"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, February 20, 2011

I loved you, goodbye.

The thing is... "that" thing.

I used to love you before, but now, dunno. Am I only loving you because of the fact that I have loved you before? Do i really love you or is it just that I am thinking that I loved you?

Hello again and again. Narito na naman ako. Nagsusulat, nag-e-emote, nagdadrama sa mga bagay na hindi naman talaga dapat pagkaabalahan pa.

Narito na ako eh, magkasama na tayo, magkalapit at kayang kaya nang abutin ng aking mga kamay ang iyong prisensya. Nariyan ka lang, sa tabi, kasama ang iba, kasama nila, kasama ko. Ngunit, and distansyang taglay nating dalawa ay hindi nakikita nino man, maski ikaw, isang imahinasyon, hindi nakikita, ngunit nadarama.

Ilang, ito na ang damdaming taglay ng babaing nangangarap sa iyo ng sobra. Malubha ang kanyang kalagayan at ang tanging gamot ay hindi ikaw. Kapag ikaw ay kanyang katabi, ibang-iba ang kanyang pakiramdam. Pinong-pino ang kilos at medyo kalkulado. Ilang. Hindi siya nagiging 'siya' kapag ikaw ay nariyan. Hindi siya masaya. Hindi siya ang babaing kilala ko. At, kapag pinagpatuloy pa niya ang kanyang ilusyon, wala nang matitira sa dating 'siya'.

Ayoko na, talaga. Sa lahat ng sinulat kong katha, laging may ayoko na. Dahil sa nasasaktan, kumikirot, umiiyak at naguguluhan ang batang puso ko. Ngunit iba ngayon, hindi dahil sa nasasaktan ako o umiiyak kaya ako ngayo'y susuko na. May mga bagay lang kasing hindi talaga dapat, hindi talaga pwede, hindi talaga maari at hindi pwedeng ipilit. Subukan mo man, ikaw lang ang kawawa bandang huli.

Wala nang patutunguhan 'tong damdaming alay ko sa'yo. Wala. Wala naman akong mapapala kundi ang hapdi, kirot, at pagka-bitter sa sarili ko. Tigil-tigilan ko na ang ilusyong bumabalot sa pagkatao ko. Itigil na ang panira sa buhay kong masaya. Ayoko na, talaga.

Hindi ko alam. Hindi ko masagot kung gusto pa ba kita o iniisip ko lang na gusto kita kaya nararamdaman ko ito. Hindi ko rin sigurado kung gusto pa kita hanggang ngayon o gusto ko na lang ang alaalang mga naalalala ko. Hinahanap ko sa kasuluk-sulukan ng puso ko kung nasaan na ang 'bagay' na iyon kaya kita nagustuhan. Hindi naman ako masaya kapag kasama ka ah! Hindi. Hind lagi. Hindi lagi.


Itigil ko na. Wala ka namang pakialam rito eh. Hindi mo naman alam ang lahat ng ito. Ang lahat ng pagdadrama ko sa tuwing masaya ka sa iba. Hindi mo naman alam kung gaano kataas ang mga talon ko sa tuwa sa tuwing nagpapakita ka ng motibo at binobola mo ako. Oo, binobola mo ako kaya ako umaasa eh. At kahit na ayokong aminin, OO, TAMA sila, tama silang UMAASA lang ako... sa WALA.

Wala na, bukod sa hapdi at sakit, wala na akong nararamdaman pa. Wala na ang saya at galak na feeling kapag alam kong nariyan ka. Pati ang kaba ay naglaho na rin, tinangay na ng hanging dumadapo at humahaplos sa sangkatauhan. Ang kilig ay kinuha na rin at pinalitan na ng kirot--kirot na nanunuot sa kasuluksulukan ng katawan.

Lahat ay may hangganan, lahat ay may katapusan. Hindi nga lang "happily ever after" na mababasa natin sa mga fairy tale. Sa tunay na buhay, kinokota ang pag-ibig. Iilan lang ang pwedeng lumigaya (Lee, 2004), at kasama ako sa mga sawimpalad na isinuka ng tadhana.

Hindi kita ginusto dahil bigla na lang kitang nagustuhan. Ah! Gusto kita, oo, baka nga mahal kita. Tama, naramdaman ko iyon at 'di ko itatanggi. Umiyak, sumaya, nasaktan, lahat na, nang dahil sa'yo. Oo gusto kita at baka nga mahal kita, ngunit tapos na iyon, at hindi na ngayon.

Mahal kita o mahal na lang kita bilang isang alaala na minsan sa akin ay nagpasaya.

Para sa taong kumuha ng litratong ito, salamat na lang. Salamat sa mga sandaling pagpapatibok ng puso ko at pagpaparamdam ng bitter-sweet love. Naniniwala na ako sa "bagay" na iyon na rati ay hindi ko pinaniniwalaan, hindi mo alam yun 'no! At hindi man ako ang tinutukoy mo rito, sa litratong ito, damang-dama ko naman ang pagmamahal mo sa kanya na hindi sa akin. Maaaring tama nga ang litratong ito at oo, tama ka. WORTHLESS na nga ang ginagawa ko, kaya PAALAM NA.


Math tells us 3 of the saddest love stories:
Of parallel lines, who are never meant to meet;
Of tangent lines, who were together once then parted forever;
And of asymptotes, who could only get closer and closer, but could never be together.

Worthless=no value=zero=undefined=math error=parallel=HURT

‎"I know that we, like all love stories, began with once upon a time; and I know that we also ended with a happily ever after. What I just can't believe is how I failed to see the page after that."


The thing is... "that" thing. That is really is it!




♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...