"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Wednesday, July 25, 2012

Okay. This is it.

Okay. And this is the day. This is it. The most awaited day.

Bata pa lang ako, pinapantasya ko na ang araw na ito. Ang pagsapit ng araw na pinakakaasam (somewhat) ko. Pinagplanuhan ko na ito, simula pa noong bata, kung anong mangyayari sa araw na ito, kung anong magigng pakiramdam ko, lahat na.

Kaya naman, ngayon, nang dumating na ang araw na pinakahihintay ko, sari-saring emosyon ang sa aki' y nananahan. Hindi ko alam kung malungkot o masaya o natatakot ako. Ang tanging alam ko lang ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kabado ako. Oo, inaamin ko.

Kinakabahan ako. Gusto kong maging masaya ngayong araw na ito. Gusto kong mapuno ng pagmamahal ang espesyal na araw na ito. Pinangarap ko ito at inasam-asam. Hindi pwedeng mauwi lang ito sa pagsisi, lungkot at pighati.

Kailangan kong maging masaya. Gagawin ko ang lahat matupad lang iyon. Kasama na rin dyan ang pamemeke ng aura ko. Good vibes dapat. Throw away all the negative ions! Kung kailangan magpanggap at magfabricate ng data, feelings and emotion, gagawin ko iyon.

Frustrated ako. Oo, frustrated akong gawing espesyal ang araw na ito. Andami na ring naglalaro sa aking isipan na mga mangyayari mamaya. Peroooo, sa dinadami-dami ng mga naiisip at ineexpect ko, ang kinatatakot ko, baka ni isa sa mga iyon, ay walang matupad.

I am expecting something to happen. And yes, that's depressing. Expecting something means risking your emotional stability and one might get hurt while engaging on this. Masasaktan lang ako kung mag-expect ako ng sobra. Peroooooo, ano bang magagawa ko, pilitin ko mang pigilan ang paglalaro ng isip ko, patuloy pa rin silang umaandar.

Okay. Takot ako, inaamin ko. Takot akong maging malungkot lalung-lalo na sa araw na ito. Takot akong maging mag-isa. Takot akong masira ang araw na pinakahihintay kong dumating sa buhay ko. Natatakot ako na baka huling araw na ito; baka walang makaalala; baka wala silang pakialam. Natatakot ako kasi ganito ako.

O kay bilis! Kay bilis naman ng araw. Kahapon, gusto ko nang pahintuin ang oras o dili nama'y pabilisin at laktawan ang araw kong pinakahihintay. Sa bilis kasi ng panahon, naiwan akong nakatingala, nagpaplano at nagpapantasya imbis na kumilos at gawing katotohanan ang mga isinisiksik ko sa isip. Kay bilis, hindi dahil sa mabagal akong umagkos ngunit dahil hindi ako sumasabay. Sino ba naman ako para hintuan ng oras. Sino ba ako para kanyang hintayin. VIP?

Okay. And this is the day. This is it. The most awaited day. Kaya naman, masyado nang occupied ang aking isipan. Natatakot, kinakabahan, frustrated, naiiyak--lahat na. Nag-e-expect ng something na masaya. Sana pala hindi ko na hinintay ito. Iyon bang dapat, pinabayaan ko na lang siyang dumating. Atat kasi ako eh. Iyan tuloy, hindi pa ako hinog kaya't maasim pa sa panlasa ng mga tao.

Okay. This is the day. And this is it. Wala nang atrasan pa. Ano pa bang mamagawa ko kundi tanggaping tumatanda na pala ako. Sino ba naman ako para balikan niya, di'ba. Kaya, sa ayaw at sa gusto ko, ikaw, oo, taong may kagagawan ng kadramahang ito, ay kailangang makuntento ka. Matuto ka na. Masayahin ka di'ba?

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...