Ang poot at hapdi na dala ng ala-ala
Sumulpot nang bigla; wala man lang paalala.
Ang lugar kung saan una mo 'kong pinakilala
Ay siyang eksatong lugar kung saan mo siya dinala.
Iniibig kita, buong-buo, 'king sinta
Mula nang magsama; hanggang ngayong ika'y wala na
Pinagpalit sa iba, sa mga kaibigan ay sinama,
Habang ako'y naririto, sa sulok, nalulumbay, nagiisa.
Himutok sa dibdib ay naguumapaw
Sa litratong nasilayan, puso'y parang pumapanaw.
Tanggapin ay 'di gusto, katotohana'y may kaagaw
Libo-libong panalangin; walang silbing bulalakaw.
Naalala mo pa kaya ako?
Tulad ng pagsasabuhay ko sa lahat ng ala-ala mo
Nadarama mo rin ba ito?
Pait na dala nang ako'y iniwan mo.
Sa iba pang paboritong lugar, siya ba'y dinala mo na?
Kung saan tayo bumuo ng masasayang pagsasama
Habang naglalakad, magkahawak mga kamay
Sa gabing madilim, mga kiligang nakamamatay.
Unti-unti, bakas ko ay pinapalitan mo
Kasama sa halakhakan, hindi ako, ngunit ang bago;
Kailangang tumigil na ang nagdaramdam kong puso
Palayain nang tuluyan ang siyang dapat gawin ko.
♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Move on na ui, hehe
Post a Comment
I would love to hear from you...