"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Friday, November 2, 2012

Note to self.

From Overheard at UP

Biyaheng Iska: UP Trip


Mga bagay na natutunan ko nang pumasok ako sa Unibersidad.Ang grades ay hindi batayan ng katalinuhan ng isang tao.

  • Puwede kang pumasa sa mga exam nang hindi ka nag-aaral at puwede ka ring bumagsak kahit todo ang pag-aaral mo.
  • Puwede kang hindi matulog ng ilang araw.
  • Maraming halimaw sa Unibersidad- halimaw sa katalinuhan, sa talento, sa kayamanan, at sa kabutihan.
  • Hindi mahalaga kung anong relihiyon mo, kung hindi kung bakit ka nasa relihiyong iyon.
  • Mahal ka ng mga magulang mo kahit gaano ka kasama o kapariwara.
  • Ang sarili mo puwede mong maging kaibigan, minsan nama'y kaaway.
  • Lahat ng mga ginawa mo, kailangan mong harapin ang magiging resulta maganda man o hindi.
  • Kapag ang tiwala nasira, mahirap na itong maibalik muli.
  • Ang bawat kursong kukunin, dapat bigyang-halaga habang naaalala mo pa, hindi mo kasi alam kung kakailanganin mo ito sa hinaharap ng sobra-sobra.
  • Hindi titigil ang pagtakbo ng oras kapag huminto kang gawin ang mga dapat mong gawin, mamamalayan mo na lamang na napag-iwanan ka na ng lahat.
  • Hindi kailangang isipin ang sasabihin ng iba, wala silang oras para pakialaman pa ang buhay mo; ang mahalaga ay namumuhay ka ng matuwid at walang tinatapakang ibang tao.
  • Hindi mahalaga kung anong relihiyon mo, kung hindi kung bakit ka nasa relihiyong iyon. Kahit anong gawin mo, hindi lahat ng tao matutuwa o sasang-ayon sa mga pinaggagawa mo. May ibang matutuwa, may iilang babatikos, kapag nakaharap ka man o nakatalikod.
  • Huwag ka lamang basta-basta sumunod sa agos lalo na kung hindi mo alam kung saan ito patungo; tiyak kasing maliligaw ka sa huli.
  • Hindi ibig sabihing nagkamali ka sa unang beses, lagi ka nang magkakamali. Bigyan ng isa pang pagkakataon ang sarili na bumangon muli."

Yey! Hindi ako nag-iisa. May karamay ako~ :))))

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...