"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Wednesday, December 29, 2010

Naninirahan kaya si Tarzan sa buwan?


Tinitingnan ko ang buwan na iyon. Isang liwanag na nagniningning tuwing gabi. Tiningnan ko itong maigi. Bilog, mataas, nagniningning. Hindi ko maabot. Ako'y hanggang tingin.

Sa gabing madilim, tulad ngayon, hindi ko magawang limutin, ang nararamdaman ng puso kong nagkukubli. Naghahanap. Naghihintay. Umaasa, baka sakaling mahulog ang buwan sa mundong aking ginagalawan.

Magkalayo ang buwan at ang mundo. Oo magkalapit, kumpara sa ibang bituin at planeta sa langit, ngunit kung tuuusin, ito'y mahirap pa ring abutin. Malayo talaga kahit ipagpilitan ko pa. Ang buwan, na lagi kong tinitingnan at laging pinapangarap na makita, ay pangarap lang talaga.

Malamig. Umiihip kasi ang hanging mapait. Dala-dala ng gabi na nagbibigay dilim. Walang tao. Wala kang madinig. Tahimik. Walang umiimik. Tila ako'y nananaginip. Nananaginip na sana'y ang buwang aking ibig ay tuluyan nang lumapit.

Blangko ako. Hindi magawang makapag-isip nang maayos. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon ngayong gabi. Nakararamdam ako ng kung anong awrang pilit na nagtatago sa aking puso. Nakabaon ito at hindi ko mahukay. Hindi ko masabi. Tila ayaw magpasiwalat. Kahit anong gawin kong hukay dito'y bumabagsak at bumabalik pa rin sa kailaliman. Lumamig ulit. Napansing kanina pa pala madilim. Kanina pa ako nakatingin sa buwan at kanina pa ako nagmumuni nang malalim.

Ano nga bang mayroon sa buwang ito? Gusto kong maabot. Gusto kong angkinin. Gusto kong sabihing may damdaming sa akin ay pabitin-bitin at hindi maamin-amin. Hindi ko mapakita kaya ako ngayo'y hanggang tingin.

Mahirap. Lumalamig na naman kasi. Lumalamig at nagpapaalalang ako ngayo'y nag-iisa. Nag-iisa sa pag-aalalang ako at ang buwan ay malayo sa isa't-isa. Malabong magsama. Imposibleng magkita. Isa lamang pantasya.

Nalungkot ako. Tinitigan ulit ang buwan sa kalawakan. Napakadilim. Napakalamig. Ako'y nag-iisa. Kailangan kita. Kailangan ko ang buwan na malayo sa akin. Kailangan ko ang buwan na isang pantasya. At handa akong iwan ang realidad upang makasama lang siya.

Tinalon ko ang mundo patungo sa buwan na ibig ko, gamit ang katotohanang alam kong hindi totoo. Pnilit ko, oo, nagpumilit ako. Inabot ko ang buwan at hinagkan sa isip ko. Maya-maya'y tuluyan nang nagbago ang aking kapaligiran. Ang mga tao'y nanigas at ako lang ang gumagalaw. Hindi ba ito panaginip? Hindi ko lang ba ito kathang-isip? Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, malapit na kitang makasama.

Pinahinto ko ang oras. Nahawakan ko ang buwan. Tuluyan na nga kitang naabot. Nililok ko ang pangalan ko sa bilog mong katawan nang sa gayon ay maging akin ka na. Pinakawalan ang damdaming nakabaon sa aking kaloob-looban. Sinigaw ko ang mga salitang hindi ko magawang masabi. Sinabi ko lahat, ang lahat-lahat, at ngayon ay naghihintay na lang ako sa iyong sagot. Ngunit, bakit ganoon, wala akong marinig? Sinigaw ko ulit ang pangalan mo. Binigkas ang limang letra ng iyong pagkakakilanlan. Sigaw ako ng sigaw, hiyaw ako ng hiyaw--ibinigay ko ang buo kong lakas upang ito'y marinig mo. Hindi ba't malapit ka na sa akin, bakit 'di mo pa rin marinig?

Saka ko lang natantong walang lumalabas na tunog na mula sa akin. Do-Re-Mi, A-Ba-Ka-Da, 1-2-3, A-B-C--ayaw talaga! Ano bang meron ka? Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan lang? Hindi mo rin siguro alam na nasasaktan na ako. Mahigpit ang hawak ko sa'yo, mataas ang tinalon ko, at kahit magkaibang mundo tayo ay pinilit kong maabot ka. Isa kang buwan na malayo sa mundong aking ginagalawan. Pinuntahan at ginawa ko ang lahat makalapit lang sa'yo, ngunit, ngayong ako'y nandito na, ni hindi mo marinig ang tibok ng puso ko? Bakit? Ano bang mali?Ano bang kailangan kong gawin? Bakit ka ba kasi nagniningning? Bakit ba ako nagdidilim? Bakit ganito? Hindi mo man lamang ba ako pansin?

Nagising sa katotohanan. Pumutok ang lobo sa aking ilong. Ako pala'y nananaginip. Kaya hindi mo marinig dahil lahat ay ilusyon lamang. Sana nga kasama sa lahat na iyon ang aking nararamdaman nang sa gayon ay hindi ako nasasaktan. Mahirap palang tawirin ang langit. Mahirap palang hagkan ang buwan ng mahigpit. Malaki ka. Nakakapaso. Wala kasing gravity doon kaya ka hindi mahulog-hulog sa akin.

Tiningnan ko ulit ang buwan na iyon. Ngayon, bumalik na ang aking ulirat. Malamig at madilim ang aking paligid, na tulad ng dati. 'Di ko alam kung umaasa pa rin akong matawid ang himpapawid at makatungtong sa lugar na aking iniibig, ang buwan. Ang buwan na wala man lang gravity at walang nabubuhay na tao. Napailing ako. Naalala kong hindi lang pala ako ang pwedeng tumitig sa'yo. Marami pang umaasa at sa'yo'y naghihintay. Maraming nakatingala. Maraming nagpapantasya. Hindi lang ako ang nangangarap na abutin ka. Bakit ba kasi nasa kalangitan ka? Ang taas mo, hindi kita kaya.

Hinagkan ko ang sarili kong katawan. Ako ay nanlumo sa isang lugar--habang nakakatitig sa buwan--sa buwan ng kawalan.

Dahil ikaw at ang buwan ay iisa.

Thursday, December 23, 2010

YES!




“As different as we all are, there’s one thing most young women have in common: we’re all brought up to feel like there’s something wrong with us. We’re too fat. We’re dumb. We’re too smart. We’re not ladylike enoughstop cursing, chewing with your mouth open, speaking your mind. We’re too slutty. We’re not slutty enough. Fuck that. You’re not too fat. You’re not too loud. You’re not too smart. You’re not unladylike. There is nothing wrong with you.”





♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Please fall down for me Mr. Moon.


How can i ever reach you?


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Tuesday, December 21, 2010

the hidden agenda...






♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Monday, December 20, 2010

i don't have anything to say :|

♫♫♫ it's amazing how you can speak right to my heart. ♫♫♫


you are always speaking to my heart. I don't know how did you do that but it feels like i'm sticking to it. I don't know how and when did it start but i'm afraid of what is going on.

you are always speaking to my heart-- just like now. you always make me fall in love with you. i want to hear your voice. i want to see your face. i want to hug you tight. i want to shout this feelings! i want to stare you in your eyes. i want to be close with you. i want you--as my life?

is it too much to ask for? dunno either. back then, it's almost three years. Three years of making believe. Three years of hope, Three years of love. Three years of hiding and pretending. How can i endure it? how long i can take it?

now that time is running away leaving as a far distance, the road is getting blurred. and me, i am getting tired. I am getting to used the so-called-one-sided-admiration of mine.

i want you. i need you. i always love you. i do but i can't. i am afraid of being rejected. I am afraid of being such a fool. how could this be? i am now such a fool.

when you're quite, there is always a weird sounds from my heart. I hear it. I hear it humming, humming to the musics of love created by you. You are the reason for that--for the bittersweet lies.

♫♫♫ you say it best, when you say nothing at all. ♫♫♫




yeah! i don't say it aloud. so nobody knows i am dying right now. dying because of loving you.




♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥




Download this mp3 from Beemp3.com

Saturday, December 4, 2010

whahahahaha



o ayan! wbahahahahhaa



♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Saturday, November 27, 2010

Beauty for what?



"You are beautiful. Even when you feel ugly or depressed or guilty or ashamed, there is an inner spark in you which is light. This light is your beauty. This light is your reflection of God. You are a child of God, thus you are beautiful."


Got it from other blog.

Like what it stated about, you are beautiful. You, me, everybody. We all have distinct and unique characteristics that we can be proud of. You are beautiful when you see yourself as one of it. Believe in yourself. Love the way that life brings on.

But, there is a bittersweet truth out of it. You are beautiful enough for the people who loves you but not for everyone. Others won't appreciate your beauty just what you appreciate it. I remember Kuya Pol said yesterday, " You are beautiful in the eyes of God, but not in the others' eyes."

The key of it, learn to accept the truth but love yourself anyway.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Putol na katha

Nobyembre 27

Nawili ako sa pagba-blog. Medyo nakalimutan ko yung pait at sakit na dala ng isang litratong pumunit sa puso ko. Ngunit kanina lang iyon at hindi na ngayon (sana).

Muntik na akong ma-late, paano nawilly nga kaka-blog. Nawawala pa yung charger ni kuya at naghanap pa ng susuotin. Kaya ayun, naghintay na naman sila.

Oks lang yun, sila naman ang naghintay eh ☺. Kahit na sabihin nating unfair, mas masarap pa ring ikaw na ang hinihintay kaysa ikaw ang hihintayin. Wala rin kasi akong ganang maghintay lalo na sa wala. So, salamat ng marami.

Sa jeep papuntang Balara nakasalubong ko si ate Prancess. Idol ko 'to! Sayang nga lang at wala siyang facebook e, dahil kung hindi, matik na--STALKER na 'ko. wahahahaha. Idol ko yun. Kapag tinititigan ko ang kanyang mga mata, may kung anong aura ang lumalabas dito. Kumikinang. Ngumingiti. Masaya.

Gusto ko si ate Prancess. Kapag nakikita ko siya, nabubuhayan ako. Tulad kanina. Haha. Gusto kong maging katulad niya. Gusto kong maging katulad niyang nakapagbibigay ng saya sa iba. Gusto kong maging katulad ng kanyang mga mata na kapag tinitigan mo, sasaya kang talaga!

Hanggang sa napunta na kami sa aming destinasyon. Wahooo. Naghiwalay na ang aming landas. Nagkahiwalay kami ng may ngiti at galak. Pinuntahan ko na sila Vanessa at Julie kasama si Ate (insert name) dahil sa research workshop sa katipunan. So far, masaya pa rin.

Ang galing ng speaker namin. Sa sobrang galing, wala akong nasabi. Oo, literal. wala akong nasabi. Haha.

Ayun, ang haba ng talk niya nalate tuloy ako. May usapan pa naman kami nila jewel na magkikita papunta kila karla. Buti na lang hinintay niya 'ko. wahoooo. Pupunta kasi kami kanila Karla sa Taguig dahil birthday niya...



♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

Ninong, asan na po yung regalo ko?


Pakilamero, iyan ako. Likas na sa akin ang mangialam at magbutingting sa mga bagay, ako tuloy ay nasasaktan. Nadidiskubre ko ang mga bagay-bagay, pinagdurugtong at nakakalikha ng kwento.

Nalaman ko ang mga pinaggagagawa mo. Siyempre, gusto kita at lahat ng tungkol sa'yo ay aking aalamin. Gusto kita na dumarating sa puntong sinusubaybayan ko ang mga ginagawa mo kahit na hindi mo nalalaman.

Tulad ngayon, nahihirapan ako. Ang sakit-sakit. Hindi ko alam na ganito kasakit ang pakiramdam ng isang taon nagmamahal ngunit hindi naibabalik ang damdaming iro sa kanya. Ang mas mahirap tanggapin ay ang makitang may kasama siyang iba, sa piling ng iba, masaya.

Ano nga ba kasing kwento? Ano nga bang sanhi ng panlulumo ko? Ano nga bang dahilan ng aking pagkatalo? Ito ay dahil sa iyo--SA'YO.

Naalala ko pa noong nasa Park tayo, ano nga bang sabi mo? Hindi ka magbibigay ng regalo kahit kanino. Sabi mo pa nga "once in a blue moon."

Bakit ngayon? Ano itong nakikita ko?




Binigyan mo siya ng regalo. Awch. Wala naman talaga akong karapatang makialam eh. So what kung bigyan mo siya, hindi ko naman hawak yang isip at puso mo eh! Pero kahit gaano ako katigas, unti-unting nababarag ang pulang bagay na pumipintig sa aking dibdib. Sumasakit. Humahapdi. Kumikirot. Kahit anong pilit ang gawin ko upang ipaintindi sa utak ko ang mga bagay na ito, hindi ko pa rin kayang mapigil ang sakit. Kusa ko siyang nararamdaman. Kahit na hindi ko isipin at hindi na huminga, kumikirot pa rin.

Wala naman siyang kasalanan. Wala. Ako lang naman talaga ang may problema e. Sana, ako na lang si babae. Sana bigyan mo rin ako ng regalo. Itatago ko talaga yun. Tulad na lang ng kending binigay mo. Sana ako na lang siya para hindi ako nalulungkot ngayon, kundi ay masaya. Sana ako na lang siya. Sana, ako rin.

Sa tagal na nating magkakilala, hindi mo pa ako binibigyan, paano hindi rin naman kita binibigyan eh. Nahihiya ako. Ayoko. Pero sa kaloob-looban, gusto ko. Ayoko lang kasi ng imaheng ako ang naghahabol sa iyo. Pero dahil dyan sa prinsipyo ko, ikaw naman ang kinakain ng mundo papalayo sa piling ko.

Naalala ko pa, "pwedeng kiss na lang?" Haaay. Naaalala ko na naman yun. Naalala ko na naman kung paano mo ko yamutin, asarin, at lokohin. Naaalala ko na naman ang mga ala-alang nakabaon na lamang sa ala-ala ko at kahit kailan, hindi ko na mahuhukay pa.

At ito na, nangingialam na naman ako. Isang pag-uugaling kailangan ng mga siyentista. Isang gawing hindi ko na dapat pinairal pa. Dulot nito'y kirot na panirang talaga.


Friday, November 26, 2010

Ani nino?


Anino lamang ba ang nakikita mo?
O baka pati ito'y hindi mo matanto.
Anino lamang ba ako sa paningin mo?
O isang guni-guni ng kahapong paraiso.

Hindi ko maamin sa araw na ibig ko
Nagtatago ako sa sinag na dala mo
Tinatanaw kita nang hindi mo nakikita
SInasamong tunay at pinapantasya.

Anino lamang ba ako?
Tulad nang sa litratong ito
Hindi ko masabi, hindi maisalita
At lalong hindi makuhang ipadama.

Anino lamang ba ako sa iyo?
Na kapag ikaw ay lumuluha'y nasasaktan rin ako
Hindi mo lang alam ang lahat ng ito
Dahil sa direksyon ng mata mo'y wala naman ako.

Masakit, oo, nakapanglulumo
Lalo na't nakikita kitang masaya't nakikiloko
Sa piling ng ibang may gusto rin sa'yo
Sa piling ng iba at doo'y wala ako.

Sayang. Itong nadarama'y 'di ko maisiwalat
Na kahit sa sarili'y takot ipakalat
Hindi maamin at hindi makatingin
Sa iyong mga matang tinatago ang pag-angkin.

Akin ka na lang! Ilagay mo ako riyan
Sa puso mong walang malay, ako ay naghihintay
Ako'y papasukin mo, maawa ka sana
Sa aninong itong kinukubli ang nadarama.

Pantasya, pangarap--maabot ka ba?
Makakayang hawakan ng musmos na Diana?
Dedepende sa sikat ng liwanag na "bola"
Habang tumitingin, inaabot, minamahal sa ala-ala.

Anino ako, anino sa likod mo.
Hindi mo matatanaw
Hindi mo nararamdaman
At hindi mo nalalamang ito'y nasasaktan
Umiiyak sa malayo
Ngunit nakatingin pa rin sa'yo
Pinipilit pasukin ang panaginip na "tayo"
"Tayo" na makikita mo lamang kapag gabi;
Kapag may liwanag na magbibigay
Ng anino natin.

Ani nino?

Anino natin.

Saya


Saya,
Ikaw ba'y lipas na?
Sa piling ko ba ay umaayaw ka?

Saya,
O hanap kita!
Puso ko'y nababato
'Pag di ka kasama.

Saya,
Kaaway ni 'Mag-isa'
Bakit ngayon
Ako'y panig na niya?

Saya,
Kunin mo ako
sa kanya.
Ayoko doon,
hindi maligaya.

Saya,
Bakit ang tagal mo--
Ako'y pagod na;
Darating ka pa ba?

Saya,
sayang.
Nilamon na ako
Mag-isa.



:c
Written originally: 070410

...bro

Umupo.
Nagbasa.
Buhay ko'y iba na.
Kumain.
Nagbasa.
Kailangang masanay na.

Inantok.
Sinampal.
Nagbasa.
Kailangang pigilan ng sobra.
Pagkat ako rin ang talo
Kung taob ang bala.

Gumising.
Tumayo.
Nagbasa.
Iba na talaga ang buhay ko
Kapiling ang mga papel na ito.

Nag-isip.
Nag-drawing.
Nagsulat.
Nagbasa.
Dati ay laro lang
Ngayo'y lumi-level-up na.

Kaibigan--wala na,
Kailangang magbasa!
Tambay? uhmmm.
Libro na ang tunay na mahalaga.

Sa pinasok kong mundo,
Ibang laban na 'to.
Kailangan ang baril
At hindi kabalyero

Dahil,
ang bala ko'y li-bro
Hindi sila sis- and bro-.



written originally: 070410

kapos

Sa tala ng langit
ako'y napatingin
Ang bintana ng kahapon
ay bukas na bukas pa rin
Iminulat ang mata,
ala-ala'y inalala
Ng pagal kong utak,
hinihiling kang makita.


Ngayon na nga'y tinatanaw
taglay mong ganda
Gunita ng nakalipas
na nagbigay saya
Ang isip na nakakulong
ay nag-uumalpas
Mahagkan at mayakap
sabik na siyang talaga.

Thursday, November 25, 2010

MUNTI KONG PALASYO

maliit, pangit, ngunit kuntento
dito'y maligaya sa aking palasyo
kahit tingin ng alipustang mga mata
sa piling nito ako'y masaya.

taas noo ko itong itataas
mga kamay na maraming adhika
wala saa itsura, bagay na impluwensiya
pagmamahal nama'y umiikot sa kanya.

'di hihingi sa inyo ng iwi
at lalong hindi magkukunwari;
'di kakahiya ang sariling akin
ang reynong munti, may ngiti 'di lagim.

lagisgis ng puno doon sa parang
ay aking lupain kung ito'y hambingan
langgam nga lang ituring, itong bulaklakin
pusta ko'y kakainin, 'yong sariling hinaing.

ang aking panaghoy sa sangkatauhan
huwag husgahan kundi 'toy balutan
saka lang matatanglaw, ang tunay na yumi
nang akig palasyong sagana sa tutubi.

at itong si Pebo ay papasikat na
kasabay ng pag-unlad at dito ako'y reyna;
makikitang si pilay ay mayroon ng muleta
at itong si manok ay lilipad na.

itong si munti ay unti nang lumaki
napagtibay, tumatag ng aking bidasari;
hinuhusgahan n'yong palasyo kong munti
salami'y kinuha, bumanda sa sarili.

o bakit ganito, nag-uunahan
mga ideya sa aking isipan ?
dahil ba sa maliit na palasyong pinagsulatan
o di kaya sa taglay niyang kasabikan.


salamat sa iyo...aking munting paaralan=)

ANG AKiNG TiNiG

ako'y may tinig sa aking kapatid
sa inyo, sa kanila, sana'y iyong mabatid
ang madla, ang lahat ay may kinalaman
sa mga salitang aking bibitiwan.

sana'y matigil na itong panghuhusga
itong pagkukunwari na parang impostora,
plastik kung baga kung ito'y wikain nila
pagpapanggap na sila'y 'sang perpekta.

oo, alam kong wala ako sa tama
wala sa lugar, pwesto'y ibaba
dahil ako'y hamak lang na dukha
di maalindog at pera ay wala.

ngunit ito lang aking sasabihin
ito'y idadaing sa inyo mga inutil
kahit ganito, walang "k" kug ituring
di naman nakamaskara, wala 'kong tabing tabing.

siguro nga ito, lamang ko kung ituring
sinisigaw ko di para gumaling
binukas ang ilaw, 'yon binida ko
sa mga taong dilim ang gusto.

sana pakinggan itong aking tinig
maskara niyo'y sirai't ihagis
nang ang tinik sa aking dibdib
mawaksi't ang boses tuluyang sumanib.

Himig ng Musika

Bakit ang kanta'y laging may koro,
O kaya, 'di naman, refrain ang gusto?
'Di na ba maalis sa ating mga tao
Ang pagkahilig sa himig, kanta't tono?

Ang awit ay mayroong dalang hinagpis
At sa kabilang banda, saya ay labis
Lungkot mapapawi, panglaw malilinis
Kagaya nga ng tubig sa batis.

Ngunit papaano kung ang sisne'y nakawala,
Namatay si Salonga, nakatulog si Sarah,
Nawalan ng boses itong si Regina,
Si Ogie nama'y natahi ang panga?

Sino na lang ang mag-aayos ng kanta
Na makakasabay sa alon ng muskia?
May Don Juan pa kayang hahanap ng Adarna?
O may sakim na Don Pedro na aagaw ng basta?

Minsan darating sa buhay ng tao
Ang nilikha para lang, maitono buhay mo;
Lalagyan ang kanta ng mga ritmiko
Tutugtog ng gitara, aawit nang koro.

Ngunit pagnapansin na itong si magiting
Ay isang sintunado at laging nabibitin
Tanggapin pa kaya ang haranang ginigiliw
O isasara, ang bintana'y sususiin?

Ang buhay ng tao'y parang 'sang musika
'Di malalaman ang ganda kung 'di bibigyang pansin;
Marapat kung baga, ito'y ating suriin
Huwag munang husgahan, ang letra'y 'ting kainin.

Pagkatapos nito,mapapansin natin

Mga labi'y umaawit ng mga awitin
Nakuha na ang tono, ito ngayo'y paborito
Pyesa ay kabisado ng husgadong isip mo.

Ang himig ng musika ay parang 'sang ilog
Kapara ng ulap sa maaliwalas na alapaap;
May isang gitara na nagdadala ng himig
At ako ang kurdon, sumabay ka sa pag-awit.


Monday, October 18, 2010

Bituin

Tinatanaw ko ang bituin sa langit
pinapangarap na sana'y nakatingin din ito sa akin
kahit imposible
kahit hindi posible
Sinisinta ko siya mula sa malayo
kahit hindi nakikita
kahit 'di pinadarama
kahit 'di pinapaalam
Kailan niya kaya ito mapapansin?
Kailan nga ba bababa ang bulalakaw
mula sa langit
na akin lamang tinatanaw?
Kailan nga ba lilipad ang bato
dito sa lupa
at walang halong biro?
Kailan ko isisigaw?
Ang dapat sana'y sinasabi ng aking puso
Ang dapat sana'y uling, 'di abo
Ang dapat sana'y naglilibyab pa
sa kainitan
sa tamis
ng atin sanang pagsasamahan.

Kailan nga ba mahahawakan
ang tulad mong tala
na akin lamang tinitingala
Nananabik sa iyong pagdating
Sa iyong pag-landing
Sa iyong piling


Hahawakan kita
kahit mapaso ako
Sa init mong nakatutukso
Kahit masakit
kahit kayhirap nang ikubli
ay titiisin ko
Makita ka lamang sa malayo--
masaya, nakatawa.

O aking bit'win!
kailan ka magiging akin
gusto kitang yakapin
Kahit na 'di ka kapiling.

Labis na pait ang sinasapit sa iyo
Dahil nandyan ka sa langit mo
samantalang ako,
rito sa lupa,
Nag-aantay ng pansin mo.

SLEEPLESS NiGHTS

do you know DOFITAS SYNDROME?

it's like a feeling of OUCHNESS.
Hurting inside and out
Bleeding through the heart
running through the stomach
through veins.
You don't know how to explain it
You don't know what it is
You don't know why it is hap'nin.

I don't know how to explain what I'm feeling right now
I don't know what it is
and I don't know what is hap'nin to me;
It's killing me now!
I just want to die and die out of pain!
It is not an ache...
a stomachache and even headache
IT'S the most achest ache.
I am dying now.
I am bleeding now.
and I am running away... away from the PAINFUL TRUTHS.


My mind can't admit this DOFITAS SYNDROME
but i think my heart can/shall/must :|


and my heart...is running away too