"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, June 26, 2011

UP Kustura


Sa Silangang bahagi ng Metro Manila, doon mo makikita ang bayang kakaiba. Inaagusan ito ng mahabang ilog na nakadugtong sa sikat na Ilog Pasig at mula sa kabundukan ng Sierra Madre. Kilala rin ang bayang ito sa paggawa ng sapatos na matitibay at pasok sa bulsa. Malaking parte ng probinsya ng Rizal ang pumapalibot rito. Tinagurian din itong "Little Singapore" ng Pilipinas dahil sa angking kalinisan taglay. Ito ang Marikina, ang lungsod ng may mabuting ugali, disiplina at kahusayan.


Ito ang ginamit na konsepto sa pagbuo ng UP Kustura, isang organisasyong panglungsod at panglipunan ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Lahat ng kasapi rito ay pawang mga taga-Marikina. Pinagbubuklod sila ng isang lahi, isang wika, isang diwa, isang kultura at isang magagandang hangarin: ang makapaglingkod sa sintang pinagmulan.


Hindi naman biglaan ang pagsulpot ng katipunang ito. Mangyari pa, ang ideya sa pagbuo ng UP Kustura ay nagsimula sa pagnanais na makabuo ng isang organisasyong binubuo ng mga estudyante sa Unibersidad ng Pilipinas na naninirahan sa NCR o matatawag din nating Metro Manileño.


Ang ideyang ito ay hindi huminto sa pagiging isang plano lamang. Nagsimula ang pagsasabuhay ng nabuong ideya noong mga buwan ng taong 2001. May maliit na grupo ng mag-aaral galing sa iba't ibang kolehiyo ng Diliman ang kumilos upang makabuo ng isang pangprobinsyal/pangrehiyonal na organisasyon na kumakatawan sa NCR. Ngunit sa kadahilanang ang mga kasapi ng grupong ito ay pawang mga taga-Marikina at napag-isip-isip nilang nangangailangan ng mas maraming oras at trabaho upang mabuklod ang mga Metro Manileño na nasa pamantasan, napagdesisyonan nilang gawin na lamang itong organisayong panglungsod imbis na palawakin ang sakop at gawing rehiyonal.


Binigyan sila ng OSA (Office of Student Affairs) ng tatlong buwang palugit, mula Marso hanggang Hunyo, upang mangalap ng higit sa labing limang miyembrong tagapagtatag. Nakaatas na rin sa mga miyembrong umanib ang pagbabalangkas ng konstitusyon.


Dahil sa mga salik na kanilang binigyang importansya at sa pagkumpleto sa mga kinakailangan, ipinanganak ang UP Kustura, ang samahan ng mga mag-aaral ng UP na naninirahan sa Marikina. Ito ang kauna-unahan at kaisa-isang organisasyon sa UP na nakabase sa lungsod na kinasasakupan ng Metro Manila.


Pormal nang pinasinayanan ang konstitusyon ng samahan nasusulat sa wikang Filipino noong ika-pito ng Hulyo ng nasabing taon sa Riverbanks Center, Marikina. Ito ay sinertipika ng humigit kumulang sa dalawampu't limang mag-aaral sa iba't-ibang kolehiyo ng pamantasan. Ito na rin ang nagsilbing opisyal na petsa ng pagtatag. Opisyal nang ipinakilala sa madla ang samahang ito na may opisyal nang pangalang, UP Kustura, salitang lokal para sa tahi at kumakatawan sa pinag-isang diwa at layunin ng mga kasapi.


Tatlong buwan pagkatapos ng pagkatatag, inilunsad ng samahan ang kanilang unang proyekto na kinilalang LISTO: Tagisan ng Talino ng mga Marikeño, isang paligsahang susukat sa talino't kapasidad ng mga mag-aaral sa matataas na paaralan. Ito ay ginanap sa eskwelahan ng Roosevelt College sa Marikina na nilahukan ng limang paaralan.


Nagtuloy-tuloy pa ang pamamayagpag ng UP Kustura at ang unang proyekto'y nasundan pa ng marami. Ilan lamang ang LISTO: Tagisan ng Talino, Linis Kalikasan, at Tutorial Lessons sa mga proyektong sinusulong ng Kustura upang mahasa ang galing, mapabuti at matulungan ang mga taga-Marikina hindi lamang sa aspektong pan-edukasyon gayundin sa aspektong pangkalikasan at pampayanan.


Sa ikasampu nitong pamamayagpag dala ang pangalan ng abang unibersidad at ng sintang lungsod, asahan natin ang mas marami pang proyekto, mas maraming programa at mas masayang pamilyang mararanasan mo lamang sa UP Kustura.


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Monday, June 20, 2011

Structure of Tagalog Sentences

Structure of Tagalog Sentences



Tagalog, the basis of the national language in the Philippines which is Filipino, can be classified in the predicate argument structure (PAS) that is why this language is a free word order. By that, it means that the words in a sentence are interchangeable but the thoughts and meaning will not be affected by the alteration of the order. (Mistica and Baldwin, 2009)



For instance, Nagtapat ng pag-ibig ang lalaki sa babae can be interchanged to:


Nagtapat sa babae ng pag-ibig ang lalaki

Nagtapat sa babae ang lalaki ng pag-ibig

Nagtapat ang lalaki ng pag-ibig sa babae

Nagtapat ang lalaki sa babae ng pag-ibig.


The five sentences above resemble same thoughts: the guy told his feelings to the girl. There maybe more possible sentences that can be created through changing the position of the words but same old meaning. It is because the syntaxes exhibit voice marking which are possible in Austronesian languages like Tagalog. According to Paul Kroeger (1993), a morpho-syntactic phenomenon like what voice marking does gives prominence to an element in a sentence.


Sa in the above sentences indicate goals, recipients, and definite objects. It answers the question “to whom?” Ang on the other hand is used for pointing the doer of the action. It answers the question “who did?” while ng marks the possessors and indefinite object. It also answers the question “what?”


Because of those syntaxes (in our case: sa, ng, ang), interchanging the position of the words in a Tagalog sentence without altering the whole thought is possible.


In addition, I searched for the definition of argument structure and the search button said:


"Thus argument structure is an interface between the semantics and syntax of predicators (which we may take to be verbs in the general case)... Argument structure encodes lexical information about the number of arguments, their syntactic type, and their hierarchical organization necessary for the mapping to syntactic structure." (Bresnan 2001:304)


To make it brief, predicate argument structure makes the words in the Tagalog sentences be possibly interchangeable without altering the whole thought by using syntaxes that will give uses of the words and what they are stand for.


References:


Meladel Mistica and Timothy Baldwin. 2009. Recognising the Predicate-argument Structure of Tagalog. Proceedimgs of NAACL HLT 2009, pages 257-260, Boulder, Colorado.


Paul Kroeger. 1993. Phrase Structure and Grammatical Relations in Tagalog. CSLI

Publications, Stanford, USA.


Joan Bresnan. 2001. Lexical-functional syntax. Oxford: Blackwell.


DISCLAIMER: This is my Thai10 homework (and i'm looking forward to the promised trip) WAHOOO. Below is another assignment about Filipino language.


All about Filipino

Filipino is the national language in the Philippine archipelago. It is officially recognized since the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines have passed. Section 6 in this law states that:


“The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages.


Subject to provisions of law and as the Congress may deem appropriate, the Government shall take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as language of instruction in the educational system.”


Filipino is often confused in Tagalog and Pilipino. One way of differentiating them from each other is on the date they were born. Tagalog is the basis of Pilipino and Filipino. It is the native language in Bulacan, Batangas, Rizal, laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, some part of Nueva Ecija, Puerto Princesa and also Metro Manila. It is also the language that is spoken by the Tagalogs, one of the ethnolinguistic group in the country. It was finally recognized by the country when Late President Manuel Quezon, Ama ng Wika, promulgates a national language based on Tagalog on 30 December 1937 (Executive Order No. 134). (Constantino, 2009)


When Department Order No. 7 was passed by then Secretary Jose Romero of the Department of Education, Pilipino became the national language that began in 1959. This was stopped when the 1987 Constitution, as stated above, come to its way.


There was no Filipino before 1987 and there was no Pilipino before 1959. These two were based on Tagalog which belongs to Austronesia language of Malayo-Polynesian branch (Gordon, 2005) with a structure of predicate-argument (Mistica and Baldwin, 2009) and is a polysyllabic language. However, Filipino were not only based in one language but based on other languages in the Philippines including Spanish and English while Pilipino was not. Filipino is made up of 28 letters that includes the letters C, F, J, Ñ, NG, Q, V, X and Z (Perdon, 2008) while Tagalog do not. In other word, Filipino has wider set and collection of words than of Pilipino.


Based on Renato Perdon’s research (2008), the official dictionary issued in 1991 by the Commission on Filipino Language had about 55% of the words calculated into Filipino coming from the major dialects in the Philippines, namely: Bicol (301 words), Cebuano (526 words), Hiligaynon (564 words), Ilocano (122 words), Kapampangan (51 words), Pangasinan (82 words), Old Tagalog / Tagalog (8,463 words), and Samar-Leyte (459 words).


There are also 328 Tausug words, 222 words from the Maranao dialect, 99 words from Maguindanao, 23 words from Samal, 16 words from the Tingian, 12 words from Isneg and another 12 words from Tagbanua. (Perdon, 2008)


To brief the figures above, Filipino is the result of the combined and mixed words due to influenced of other languages. It is more Tag-lish friendly that allows you to use hyphenated Tagalog-English combinations or code shifting since Filipino citizens will combine English and Tagalog most of the time anyway.


Aside from the ability to adopt, this language doesn’t give much attention to gender. Pronouns used in this language do not classify females and males. This reflects the point of views of Filipinos who were valuing the equality of two opposite gender, the male and the female.


Filipino, or more preferably Tagalog,is loved by Jose Rizal saying that “ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, mahigit sa hayop at malansang isda.” He compared the unfaithful Filipinos who don’t love our own language into a putrid fish. But, even though they knew it and compared to it, some tend to love other language especially English more than Filipino and that make me sad. I know it can’t be helped to learn more about English for competitiveness and skills but to forget Filipino is far more to it. They don’t know how to love our own language that once became the key of unity in the old times and so. They don’t think that the language is the soul of a country and the most powerful weapon for this can change the way of thinking of people. We must learn to love our own. Thai is for Thais. Japanese is for Japanese. Spanish is for Spaniards. Filipino is for Filipinos. We may know all the languages in the world but never forget what your native language is.


References:


Pamela Constantino. Tagalog / Pilipino / Filipino: Do they differ? Philippine Studies Emanila

Community, <http://emanila.com/philippines/2009/01/16/tagalog-pilipino-filipino-do-they-differ/>


Raymond Gordon, Jr. 2005. Ethnologue: Languages of the World, SIL International,

Dallas, USA, 15th edition


Meladel Mistica and Timothy Baldwin. 2009. Recognising the Predicate-argument

Structure of Tagalog. Proceedimgs of NAACL HLT 2009, pages 257-260, Boulder, Colorado.


Renato Perdon. The Making of a National Language. Philippine Studies Emanila Community, <http://emanila.com/philippines/2008/04/18/the-making-of-a- national- language/>






Make a wish and let it come true. ♥

Five days to go 'till this blog celebrates its first anniversary. Kudos Spotty for making me happy and letting me express those unheard words. When i created this, I did not imagine that sometime in the future, people will bother themselves to look up at my random thoughts although I know that the post A Crazy Little Thing Called Love has a big part in making that figure so big. It reaches 1,111 views = 1 1 1 1 ---> these are lucky repetitive number and so I will make a wish.


Close your eyes. Feel your heart. Touch your soul. Release all those unwanted feelings and let go all the things that bother you. When you think you're cleansed already, whisper those wishes to the wind as softly as a cotton candy not losing the heartfelt emotions and clear intentions.


Dream and aim high. Don't forget to exert effort in making them come true, try it, try it! Though sometimes wishes won't be granted as what you have wished for, just believe and trust on them anyway.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

I know you're there.





You're there!
You're there in the other side of this cyberspace!
I knew it! I totally knew it!

~~~
~~~

Isa kang luli! Katulad ko.
Naka-online pero ayaw magparamdam sa tao.
Karma na yata ang inaabot ko oh!
Mag-online ka naman, ***o
Para maging friends na tayo. (((:



♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Pettish Awesomeness.

If I shut my mouth and walk away... it does not mean you won, it just means your stupid ass is just not worth any more of my time.

You know what, fools are for fools. We are not complement for each other, dear. Hihi. So I better shut up and let you think you won the game. After all, there's no battle 'cause you're the only one who thinks there is.

Sooo, better luck next time. And ehem, don't ever make comparisons. You and I were not the same, neither the strokes nor curves. (((:

Oh, to think and to reflect, Imma such a fool also *that's occasionally :DD*. And so, we're cool? No~ 'Cause I am hush-hush! Paks.


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Wednesday, June 15, 2011

Ang Kahulugan ng Pagiging Pilipino

~Psych 108: Sikolohiyang Pilipino Reflection *Crammed* Paper. :| ~

Sa pulu-pulong isla ng Pilipinas sa may dakong Silangan, makikita mo ang bansang Pilipinas, ang pugad ng mga taong tinatawag na Pilipino. Kayumanggi ang kulay ng kanilang balat, maliit at may katamtamang pangangatawan dahil na rin sa mga ninunong tinatawag na Australopithecus. Nakatira sila sa kubo at nagsasalita ng iba't ibang lenggwahe ngunit nasolusyunan naman dahil sa pagkakatuto sa wikang kung tawagin nila ay Tagalog na ngayo'y kinikila sa wikang Filipino.


Maraming bansa na ang sumakop rito at nagkaroon ito ng implikasyon sa paghubog sa mga Pilipino. Halu-halo ang kulturang namayani sa bansa kung kaya't sabi ng ilan ay nawala na ang sarili nating pagkatao. Dahil na rin sa iba't ibang kultura kaya nga nauso ang conyo, Taglish, colonial mentality, Tsinoy at kung anu-ano pa. Ngunit, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagiging isang Pilipino? Nakabase lamang ba ito sa kung gaano mo kamemorya ang Lupang Hinirang; kung paano mo kasaulo ang Ako ay Pilipino; kung gaano mo kaalam ang kasaysayan nito; at kung gaano mo kaidolo si Jose Rizal?


Uumpisahan natin ito sa mga pag-uugaling taglay ng mga taong tinatawag na Pilipino.


Pilipino o Pinoy ang mga taong kilala bilang masayahin. Ano mang problema ang dumaan sa kanyang buhay, hindi mo maalis ang ngiti sa mga labi. Hindi man napakaunlad ng bansa, lagi pa rin tayong nakangiti at positibo, mga bagay na minsa’y mabuti at nakasasama. Ito na rin ang dahilan ng konsepto ng "bahala na", isang 'di kaaya-ayang ugali ng Pinoy. "Bahala na" kung ano man ang mangyari, wala mang kasiguraduhan ang lahat, tiyak kayang-kaya nilang lampasan at ngitian iyan, gaano man kasaklap ang mangyari.


Laging huli sa oras ang mga Pinoy. Alas-kwatro ang usapan ngunit alas-singko darating. Pilipino time kung ito ay tawagin na nagsasabing tila'y wala tayong pagpapahalaga sa oras. Kaya laging nahuhuli, walang progresyon, nahuhuling umunlad.

Pilipino ka rin kung ikaw ay tumuturo gamit ang iyong nguso at bumabati sa kakilala gamit ang kilay na sabay mong itataas. Nakagawian na ito sa hindi ko malamang dahilan. Inisip ko rating pagkonektahin ang mga ugaling ito sa isa pang 'di kanais-nais na ugali ng Pinoy, ang katamaran: katamaran sa pagtataas ng kamay at pagsasabi ng "hi" sa mga kaibigan.


Mahalaga rin sa mga Pilipino ang kapwa. Sabi nga, hindi ka mabubuhay ng nag-iisa. Wala itong direktang translasyon sa Ingles at ‘di hamak na mas mabigat ang kahulugan nito para sa atin. Sa kapwa natin tayo hihingi ng tulong, makikisalamuha, makikisama, mangungutang ng pera, makikipag-away, makikipagkaibigan at marami pang iba. Sa kanila rin natin matutunan kung paano mahiya at tumanaw ng utang na loob na ilan lamang sa mga ugaling kilala ang Pinoy.


Kung may konsepto kapwa, mayroon ding pakikipagkapwa-tao. Sa Pilipinas lang makikita ang kaugaliang iyan kung saan tutulong ka sa kapwa mo at pakikisamahan mo sila ng maayos para naman ganoon rin sila sa inyo. Tutulungan at dadamayan mo sila sa oras ng kagipitan, kilala mo man o hindi. Dito rin magmumula ang tinatawag na bayanihan o ang pagtutulungan nang walang hinihintay na kapalit.


Dahil may malaking parte sa isang Pinoy ang kanyang kapwa, magkakaroon siya ng hiya. Ayaw niyang magkaroon ng pangit na imahe at ayaw niyang madusta ng iba. Pahahalagahan niya ang kanyang pangalan nang sa gayoon ay may mukha siyang maiharap sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kapag wala kang hiya, manhid ka.


Kilala rin tayo sa kagalingan nating makisama. Tayo ang kusang mag-a-adjust sa iba’t ibang ugali ng mga tao. Dagdagan pa ng pagkakaroon ng utang na loob kung saan susuklian mo ang ginawang kabutihan ng iba, kaya’t tinatangkilik at gusto tayo ng mga dayuhan.


Tayo rin ay mapagmahal sa pamilya. Mas pipiliin pa nating tumira sa bahay ng ating magulang kahit na tayo ay may sarili nang pamilya na tinatawag na extended family. Sabi pa ng iba: mas marami;mas masaya.


Marami pa tayong ugaling mabubuti, ganoon rin ang masasama na hindi ko na maiisa-isa pa. Magkaganoon man, ito ang isa sa dahilan kung bakit tayo nagiging isang Pilipino, sa dugo man o sa papel.


Ang kahulugan ng pagiging Pilipino: pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pamilya, kapwa Diyos at bansa. Marami tayong mga ugali, nabanggit ko man o hindi, na nakaaaapekto sa mga pinahahalagahan nating iyan. Kung hindi natin makikilala ang mga ugaling ito, hindi rin natin lubos na mauunawaan ang kahulugan ng pagka-Pilipino. Ang pagiging Pilipino ay nasasalamin sa ating mga ugali, ginagawa at pagpapahalaga.


Iba’t iba man ang mga kultura, paniniwala at kaugalian na sumaplot sa bansa, mahalaga pa rin na ipagmalaki natin ito at ipagpayabong. Sa pagiging Pilipino, tatangkilikin mo ang sarili iyo at hindi mo ito ikahihiya, isinasapuso mo ang bawat linya sa pambansang awit at mga tulang Ako ay Pilipino at Pilipinas Kong Mahal. Ginagamit ang sariling wika. Pinayayabong ang magagandang ugali at tuluyan nang titigilan ang ugaling masasama. Ang pagiging Pilipino ay pagyakap sa katotohanang ikaw ay isang Pilipino, “sa isip, sa salita, at sa gawa”.

Monday, June 13, 2011

I'll wait.

If I ask, will you answer? It's your problem-- a deep, deep problem. I have no right to know. I don't have a method of stepping into the depths of your heart without getting it dirty. So I'll wait. When you want to talk, when you think it's okay to talk... talk to me. Until that time, I'll wait. Is that ok? Just let me do it. Just let me wait. :|



♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥