinks, hang-outs, etc.)

❒ feeling good when things go right; feeling bad when things go wrong

❒ Longing for reciprocity

(you want them to feel the same towards you.)

❒ studying the other (stalker?)

❒ service to the other

(making notes, doing favor, drive them in their home)

❒ want to maintain physical closeness

(you want to be physically close)


(Manalastas, 2011)


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Saturday, January 22, 2011

Pakiusap lang.



Sino pa bang hinihintay, ba't di pa tayo sumakay?
Excited na'kong umalis, sige na please, konting bilis
Saan ba tayo pupunta?, kahit saan, bahala na
Wala akong baong extra brief, pwedeng side B 'tas auto flip
haha. natawa naman ako rito sa kanta ng parokya na pinamagatang *tentenenent*

Biglaan, wala nang oras pa na pagtaluhan
Gusto ko na kasi siyang kalimutan
Kaya't pakibilisan

Saan man tayo magpunta, walang sablay, sobrang saya
Kahit saan tayo mapadpad, basta may baon na lapad
Pagkat kailangan ko na munang mag-relax ng lalamunan
Tapos magpakalunod sa alak ang pusong pagod

Nakooow. Minsan nga eh parang gusto kong maglasing para naman magkaroon ako ng lakas ng loob o kaya mawalan man lang ng kontrol (wag lang ulit mangyari yung CENSORED part. Siguro 'di ko na makakayang i-handle yun kung magkataon. Tsk tsk tsk, isang buwan akong palutang lutang sa ere ng mga panahong yun. Tawa ng tawa ngunit kapag mag-isa bigla na lang nagke-create ng image sa utak ko na akmang-akma sa scene na yun. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH. Ineeees ulit! HUHU. Bakit naalala ko na naman yun! Dagdagan pa ng 'di paniniwala ni *sino na nga ulit yun?* Haaay. Sana nga kasi 'di ko na lang sinabi. Haaay. NAGBIBIRO lang daw kasi ako nun eh. Maisip ko lang na second base at third base ang tawag dun eh napaapbuntong hininga na lang ako e. At well, well, well, on the wishing well, dalawang buwan ko pa natanggap ang katotohanan at dalawang buwan at kalahati ko lang siya napatawad. )


Tuloy-tuloy niyo lang ang tagay, hanggang mawalan ng malay
Loko lang, syempre naman, maghahanap muna ng away
Loko lang, walang ganon, gusto ko lamang mag-inuman
Ok lang ang dahan-dahan, ang amats ay di kailangan
Na biglaan, relax lang tayo pag nag-iinuman
Gusto ko lamang siyang makalimutan
Kailangan lang maglibang

Ngunti balik tayo sa pinag-uusapan. Haaay. Tulad ng dati: magkatabi, magkalapit, magkahawak ang kamay, na parang kaming dalawa lang ang nasa mundong puno ng bulaklak at may lobo pang naggagala sa hangin. Syempre, ako lang ang nag-iisip nun, ako lang naman ang ilusyunada eh. Baka nga, 'di na niya alam yung pangyayaring yun eh. Pero, lasing man ako noon, may tama, may amats, o kahit anong tawag man ang gusto mong itawag doon, isang kahapon na lang iyon na hindi na maibabalik. Isang bintana ng kahapon na ako lang ang sumisilip na ngayo'y aalikabukin na. Haaay na naman ulit.


Tara na, samahan niyo kong magsaya
Sige na, ayoko munang mag-isa
Sapagkat ngayon lang ako, nasaktan ng ganito
Kaya pakiusap lang, lasingin nyo ako
Kaya pakiusap lang, lasingin nyo ako
Kaya pakiusap lang
Lasingin nyo ako
Pero dahil sa nag-goodbye na ako, wala nang atrasan 'to. Wala nang lokohan ng sarili. Dahil ang GOODBYE, para sa akin, ay salitang ginagamit sa pagtutuldok ng mga bagay-bagay na hindi na kailanman kailangang ulitin. Kumbaga, permanenteng nakalilok at nakatanim. Tila isang palasong kapag tinira na sa ere'y hindi mo na maaari pang pigilan. Kaya nga hindi ako gumagamit ng salitang iyon kapag maghihiwalay kami ng landas ng mga kaibigan ko. Mas mabuti nang gamitin ang "SIGE", "HANGGANG SA MULI", "INGAT", at kung ano mang salitang maisip ko wag lang ang salitang GOODBYE.

Sagrado para sa akin ang salitang GOODBYE. Hindi ko siya ginamit kahit pa noong Graduation noong Hayskul. Sa aking paniniwala simula pagkabata, mayroong "imaginary thread" ang nagbibigkis sa amin, ng mga taong gusto ko at mahal ko, at hindi kami paghihiwalayin. Ilang taon man ang lumipas at lilipas, magtatagpo at magtatagpo pa rin ang pising ito na magiging dahilan ng aming pagkikita. Maaari ngang minsan, ginagamit ko o nadudulas akong gamitin iyon, ngunit 'di ko binibigyang halaga. Kapag naging kaibigan ko na siya, gaano man ako kainis sa kanya, naroon pa rin ang "imaginary thread" na iyon, ninipis nga lang ngunit naroon.

Ngunit iba ang kaso ngayon. I really mean it and I will do it. Pero ang tanong until when? Until when? Hangga't kaya kong magtiis. Expert naman ako roon eh. Mananahimik na lang ako, hindi na manggugulo nang hindi na makaperwisyo. Kahit mahirap, AJA! Haha :c Kahit hindi ko na kaya, tatawa na lang ako, edi nakapagpasaya pa ako, kuntento na ako roon.


Kaya naman ngayon, dahil sa nagbitiw na ako ng salita, at ayaw na ayaw ko sa mga hindi tumutupad sa pangako dahil hindi ako naniniwalang "promises are meant to be broken" na palusot lang ng mga tarantadong loko-lokong paasa to the highest level of mountain range sa Nepal, gagawa ako ng mga istratehiya. Oha! Oha! Magpapaka-geek muna ako with love! ♥ (kala mo madali eh!) at di'ba sinabi ko ngang magpapadala ako sa agos ng mundo which is ginagawa ko na ngayon at masaya naman ako (dahil maraming fish sa pond at hindi lang isa!), napagpasyahan kong isiwalat o isariwa ang katangahang taglay ko way back to my 3rd year life kung saan unang umusbong ang katangahang taglay ko na namunga ng napakaraming negative ions sa katawan ko. In short, 'feel the pain until it hurts no more'.

And who said LOVE can't explain scientifically? If you think love is not a part of science, THINK AGAIN! Hello, psychologist po ako! Psychologist na kayang gamutin ang sugat ng iba kahit ang sariling sugat ay nagnanaknak na at ninanana pa. Haha.

Sooo, para malaman natin ang solusyon , kailangan muna nating malaman ang problema. Kumbaga scientific method which is actually effective! So, try it!

Ano nga bang problema?

Actually, walang problema dahil ako lang ang nag-iisip nun kasi nga AKO LANG ANG NASASAKTAN (paulit-ulit kahit di unli! tsk tsk tsk.) At dahil bangag ako ngayon at mas masaya kumpara sa mga panahong pino-post ko yung ibang
♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Thursday, January 20, 2011

Nang minsan sa kadalasan

Minsan, mas mabuti nang wala kang nalalaman sa mga bagaya-bagay. Lalo ka lang kasing masasaktan kapag alam mo ang lahat e. Masakit. Nakakamatay--hindi man literal pero ito talaga ang pakiramdam.

Masarap umibig. Masakit din naman. Parang katulad ng bittersweet--matamis at mapait. Magkasalo. Mixed emotion kung tawagin ng psychologist. Halu-halo naman kung mahilig ka sa dessert. Complicated kung sa algebra. Bilinguistic kung lingg-major ka. Duling kung may problema sa mata. Tanga, ako iyon, talaga!

Masarap umibig. Masarap sa pakiramdam, lalo na kapag tugma ang nararamdaman niyo sa isa't-isa. Mahal ka at mahal mo. Tititigan ka sa iyong mga mata habang ikaw ay masayang masayang tumititig rin sa kanya. Nakakakilig. Nakakatuwa. Para ba siyang PasaLOVE, ipapasa mo ang nararamdaman niyo sa isa't-isa. Isang mutula na romansa. Magbibigayan ng saya sa isa't-isa, sa kanila lamang dalawa, at wala ng iba pa.

Masakit umibig. Masakit. Mapait. Mahirap. Matinik. Unti-unti ka nitong pipirasuhin nang 'di mo nalalaman. Unti-unti kang masasaktan kahit 'di mo pansinin. Hindi mo matakasan. Hindi mo maiwan. Hindi mo makalimutan ang pawit sa bawat saglit na nagdaan. Masaklap ito--masaklap lalo na kapag ito'y hindi iyo. Hindi mo makuha ang kanyang mga ngiti, ang kanyang mga labi, ang kanyang mga kwento, ang kanyang tingin, ang kanyang atensyon, at ang kanyang pagmamahal.

Bitter. Bitter ang pag-ibig. Hindi ito para sa lahat dahil para ito sa iilan. Sa iilan na maswerteng nakatagpo ng katerno niya sa buhay. Lagi kasing misleading ang nangyayari. Mismatching ng damit kung maiwiwika sa fashion. Parang yung number 1 na sagot sa midterm mo ay dapat letter a at imbis na letter b. Bokya. Mali. Hindi maaari. Hindi kompatibol. Kahit anong pilit mo. Kahit anong pagmamakaawa mo sa teacher mo. Kahit na suhulan mo ang prof. mong wala nang buhok sa ulo. Kahit na pinag-aralan mo siya mabuti. Pinuyat mong magbasa at magreview. Pinatunayan mo ang sagot mo gamit ang proving. Kahit na kaya mo pa itong depensahan. Kahit magaling ka pa sa debate. Kung hindi talaga bagay, hindi talaga papasok.


Nakakalito ang pag-ibig. Ang daming pasikot-sikot. Ang daming surprise. Yung iba nakakagulat. Yung iba nakakasakit. Hindi mo alam kung hihimatayin ka--sa tuwa man o sa lungkot. Iiyak, tatawa, sisigaw--kahit anong gawin mong kilos ay okey lang--pero hindi mo maaaring kontrolin. Otomatik mo na siyang mararamdaman. Sa ayaw mo man o sa gusto.

Sa ayaw ko man, naramdaman ko ito. Itong pag-ibig ko sa'yo. Itong kirot at pasakit na nararamdaman ko tuwing may nababalitaan akong "iba" tungkol sa'yo. Itong pakiramdama na parang nagsi-circus sa aking ulo tuwing napapasaya mo ako. Ikaw ang dahilan--ng mood swing na ko. Kaunting gawi mo lang ay naapektuhan na ako. Parang causal relationship. Ahem, natural causal relation.

Minsan gusto ko na itong mawala. Yun bang putukin ang lobo sa ilong ko nang sa gayon ay matauhan na ako. Nang sa gayon, wala nang nagkakandarapang tumitig sa facebook mo. Wala na ring lokaret na nagtatago ng sama ng saloobin at dinadaan na lang sa pagsusulat na gaya nito. Walang kwenta! Walang kwenta dahil sa milyung-milyong tao sa mundo, ikaw lang pala ang makapagpaparamdam ng ganito. Sa dinami-dami ng pwedeng problemahin sa mundo, ang pag-ibig mo pa ang inaasam-asam ko. Natatakot ako, baka katulad ka rin ng math na napakakomplikado. Sa una ay mahal na mahal ko ngunit nang katagalan, pahirap ng pahirap, ay susukuan ko. Susukuan? Wala sa bokabularyo ko iyon! Pero kung nabubulok na puso ang pag-uusapan, ibang kwento na iyon. Haaaay. Broken hearted na nga sa'yo, broken hearted pa sa acads.


Minsan, mas mabuti nang wala kang alam, nang hindi ka nasasaktan. Tulad ngayon, alam ko ang password ng facebook mo--paano, binigay mo sa akin. Binigay mo sa akin dahil may ipinagawa ka. Ibinigay mo sa akin dahil nananadya ka. Oooops! Joke lang, wala lang naman sa'yo yun eh dahil ako lang ang nag-iisip nito. Ako lang ang nasasaktan. Ikikiskis mo man sa bato ang tulad kong liha, ako pa rin ang kawawa--mauubos sa isang sulok at mawawala bigla. Maglalaho. Maninibugho. Mawawala ang bisa.

Iba--sa iba ka nakatingin. Sa iba ka tumitingin habang ako sa'yo'y nakatanaw. Isipin mo mang maigi, wala talaga akong mapapala. Hanggang tingala lang naman ako eh dahil wala akong lakas ng loob na sungkitin ka. Gusto kita pero tama na. Masakit na eh. At kahit ilang bese kong sabihin ayoko na, hindi ko pa rin kaya.

Minsan, mabuti nang wala kang alam, nang hindi ka nasasaktan. Minsan, mabuti nang nasasaktan para tumigil ka na sa kahibangan. Minsan, mabuti nang ikaw ay hibang para alam mong masaya ka kahit 'di mo nararamdaman. Minsan, mabuti nang ito ang nararamdaman para lalo kang tumatag at lumakas. Minsan, hindi advisable ang pagiging matatag, dahil, minsan, akala nila, hindi mo na kailangan pa ng masasandalan.
Minsan, kailangan ko rin ng masasandalan para naman hindi ako mahulog. Minsan, mabuti nang ikaw ay mahulog para ikaw ay matauhan sa mga bagay-bagay.

Minsan kailangan mong matauhan sa katotohanan. Masakit man, ngunit kailangan.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Wednesday, January 12, 2011

Sensasyong Makulit: Ako'y Naaakit

Nakinig ako ng musika nang hindi ako mabato. Malungkot kasi ako ngayon kaya pinakikinggan ko na lang ang mga kanta para naman sumaya ako kahit papaano. Makapupunta pa ako sa ibang mundo, gagawa ng ibang paraiso at magiging prinsesa sa kaharian ko.


Nakinig ako ng musika at dinama ito. Ang mga notang pumapasok sa aking mga tainga na sumasayaw sa hangin ang siyang nagpangiti sa aking mukha. Sabay nito ang pagpikit ng mga mata na dahang-dahang tumatakas sa magulong mundo. Nang buksan ko itong muli, nasa kaharian na ako.


Tingin dito, tingin doon. Nasaan kaya ako? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, maganda rito—maraming puno, maraming bulaklak, maraming ibon, at may kulay asul na humahagkan sa buong kalangitan.


“Shhht!” Narinig ko iyon. Nilingon ko ang pinaggalingan ng tunog ngunit wala akong makita—ni anino, ni bakas. Akala ko naman ay may tao na, ngunit wala pala. Wala sila, wala ka, ako lang pala mag-isa.


Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Hindi ko pa man naigagalaw ang aking ulo’y bigla namang may yumakap sa akin. Nagulat ako—sino ba ‘to? Hindi ko kasi siya makita dahil nakatalikod ako sa kanya. Pwera na lang kung may mata ako sa likod, kung nagkaganoon, mahuhuli ko kung sino siya.


Ako’y nagpumiglas. Ako’y kumawala. Ginalaw-galaw ko ang aking katawan upang matanggal ang mahigpit niyang pagkabigkis sa akin. Ngunit, nang masilayan ko ang pamilyar na mukha, bigla akong natulala. Kilala ko siya ngunit hindi ko sigurado kung siya nga iyon. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na kumikislap-kislap pa. Nasilaw ako, masyado kasing maliwanag ang posisyon niya. Nang maka-recover na ang mga cones sa mata ko, laking pagkabigla, ikaw ang tumambad sa aking harap. Ikaw na siyang pinapagarap ko. Malapitan—tayo ay nagkatitigan. Nakayakap ka pa rin sa akin. Naramdaman ko ang init sa iyong mga bisig. Ang balbunin mong braso na kumukulong sa nanginginig kong katawan ay aking nahahawakan. Hinaplos ko ang balat mong napakalambot na nakadikit sa akin. Nagtataasan ang buhok nito, tila gusto akong tusukin. Umihip ang hangin at dinala ang mabango mong amoy. Nilanghap ko ito na para bang nalalasahan. Naramdaman ko ang elektrisidad na likha natin. Para akong tinamaan ng kidlat. Parang may isang chemical reaction na nagbibigay ng tinatawag na love.


Ako at ikaw, tayo lang ang naririto. Kinagat ko ang labi ko ngunit hindi ko naramdaman ang sakit. Kinain ko ang hawak-hawak kong sili ngunit hindi ako naanghangan. Nakatitig ka sa akin na parang hindi mo naiitindihan kung bakit ko iyon ginawa. Kaya, sinabayan ko na lang ang takbo ng istorya kahit na ako’y takang-taka.


Niyaya mo akong maglakad-lakad at pumayag naman ako. Ginalaw natin ang mga paa at tumungo sa iisang direksyon. Sabay nating pinagmasdan ang magagandang tanawin. Tinuro ko ang kunehong tumatalon at ginaya mo naman. Tawa ako ng tawa. Hindi ko napansing umuurong na pala ako sa aking pwesto. Nadulas ako at nahulog sa isang batis, mahina rin kasi ang aking sense of balance. Basa, putik—nalasahan ko pa pati ang tubig rito. Hindi maalat pero hindi matamis. Hindi ko man mawari ang lasa, naaamoy ko naman ang kanyang lansa.


Agad kang sumaklolo sa akin. Nasaksihan mo man ang lahat, hindi mo ako nagawang iligtas dahil nagulat ka sa mga pangyayari. Hingi ka ng hingi ng aking kapatawaran. Nagkukunwari akong walang naririnig. Tinapat mo ang labi mo sa tainga ko at nag-sorry ulit. Natawa ako. Nakikiliti kasi ako sa pagsayad ng buhok mo sa leeg ko.


Walang umiimik sa ating dalawa. Hindi ko na ginalaw ang aking bibig at hindi ka rin naman lumilikha ng tunog. Nabibingi ako. Nabibingi ako sa katahimikang ganito. Wala akong wavelength at amplitude na nasasagap mula sa’yo. Hindi ko man lang maramdaman ang init ng katawan mo. Nagpatuloy lang ang ating paglalakad kasabay ng katahimikan at distansya.


“Bakit mo ’ko niyakap?”


Binarag ko na ang katahimikan. Tinanong na kita. Sinagot mo naman ako ng iyong matamis na ngiti. Hindi ka nagsalita. Hindi ka nga ba nagsalita o sadyang hindi ko lang narinig?


“Brrrrrr.”


Biglang tumunog ang tiyan ko, dinig na dinig ko. Namula lalo ako, nadinig mo rin kasi—nakakahiya. Nagkatinginan tayo pareho. “Haha. Sinisipa na ako ng mga bulate ko sa t’yan!” Pabiro kong banat sa’yo. Ay! Hindi pala biro, sa totoo lang, kumikirot-kirot na talaga ang sikmura ko, ‘di pa kasi ako kumakain simula kagabi. Paano, iniisip kita eh.


Hinawakan ang aking kamay. Kinilig ako at nagsitaasan ang mga balahibo. Hinila ako ng mainit at malambot mong kamay sa gawing kaliwa. Tinanong ko kung saan tayo pupunta ngunit ‘di mo sinagot. Tinigilan ko na lang ang pagtatanong ko noong naamoy ko na ang mabangong aroma ng manok at baboy na iniihaw. Nagutom ako lalo sa amoy na iyon. Naglalalway na ang aking bibig. Natatakam na ang aking dila. Hindi ko pa man nakakain ang pagkain ay parang nalalasahan ko na.


Nang umihip ang hangin, nakaramdam ako ng lamig. Nabasa nga pala ako kanina, muntik ko nang makalimutan. Napansin mong nanginginig ang buo kong katawan. Hinipo mo ang aking noo at tiningnan kung mainit ba ito. Nababasa ko sa iyong mga mata ang bakas ng pag-aalala. Maya-maya’y isinuot mo ang iyong jacket sa akin. Inamoy ko ito at ito’y kasing bango mo—masarap sa ilong at mahalimuyak. Umupo ka ulit. Pinagmasdan lang kita. Mukha kang nahihiya. Ika’y namumula. Salamat na lang sa aking mga mata dahil alam kong nand’yan ka, sa aking tabi, hindi ako nag-iisa.


Hindi natin napansin ang oras, dapit-hapon na pala. Ang kulay kahel na humahalo sa asul na langit ay nagpakita na upang maghasik ng kanyang kayabangan at upang kami’y magnilay-nilay sa ganda nitong taglay. Nasa tabi pa rin kita, abot na abot ng kamay kong masaya, sabay nating minamasdan ang paglubog ni Haring Febo. Narinig ko ang tibok ng iyong puso. Nahuli mo naman akong nakatingin sa’yo. Akala ko’y magagalit ka, ngunit, niyakap mo akong muli. Naramdaman ko na naman ang misteryosong elektrisidad. Tumatalon ang aking puso, bumilis ang pagtakbo. Hindi ko na maitago ang nadarama ko. Nag-amoy rosas ang paligid. Ang bahaghari’y nagwala at kinulayaan ang mundo. May asul, may puti—may pula sa iyong labi. Natikman ko ito, lasang matamis na parang tsokolate ni Kupido. Narinig ko ang kalembang ng kampana, ito ay nagbabadya. Bum’welo na ang ibon at tuluyan nang kumanta. Ang sarap pakinggan: ng tono, ng boses, ng musika—tila ay umiinda-indayog. Napakasaya ko. Pinikit ko ang aking mga mata. Hinahagkan pa rin kita, habang ang Ibong Adarna ay patuloy na kumakanta.


Nakinig ako ng musika para hindi ako mabato. Hindi nga ako nabato, nakatulog naman ako. Nakatulog—hindi pala iyon totoo? Haay. Akala ko naman ay totoo na ang mga ito—ang mga nakita, narinig, naramdaman, nalasahan, naamoy—lahat ba ito’y mga pantasya?


Nakinig ako ng musika at dinama ito. Sa sobrang pagdama rito, nadala ako sa ibang paraiso—masaya, nakakakilig, naroon ka. Gabi na pala at hindi na namalayan pa ang oras. Hindi yata gumagana ang rods ng aking mga mata kaya ‘di kita makita. Pinakinggan ko na lang ulit ang kanta hanggang sa matapos. Tumuunog, sumasayaw, kinakain ako ng taglay nitong liriko. Kaya naman ngayon ako’y naguguluhan. Ako ay naging bato—hindi na alam kung anong totoo.



DISCLAIMER: This is a Psychology 101 paper.

Friday, January 7, 2011

May load ako ngayon! Yey!

Nagpaload ako, kasi akala ko makakateks kita. Akala ko kasi, katulad noong Bagong Taon, pakikiligin mo ulit ako. Umasa ako. Nangarap. Kaya ngayon, luhaan.

Nagpaload ako, sabi ng isa nating kaklase. Puyatan daw tayo nang katulad noong dati-noong hayskul pa na ako lang ang iyong babae (na inaasar-asar), noong dati na kaunti palang ang mga kateks mo, noong dating hindi mo pa sila kilala.

Nagpaload ako, para naman magbatuhan tayo ng mga text message na kinasasabikan kong matanggap. Hiniram ko pa nga ang cellphone ni kuya para lamang makateks ka. Hindi hadlang para sa akin ang pagkakaiba natin ng network ng SIM. Ang mahalaga lang sa akin, ay IKAW.


Nagpaload ako, dahil alam kong may load ka. Alam kong kahit anong oras pa, maaari mo akong replayan at makausap. Masabing nami-miss kita. Maiparamadam na minamahal kita.

Nagpaload ako, at nagteks sa'yo. Kunwari ay GM para hindi gaanong halata. Para rin hindi nakakahiya. Lagi pa naman tayong magkasama--sa scholarship, SK, meeting at iba pa--pwera na lang sa ESKWELA, kung saan, marami ka ng iba. :c

Nagpaload ako, dali-daling nagteks at hinintay ang sagot mo. Masaya! Sumagot ka! Isang salita. Isang salita na aking ikinatuwa. Isang salitang nagpatalon sa paa. Isang salitang ibinaba ng tala. Isang salita na 'HELL' kung iwika.

Masaya na ako roon. Kahit may bahid ng pang-aasar, kung galing naman sa iyo, ay aking tatanggapin, ng buong-buo, ng buong puso, at ng may pagmamahal. Ang problema nga lang, ito ay hindi mo alam at hinding-hindi malalaman.

Nagtuloy-tuloy pa ang pagbabatuhan ng mga salita, at, nakarating na nga sa pangbubuyo. "Ako ang iyong pag-ibig," ika mo. Oo na! Tama ka! Totoo yun. Nagpintig ang aking puso. Tumalon, tumibok, bumilis ang pagtakbo, pumipintig siya nag dahil s akagalakang taglay ko. Tumigil ang oras sandali, ito'y aking dinama at dinala sa palasyo.

Maya-maya'y nahimasmasan na rin ako. Sinagot ko siya ng biro, hindi seryoso. Napilitan lang naman ako noon eh, inutusan kasi ako ng utak ko. Hirap man ang puso ko at umaayaw-ayaw pa, wala akong magawa, napangunahan na ako ng hiya.

Nainip ka na yata sa mga biro ko. Hindi kita sineseryoso, iyan ang imaheng lumalabas sa'yo. 'Di mo kasi nababasa ang kontradiksyong nasa aking pagkatao. Hindi rin naman kita masisisi. Tunay ngang magulo ako.

Nagpaload ako dahil may load ka. Masaya. Ngunit, anong silbi ng load ko kung tingilan mo na akong replayan? IKAW! Ikaw ang gusto kong kausap at hindi sila--IKAW lang. Ikaw lamang ang sa aki'y makapagpaapsaya. Simpleng "hi" o "hello" ay ayos na, pero, hindi eh. Wala.

Wala ng mga teks ang dumadating galing sa'yo. Gusto kitang tanungin kung bakit? Gusto kitang kulitin. Gusto kong sabihing "sige na magteks ka na sa'kin, please." Lahat ng iyan gusto kong gawin sa'yo. Pero wala eh. Hind eh.

Iteks mo naman ako! Sige na! Hindi mo ba ako naririnig? Hindi ba? Hindi ba? AKin ka na lang? Pwede ba? Ibalik natin yung dati, sige na! Maawa ka, nami-miss talaga kita.

Nagpaload ako, para sumaya. Kasi akala ko magteteks ka eh. Hindi naman pala. Hindi naman pala dapat akong umasa eh. Nasasaktan lang ako, hindi ko na talaga kaya pa.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Sunday, January 2, 2011

Maganda talaga ang mood ko ngayon! c:

Okay. Maganda ang mood ko, noong una. Paano ba naman, kateks ko siya noong New Year! HAHA. Ang saya-saya ko. Siguro, buong taon kaming magbabatuhan ng text sa inbox. Buong taon akong kikiligin. Buong taon akong mag-iimagine.

Maganda naman ang mood ko, noong una. Paano ba naman kasi, sa pangalawang araw ng Enero, tayo'y magsasama. Magsasama: may Christmas Party (ba yun?) na magaganap sa church namin. Syempre makikita kita! Masaya yun!

Haha. Oo kasali ako sa church nila. Maraming dahilan--isa ka na dun. Ganoon kita kam*h*l. Hindi ko nga alam kung tama ba ang word na ginamit ko. Pero, hindi talaga ako makahanap ng salita na makapagbibigay kahulugan sa nararamdaman ko ngayon bukod dun sa salitang yun. Ewan ko ba, ang tanga ko kasi eh. Ang tanga ko nang dahil sa'yo.

Maganda talaga ang mood ko. Hindi ko dine-deny yun. Tinext mo pa nga ako kung anong oras tayo magkikita-kita eh. Kahit na hindi ako pinapayagan ng mama ko, oks lang, susuwayin ko, nang dahil sa'yo. Nang dahil sa'yo, nararamdaman ko 'to. Masaya kung masaya. Todo kung lungkot.

Oo na, nagbago na ang magandang mood na sinasabi ko kanina. Bakit? Wala. Wala naman. Wala naman akong magagawa. Haaaay. Ang hirap ng ganito eh. Gusto niyong malaman? Wag na lang. Wag na kasi baka hindi niyo maintindihan. Wag na kasi 'di niyo naman alam. Wag na kasi 'di ko naman kayang ipaalam.

Andito na ako: sa lugar na tagpuan--natin, as in natin: ako, ikaw, sila, tayong lahat. Pe--pero, may hinihintay pa pala. Sino? Isang taong kilalang-kilala mo na.

Kasama natin siya. Siya, oo, iyong taong gusto mo (dati?). Nakaka-inferior talaga. Wala akong panama sa kanya. Tanggap ko naman yun eh. Handa naman ako dun eh. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, hindi ako ang gusto mo. Masakit nga lang.

At dyan na nga nasira ang mood kong maganda. Hindi ako galit sa kanya. Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko matanggap na hindi talaga ako ang tinitingnan ng iyong mga mata.

Ang mas lalong mahirap pa, hindi ko alam kung alam mong nahihirapan at naghihingalo na ang puso kong tumitibok-tibok sa'yo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang estado ko sa buhay mo. Hindi ko alam. Gusto kitang tanungin. Gusto kong isigaw at ipagkalandakan 'to. Gusto kong malaman mo na nagkakaganito ako pero... wala eh, napipipi talaga ako.

Nasasabik ako sa'yo: sa text mo; sa tingin mo; sa ngiti mo; sa oras na ako'y iyong kakausapin. Nasasabik ako kapag nakikita kita. Lalo na kapag didikit ang iyong balat sa akin. Nasasabik ako sa'yo, kahit sa anino mong kilala ko. Nasasabik ako, ngunit kailangang itigil na 'to.

Maganda naman talaga ang mood ko ngayon eh. Lalo na noong naglaro na tayo (ako, ikaw, sila, tayo) ng sharenge ba yun? Masaya. Pati iyong labu-labo at lipatan ng upuan. Lalo na noong nagkatabi kayo, noong taong gusto mo (dati?). Ang saya-saya ko nga noon eh. Ang saya ko.





♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

You should know these 10 things, your highness.

“I hate the way you talk to me

And the way you cut your hair.
I hate the way you drive my car.
I hate it when you stare.
I hate your big dumb combat boots
and the way you read my mind.
I hate you so much it makes me sick
it even makes me rhyme.
I hate the way you're always right.
I hate it when you lie.
I hate it when you make me laugh even worse when you make me cry.
I hate it that you're not around
and the fact that you didn't call.
But mostly I hate the way
I don't hate you
not even close, not even a little bit, not any at all.”
-KAT STARTFORD, 10 THINGS I HATE ABOUT YOU