"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Friday, April 27, 2012

Put the glass down



Put the Glass Down When you leave office today. ... Study this small story.Hope that makes a BIG change in YOU.
A Professor began his class by holding up
a glass with some water in it.
He held it up for all to see & asked the students
“How much do you think this glass weighs?”
'50g!' ....
'100g!' ..... '125g'
..the students answered.
“I really don't know unless I weigh it,”
said the professor,
“but, my question is:
What would happen if I held it up like this
for a few minutes?”
'Nothing' …..the students said.
'Ok what would happen if I held it up like this for an hour?' the professor asked.
'Your arm would begin to ache' said one of the student.
“You're right, now what would happen
if I held it for a day?”
“Your arm could go numb, you might have severe muscle stress & paralysis &
have to go to hospital for sure!”
… ventured another student
& all the students laughed …
“Very good, But during all this,
did the weight of the glass change?”
asked the professor.
‘No’…. Was the answer.
“Then what caused the arm ache &
the muscle stress?”
The students were puzzled.
“What should I do now to come out of pain?”
asked professor again.
‘Put the glass down!’ said one of the students.
“Exactly!” said the professor.
Life's problems are something like this.
Hold it for a few minutes in your head &
they seem OK.
Think of them for a long time &
they begin to ache.
Hold it even longer &
they begin to paralyze you.
You will not be able to do anything.
It's important to think of the challenges or problems in your life,
but EVEN MORE IMPORTANT is to
‘PUT THEM DOWN’
at the end of every day before
You go to sleep.
That way, you are not stressed,
you wake up every day fresh &
strong & can handle any issue,
any challenge that comes your way!
So, When you leave office today,
Remember my friend to …
'PUT THE GLASS DOWN TODAY!


Credits to this site https://www.facebook.com/photo.php?fbid=230575800367555&set=a.171801722911630.40393.171799356245200&type=1&ref=nf ♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Break. Broke. Broken.

Bagsak ako. Oo, bagsak ako. Ayoko mang aminin sa sarili ko, bagsak ako ngayon sa 1st long exam ng Chem16. Oo, bagsak ako sa chemistry. Asignaturang dati rati’y minamani-mani ko lang noong high school. Asignaturang dati’y aking paborito. Asignaturang pinili kong kunin ngayong summer.

Ayokong magsummer class. Para sa akin, bukod sa ang summer ay panahon ng mga outing at beaches, ito rin ay panahon ng pahinga. Bilang estudyante, ito na lang ang sandigan namin upang tapusin ang ikalawang semestre at makapanhinga. Sa panahong ito, gagawin namin ang lahat-lahat ng gust naming gawin: tumambay, manood ng movies at anime, makisleep over sa mga kaibigan, get together ng kamag-anakan, at marami pang iba. Ito ay panahon para magsaya. Mainit man, kailangang magpahinga sa pagod at magsaya.

Pero narito ako ngayon, sa harapan ng laptop, nasa MS Word, at nagsusulat na dapat sana’y natutulog pa dahil napuyat kakapanood ng Korean series o tinapos ang anime. Dapat, naroon ako sa mga panaginip at pangarap, naglalakbay at gumagawa ng katha. Pero, hindi eh. Narito ako ngayon, nalulugmok. Sa harap nito. Binabasa niyo ang damdaming hindi ko maibulalas kahit kanino. Bakit? Sino nga bang makakaintindi? Bobo ako, tanga!

Ito ang tunay na buhay, puno ng paghihirap, pasakit at kahihiyan. Bakit ba ako nagdadrama? Eh first exam pa lang ang nabagsak ko. 11.5 points lang naman ang binagsak ko. Tinanong pa nga ako ng kaibigan ko kung anong score sabi ko tagilid. Peroooo, hindi naman talaga. Bagsak ako. Iyon ang totoo.

Magpa-finals ako. Hindi na raw kasi pwedeng ma-excempt ang mga taong bumagsak sa kahit isang test. Nakalulungkot. Bakit ba ang ideyalistiko kong tao. Sabi ko pa, ayoko magfinals. Gosh Vanessa! Gumising ka sa katotohanan, hindi ka reyna, wala ka sa anime world, at tanga ka! Hindi kaya ng brain capacity mo ang mga ganoong bagay. Ang tanga mo, bakit mo kinuha ng summer ang subject na yun kung alam mo namang mabilis ang pacing. Bakit kasi may naka perfect sa test na yun, kaya naman tuloy feeling mo sobrang tanga mo na rito sa mundong ibabaw. At huwag ka, sa dinami –rami ng kaibigan mo, dalawa lang kayong bagsak. Hindi naman sa gusto ko rin silng bumagsak at samahan ako pero, bakit sila kayang ipasa ang exam samantalang ako ay hindi.  Sabay-sabay kaming nagreview pero viola. Tanga ako.

At ang nakakainis pa sa isang katulad ko: Tuesday, 6-8pm, ito ang schedule ng test namin. Pagkatapos noon, tumakbo ako ng university oval. 2.2 km, habang sila na mga kasama ko, umiiyak sa magiging resulta ng test. Pero, pumasa sila eh. Ako nga na hindi umiyak at papetiks-petiks lang ay bumagsak pero sila, pumasa.

Panonood ng anime ang sandalan ko sa buhay. Kapag naiiyak ako, malungkot at depressed, nanonood lang ako ng anime. Sa anime world kasi, lahat ay posible. Lahat ay pwedeng mangyari. Puro kamalasan at masasamang pangyayari man ang dumaan sa’yo, alam mong may tutulong sa’yo at magtatagumpay ka. SA tunay na mundo, palibutan ka man ng bilyong-bilyong tao, tawanan mo man ang lahat ng problema mo, alam mong ikaw ikaw ay mag-isa. Sa pagkagat ng dilim habang ang lahat ay pikit na, ikaw na lang mag-isa.

At ito na naman. Oo, frustrated ako, at ilusyunada. At depressed. Nanood ako ng anime kahapon hanggang madaling araw. Tinapos ko ang series kahit na alam kong may pasok pa ko bukas. Oo, mag-a-alas kwatro na ‘ko natulog at gigising dapat ng mga 5:30am. Na-late ako kanina sa klase, mga 10-15 minutes yata. Nagdiscuss si Ma’am. Paurong, aabante; ang ulo ko’y gumegewang gewang. Naririnig ko siya, nagsasalita. Tila ang mga malalakas na boses ng propesor ko’y pumuputla sa aking tainga ngunit ibinabato naman sa kabila. Nakita ko siya, tumitingin din sa akin. Habang ako, pasulayp-sulyap, papikit-pikit, inaantok. Alam ko. Alam kong alam ng aming propesor na tinutulugan ko siya. 8:10am, malayo pa ang alas-nuwebe, matagal pa bago ang dismissal. Alam ko, magtetest kami. Quiz. Suprised quiz. Oo. Tama ako. Tamang-tama. Ngunit walang naisagot. Wala akong naintindihan sa discussion kanina. Inaantok ako. Natulog ako. Kinalabit pa nga ako ng katabi ko dahil napansin niya iyon. Alam ko. At alam kong babagsak ako. Kasalanan ko. Kaya, babagsak na ako.

Dalawang beses kami nagquiz at sa dalawang ‘yon, wala akong nasagot. Ni hindi ko nga masimulan ‘yun eh. Ni hindi ko alam kung paano gawin. Wala akong alam. Wala ni isang kaide-ideya. 

Pinasa na ang dalawang yellow pad na dapat sanay bahid na bahid ng tinta. Indi ako kriminal, malinis ang aking papel. Ayoko na nga sana siya ipasa pero alam kong kasalanan kong lahat ‘yon, kaya’t kailangan kong magdusa.

Binigay na ang exam na nangyari noong Tuesday. Bagsak ako, 71 lang ang nakuha ko out of 150 (pero 160 talaga ang items, bonus ang 10points). 82.5 ang passing. Bagsak ako. Bagsak ako. At hindi ko alam kung makakabawi pa ako. Mas mahirap ang test sa susunod. Madali pa lamang ang test na ito. Kaya ko ba? Hindi, ilusyunada!

Pagod na ako. Pagod na pagod. Gusto ko na lamang tumakbo kung saan at pumasok sa katauhan ng paborito kong protagonist sa anime. Buti pa sila, kung hindi mayaman, matalino, maganda, mabait, minsan pa’y perpekto na. Eh ako? Wala ako ni isang ipagmamalaki. Tsamba lang ang pagpasa ko sa UP. Tsamba lang na dito ako’y nag-aaral. Tsamba lang lahat ng ito. Maswerte lang talaga ako dati. Pero ngayon, binawi na sa akin ang lahat.

Gusto ko magpahinga. Summer ito, at hindi dapat ako nai-stress ng ganito pero, naiiyak ako. Magte-third year na ako pero wala pa rin akong maipagmamalaki. Kamusta na ang mga pangarap ko? Bakit ba ang tamad-tamad ko na ngayon? Bakit ba hindi na ako kasing husay ng Vanessang nakilala ko noon? Bakit ba ang bobo ko? Bakit ang talino nila? Bakit ba sa dinami-rami ng dapat kong gawin, mas pinili kong magtype rito sa laptop ng mga hinaing ko sa buhay at manood ng anime imbis na iniaral ko na lamang ito o ibinasa ng libro. ANG TANGA KO! NAKAKAINIS. BOBO.

Bagsak.

April 26, 2012 Thursday 9:49am
P.S. Last year, ito yung panahong nagpaderma ako at gumagala sa Sta Lucia Mall. Dili nama’y nasa outing o nanonood ng movie/anime. Masaya. Pa. Ako. NOON. ♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Thursday, April 12, 2012

Doubt.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung itututloy ko ba ‘to o hindi. I know, if i say yes, there will be a lot of changes that will take place. But if say no, will i regret this some time in the future? Hindi ko alam. Alam ko, mahihirapan ako, at nakataya ang studies at grade ko rito. Kaya nga nagdadalawang isip din ako. Pero, ‘di ko talaga alam! I can’t decide. I can’t. Tapos pinipilit pa nila ako, nila, na mga taong hindi ko naman talaga gusto. You know, hindi naman ako masaya sa ginagawa ko. At hindi ako masaya kapag kasama ko sila. Can i ever say no, if that’s what i really wanted to say. Can i ever reject this opportunity though i know it’s worth trying for and will make me a better person. But, i just don’t know. Something’s troubling in my mind. And there’s a thing that makes me say no to this offer. I don’t know what to do.
And there’s more, i randomly read this quote somewhere in cyberspace and it says:

Never forget your reason why you said yes; dahil kapag nagkalabo-labo na ang lahat, doon at doon ka rin babalik. (Galapon, 2012)

And now, i’m lost again. I’m tired, i know, and i need a break. Unfortunately, i must take this summer class to follow the curriculum. Andddd i don’t know if i can handle to study a major subject while involving myself in a military training that will take away sleep, rest, free time and self.
What if i say yes to this offer, kung magkataon, there’s no strong foundation to hold on. Because in the first place, i didn’t truly want this opportunity. I’m not happy. Second, i can’t find good reason why would i commit myself to this. I mean, oo, kaya ko lang namang gustong sumali ay dahil ayokong mainggit pagnagkataon. Ayokong mainggit. I know, it’s a sin. But it can’t be helped. That’s me. I want to experience everything. I want to experience every people’s experience. Buuuuut nooooow, i don’t know what to do. Please, someone, help me.

Kapag pagod ka na o kaya kapag nahihirapan ka, balik ka lang sa reason kung bakit mo tinanggap ito. (Bathan, 2012)

And yes, i’m tired. I’m tired of deciding. I’m tired of everything. I’m tired of talking to YOU. I’m tired of seeing you, face-to-face. I’m tired of hearing your voice and your nonsense. Yes, I’m tired and i don’t have any reason to look back. I guess I really am just confabulating things. :(((