"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, September 23, 2012

Sad.

I feel so sad today. I don’t know. I just feel it

 I feel so sad today. They hate me. I feel it. I know.

I feel so sad today. They were all staring at me. They were murmuring at me. I can tell.

I feel so sad today. Someone scolded me. Someone scolded me. She scolded me, the thing I really don’t want to hear.

I feel so sad today. I know, I am the one who made the mistake. I felt the guilt that time. I felt. They were all staring at me. They were all pointing me. I know, I am the one who did something wrong. I didn’t know what to do that time. But my brain couldn’t function well. It was stocked. It was shocked—shocked from the happenings. They were staring at me. Just me. Just me. I was alone. I felt the sadness from within. I didn’t notice, tears poured down through the cheeks. I cried. I didn't like it. But I can’t hold it.

I feel sad today. I know I should not feel this way. But I can’t help it. That’s what I am feling right now. That was the feeling that time, yes, like that time. I am sad. I am sad for a moment.


September 19, 2012


Katatapos lang ng interview ko sa Cubao. Street children ang aming mga kalahok. Nakalulungkot, sapagkat wala akong magawa para matulungan sila. Nakalulungkot, sapagkat nakausap mo sila, nalaman mo ang kanilang dahilan, kung bakit sila nakatira sa lansangan at kung bakit kailangan nilang mabuhay doon sa kahirapan. Nakalulungkot sapagkat hinusgahan mo sila noong una base sa kanilang pisikal na itsura at sa amoy na taglay nang hindi mo pa nalalaman ang kanilang tunay na kulay—ang tunay na halaga. Nakalulungkot, sapagkat hindi alam ito ng ibang mga tao. Nakalulungkot, sapagkat nakilala mo sila at naunawaan, ngunit kailangan mong umalis at magpaalam.

Lungkot ang dala ko ng pumunta sa tambayan dahil na rin sa emosyong pabaon ng mga street children na aming nakapanayam. Dinagdagan pa ng pagiging late ko sa pagpunta. May meeting kami, pag-uusapan ang aming batch project. Oo, wala akong kwenta, nalate ako. Sa pagpunta ko, sinubukan kong tumawa kahit pa nakakaguilty dahil nga late ako. Nagrushed galing pa sa Cubao. Sa pagpunta ko, naroon sila, hinihintay ako. Hinihintay ako, kaya nakakaguilty. “Tara na! Tara na!: Ayan na narito na ako. Nakatayo sila habang ang iba’y bumababa na sa kubo. Mag-uusap na kami sa batch project, ayan na. Maraming minutong lumipas at naroon pa rin kami, may kanya-kanyang kausap at kanya-kanyang gawain. Ako, ayun, nakikiusyoso as usual. Wala akong karapatang magpabilis dahil late ako. Kaya ayun, kasama na nga ako sa may kanya-kanyang business.

Dumating si Kuya Qlab, nakatayo sa tambayan, nakipag-usap. Naroon sila Mai, Shy, Kim, Akeley, Al at iba pa, nagkekwentuhan. Naroon din ako. Hanggang sa may nagyaya nang gawin ang mission ni Qlab, at sumama ako. Naghahabol din ako ng mission eh. At minsan lang ako makatambay kaya sumali ako. Nagmission kaming apat (Mai, Shy, Kim, Ako).

Nakakaewnjoy ang mission niya. May kwento, may patutunguhan,, may goal—kakaiba. Kailangan naming makita ang 3 crystal. Sabi ko sa sarili ko, “Wow ah! Parang amazing race ng ROTC! Cool.” Sa tulay kong namimiss ang adventure lalo pa’t nagleave of absence sa ROTC, masaya ako’t may nangchachallenge ng ganoon. Ang galing! Napakacreative!

Hindi na namalayan ang oras. Nadala na sa pagtatanong sa mga members at pagfulfill ng mission. Nakatutuwa... ngunit papagabi na rin. Umaandar ang oras. Nag-umpisa nang pumunta ang batchmates ko sa tagpuan, sa dapat sanang pagpupulong. Naroon pa ako, gumagawa ng mission, hindi makaalis.

Bakit nga ba ako hindi makaalis? Una, nanghihinayang ako sa sig ni Kuya Qlab. Ang nasa isip ko nang panahong iyon, baka once in a blue moon na ang chance para makuha ko yun. Baka wala nang second chance. Baka ito na lang ang last chance. FI na sa Sabado, at kaunti pa lang ang nakukuha kong signatures. Kailangang kumayod. Ikalawa, naroon pa sila Shy, Mai at Kim, pati sila Al, Phones, at iba pa na gumagawa rin ng mission niya. Hindi pa ako nag-iisa. Naroon pa sila. Ikatlo, gusto ko siyang tapusin. Adventure aang mission niya.Nag-enjoy ako sa challenge. Kakaiba. Ikaapat, nakakabastos sa part ni Kuya Qlab kung umalis ako bigla nang hindi tinatapos ang kanyang mission.

Ayun, nasa tambayan pa rin ako, maggagabi na. Naroon pa rin ako, pati sila. Pati ung iba. Ngunit, hindi ko na napansing, naroon na rin pala ang iba, naghihintay—naghihintay sa aking pagdating., naghihintay ng presensya ko at pagdidiscuss sa mga bagay-bagay.

Dumaan pa ang mga minuto, pinuntahan na ako ni Dani, tinatanong kung matagal pa ba. Hindi ko rin alam eh, pero ang sinabi ko, “baka, nakadalawang crystal eggs na kami eh.” Ayun, akala ko ay okay lang.. Nagpatuloy pa rin kami. Bumalik ulit si Dani at kinuha ang laptop, sabi ko, “ito muna ang hanapin niyo, nasa file ganito ganyan. Naroon. Naryan.” Doon, nakaka-feel na ako ng guilt. Hindi ako dapat narito. Bulong sa sarili ko. Gusto ko nang matapos ang mission na ito. Gusto ko nang umalis. Gusto ko nang pumunta sa meeting. Gusto ko nang bumilis para makaalis. Pero, si Kuya Qlab yan, natatakot akong magpaalam. Baka nakakabastos pag-umalis ako bigla. Baka magalit siya. Hindi ko namang pwedeng pabilisin siya dahil ang bastos din noon. Nagpatuloy ako dala-dala ang guilt pero walang ginawa. Hala sige Vanessa, go with the flow ang lola!

Hanggang sa, napansin kong umiyak na si Dani. Whaaaat? Umiyak si Dani? Dahil ba sa akin? O baka hindi? Pero whaaaaat~ baka dahil sa akin. Panioc mode again. Defense mechanism mode on: baka hindi naman, baka hindi dahil sa akin. Baka may nangyari pa.

Pero nakakafeel na ako ng tensyon. Umiiyak na siya. Umiiyak siya. Ako siguro yun. Gusto ko nang matapos ito. Gusto ko nang matapos ang sig na ito. Gusto ko nang magpaalam, pero... natatakot ako. Nakabastos. Sabi na lang ng sarili ko: malapit na. Malapit na.

Nagsalita na ang buddy niya, tungkol yata sa akin. Oo, tngkol sa akin. Simulan na dapat ang batch project! Simulan na dapat ngayon. Peroooo, teka. Waaaah~ Di ko na alam. Aalis na ba ako? Paano si Kuya Qlab? Paano ‘to? Tatapusin ko na ba? Nakuha na namin ang tatlong crystal eggs, gusto ko nang umalis. Ipahabilin na lang kay Shy. Hanggang sa...

*Sigaw! Sigaw!* Nagalit na rin si Anne. Nagsalita na rin siya. Alam ko, ako yun. Ako yung pinapatamaan nila. Nakakapanglumo. Di ko na alam ang gagawin ko. Nagpaalam na ako kay Kuya Qlab para matapos na, binigay ko na kay Shy yung sigsheet at iniwan. Nagpaalam na ako, sa wakas, Ngunit, may debriefing pa. Mabilis na lang daw, sabi ni Kuya Qlab. Mabilis na lang daw...

Naroon pa rin ako, nakatayo, pero ung utak ko at puso ko, gusto nang tumakbo at umalis. Ang mali ko lang, bakit hindi ako gumagalaw. Pinapakinggan ko pa rin si Kuya Qlab, umaasang matatapos na ito. Umaasang sandalian na lang. Hindi niya ako totally pinaalis pero binilisan niya ng kaunti ang pagpapaliwanag. Ang masaklap. Habang nakikinig ako, habang naroon ako, alam ko, napi-feel ko, naiinis na sila. Naiinis na sila sa akin. Sinisisi nila ako. Wala akong kwenta. Nakatingin silang lahat sa akin. Kawawa si Dani. Ako ang masama. Kawawa si Dani at ako ang dapat sisihin. Nasigawan na ako, alam ko, deserve ko yun. Pero ayun ang kauna-unahang beses na nasigawan ako ng ganoon. Hindi siya direct na patama sa akin, pero alam kong ako yun. 1st time in history ng college life ko, na nasigawan ako ng ganoon (oo kasalanan ko yun at deserve ko yun), na nakatingin sila sa akin. Na parang sinisisi nila ako.

Ayoko ng feeling na ganoon. Sa bahay namin, lagi akong nasisigawan at iyon ang aking kinaiinisan. Sa personalidad kong ito, natural na sa akin na sumagot at lumaban sa tuwing naapakan o nasisigawan. Natural na sa aking maipagtanggol ang sarili ko. Sa bahay namin, nagsasawa na ako sa ganoon kaya naman masaya ako’t sa eskwela’y hindi nauulit iyon. Pero... pero... nasigawaan ulit ako. Ibang-iba ng mga pangyayari sa bahay. Ibang-iba kapag nasigawan ka ng teacher at prof. Ibang-iba. Gusto kong magpaliwanag pero para saan? I was already judged by them. Ayun ung nasa isip ko. Bakit ko pa ipagtatanggol sarili ko, eh ako rin naman may kasalanan. Bakit ko pa sila sasagutin, lalong hahaba ang usapan. At wala akong karapatan. Wala naman talaga akong kwenta eh. Wala naman talaga akong dapat ipaliwanang. Wala naman talaga akong dapat pang sabihin. Kasalanang ko ang lahat. Kasalanan ko. Alam ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung tatakbo ako o magsu-suicide na lang (oo na, napakaemo) pero hindi ko talaga alam. Pinuntahan ko si Dani at sabi kong tara na. Pero naroon siya, kayakap ang iba, umiiyak. Nakaramdam ako ng panlumo. Ako ang may kasalanan nito. At sa tingin ng lahat ng naroon noon, ako ang masama. Masama ako. Wala akong kwenta. Okay, nasabi ko sa sarili ko. Hindi na nila ako gusto. Vane, good luck sa FI. Okay, hindi na yata ako tanggap rito. Okay Vane, you’re such a failure. Okay, Vane, should i just give up?

Papunta na ako sa meeting place. Si Dani, sabi ko, “Dani sunod ka na lang ah.” Syempre wala naman akong karapatang mamilit na, guysss we’re running out of time dahil in the first place, ako ang may kasalanan nito. And yesss, Dani is such a sociable app. No match ako roon. Wala akong kalaban-laban. Sino ba ako, ni hindi nga ako gusto ng mga member eh. Ni hindi ko nga sila ganoon na nakakausap. Pero si Dani, kaibigan na nila. Syempre, si Dani susupirtahan nila. At nafeel kong katulad ng mga street children na nainterview ko kanina, “yes, that’s life. People will love you and hate you. You can’;t force them to have a postive outlooks and impressions towards you. Sometimes, they even judged you without a doubt.” Somewhat, i feel their pain. Somewhat, i felt that guilt and hopeless feeling. Somewhat, i felt the most unwanted feeling i repressed in my entire life. I admitted that so-called defeat. I am sad. I felt lonely. I felt unloved. I’m too emotional and i even deny it but i can’t anymore. I am saaaaad.

Suddenly, tears poured down. I can’t hold it. I can’t control it. For the first time in college, i cried because of an org-related event. I usually laugh and laugh and luagh and smile and luagh the problems. I usually don’t take seriously all the negative anything. But, today is different. I just don’t know. I cried. I cried in front of people i just met this sem. I don’t want to be seen by people I barely know but yes, that time was different.

I collapsed. I cried. I cried and cried. I tried to hold it back but like me, it was a failure. Like me, it was worthless. Like me, it was... sad and alone.

And there by my side was Shy, who i just met last three months. And i am so thankful because she was there. She was there and comforted me. She was there, while all of the members and (apps?) were comforting Dani. I just don’t know. Dani’s buddy was there, comforting her too. Eh ako? Asan ang buddy ko? Sa facebook nga lang yata kami nakakapag-usap ng matino eh. I envy her. She is loved by so many. She is loved by her buddy. She is loved by everyone. And me? Who love me? No one. Yes, i felt it. So thanks Shy, She made me feel i’m not alone. That i have at least a friend. At least, i have.

And the meeting started when i came. Yesm tipong parang walang nangyari. Nagsalita ako, nagsalita siya, nagsalita sila. Nag-usap-usap. Nagbotohan. Nagturuan. Nagdesisyon. Natapos. Pero, naroon pa rin yung guilt, ung anxiety, yung paranoia, yung sadness, yung loneliness. Oo, nagkikimkim ako. Tumanda man ako, hindi ko malilimutan ‘tong tagpong ito. Yes, this is the first time i cried in an org, sa dinami-rami ng org ko. And that’s sad. Mas lalo kong narealize na iba talaga sa AME. Pero alam kong pagpinursue ko to, hindi lang ito ang makukuha ko. Marami pa sigurong ganitong moment. At ito pa lang ang simula.

Well at least i got to know Shy even more. I like her and i want to befriend her (as in super close). And yes, that moment is worth blogging for.

Okay na ‘ko. Salamat!

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥