"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, August 19, 2012

Bahay lang ang dapat tahanan namin.

Heto na naman. Paulit-ulit. Sigawan. Bangayan. Hindi yata pwedeng matapos ang araw nang hindi sila nag-aaway.

Pauulit-ulit si Mama Sumisigaw. Humihiyaw. Pinapagalitan si Papa dahil ang utos niya’y hindi nagawa ng tama. Si Papa naman, ayun, sumasagot din. Kaya ang nagyari, malawakang bagayan. Nakakarindi.

Naiinis ako sa pamilya ko. Kaya rin siguro gala akong tao. Ayoko magstay sa bahay namin. Paano ba naman, makakarinig ka lang ng hindi matapos tapos na awayan. Paulit-ulit na bangayan. ‘Yung tipong gusto mo na lang humiling n asana, bingi ka na lang para hindi mo sila marinig. Nakakaiyak.

Walang trabaho si Papa, sakitin pa. Naiinis ako sa kanya. Naiinis din ako sa sarili ko dahil naiinis ako sa kanya. Pinipilit ko siyang intindihin pero nakakainis talaga eh. Sa araw-araw na ginawa ng Nasa Itaas,  lagi na lang, lagi na lang silang nagsisigawan. Hindi ba nila naiisip ung damdamin ng mga anak nila? Habang naririnig naming sila, gusto ko na lang magpalit ng pamilya. Pinipilit ko silang pigilang mag-away. Pero mas lalong lumalala pag pinatahimik mo. Nakakrindi na talaga. L

Walang ginagawang masama si Papa. Wala ring ginagawang mabuti. In short, wala siyang ginagawa. Hindi ko alam o sadyang hindi ko lang talaga alam. Ni hindi nga siya nag-e-effort maghanap ng trabaho. I mean, oo, matanda na siya, sakitin na rin, pero ni hindi siya gumagawa ng paraan para makatulong at makahanap ng pera. Lalaki siya, tatay pa, siya dapat ang sandigan naming pamilya. Pero, nakasandal din siya sa pamilya. L

Walang isyu sa akin kung maliit ang sweldo niya o gaano kababa ang trabaho niya. Ang sa akin lang, ‘ung makitang may ginagawa siya. Yung nasgsusumikap siya. ‘Yun bang hindi siya umaasa sa nauuwing kita ni Kuya at ni Mama. Hindi siya madiskarte. Hindi siya gumagawa ng paraan. Maarte. Aksayado. Akala mo naman siya ang bumibili ng gamit at pagkain. Hindi pa mapagbigay. Inaagawan pa pati kaming mga anak niya. Ni hindi siya nagpapaubaya minsan kahit na magulang siya, eh ni hindi niya nga mabigay sa amin ang mga ganoon eh.

Nakatambay na lang siya sa bahay ngayon. Matapos na magsara ang kumpanyang MALTC at tinake-over ng ibang kumpanya, hindi na niya pwedeng ipagpatuloy ang pagiging konduktor. Pagkatapos noon, nagmaneho siya ng tri-bike, isang pedicab (bisikletang may akay-akay na upuan para sa pasahero). Oo, mahirap ang ganoon trabaho, at na-appreciate ko ‘yon. Pero utang na loob, habang buhay na lang bang ganoon. Pwede siyang mabilhan ng tricycle o iprovide ng kibigan ng pamilya ang pagpasada niya sa isang tricycle ngnit hindi ito possible dahil hindi siya marunong. At wala siyang ginagawa para matuto man lang. Mahina ang loob. Nakakainis.

Ngayon, dahil puro sakit na ang nagbabadya sa kanyang katawan, sa bahay na naming siya namamalagi. Walang ginagawa—umiikot sa loob ng bahay, nakatunganga, pinapakealaman kami. Halos nauubos lang ang oras ng isang araw sa ganoong routine. Kakalikutin ang isang bagay na wala naming halaga at ilalaan ang buong oras na iyon para titigan pakialaman. Kapag nakita niyang may ginawang mali, sisitahin niya kami at papagalitan. Naiinis ako. Bago mo ko pagalitan, ayusin mo muna yung buhay mo. Oo, parang nawala na ang respeto ko sa kanya. Simula noong nasa ikatlonf taon ako ng hayskul, nawala na ito. Mula nang mag-umpisa nang gumulo sa aming bahay.

Naiinis ako sa Mama ko. Paano, pinapaluti-ulit-ulit-ulit-ulit niya lahat ng kamaliang ginawa ng Papa ko. At kapag may ginawa ulit siya mali, asahan mo, parang utang sa tindahan na nakalista, daig pa ang SONA ng pangulo sa dami niyang masasabing ginawa ng huli. Paulit-ulit. Sumisigaw. Humihiyaw. Wala siyang pakialam sa lahat ng nakakarinig. Wlaa siyang pakialam sa amin, kung ano bang ibubunga ng lahat ng ginagawa nilang pag-aaway sa aming nakaririnig, sa mga anak nila. Ayoko na sigurong mag-asawa kung ganoon lang din ang buhay ko. Minsan, gusto ko rin silang tanungin, mahal pa ba nila ang isa’t-isa?

Naiinis ako. Hindi mo matatagpuan ang katahimikan once na mag-umpisa silang magbayangan. Wala ka rin naming magagawa dahil kahit pahintuin mo sila dahil ikaw lang din ang masisi, magmumukha ka pang masama. Anywaym magmukha ka mang masama, hindi pa rin sila titigil, lalo na si Mama. Bubungangaan ka niya na parang walang bukas. Akala niya siguro masaya yun at stress relieving. Akala niya siguro, tama rin yung ginagawa. Siguro nga akala niya tana siya, total lagi naman siyang tama para sa kanya. Pagsasabihan mo siya ng kamalian niya, ang sasabihin niya, “Eh ganito ako eh, wala ka nang magagawa.” Okay. Eh kung magpakamatay na lang ako nang matakasan ko na itong pamilyang ‘to.

Bugnutin naman si Kuya. Magsabi ka lang ng konting bagay at hindi niya magustuhan, humanda ka na sa kamao niyang tatama sa pisngi o kung saan mang katawan. Nakakainis siya, dahil hindi ko mahanap sa kanya ang pagiging kuya. Masungit, sarado ang isip, hindi ko alam. Lagi kaming nag-aaway, pisikalan man at emosyunalan. Hindi niya ako kilala, mas kilala pa nga ako ng mga kaibigan ko compared sa kanya eh. Lagi niyang ibabaling sa akin ang mga bagay-bagay once na maiinit ang ulo niya. Lagi niya akong sinasabihan ng masasakit na bagay once na magustuhan niya. L Lumalaban ako, nagsasalita rin, nanununtok din, sumasagot ng pabalang—at doon na rin nagsisimula ang lahat: awayan.

Nawawalan na ako ng respeto sa kanila. Mas gugustuhin ko pang nasa labas na lang ako ng bahay o makitulog sa ibang bahay huwag ko lang madatnan ang pangyayaring ganito sa sarili naming bahay. Walang maayos na komunikasyon, puro away at damdamin ang pinapairal. Wala kang maririnig na katahimikan, dahil puno na ito nang sigawang malalakas. Wala ka na ngang ginagawang mali, wala ka pa ring ginagawang tama. At kapag wala ka nang ginawa, mali ka pa rin. Naiinis ako sa pamilyang ito. Hindi naman kami dati ganito eh. Namimiss ko na yung dati, yung nagpipicnic pa kami once in a moth o pumupunta sa SM always after going to the mass. Kumpleto pa kaming nagsisimba. Kumpleto pa kaming kumakain sa Jollibee. Pero ngayon, wala na nga pera, wala pang bonding. Hindi na kami yung ideal family tulad ng dati. Kumpleto nga kami, wala naming connections at pagmamahal.

Naiinggit ako sa iba: sa mga kakilala ko na napakasaya sa kanilang pamilya. Meron silang masasandalan kapag may problema sila. Eh ako? Hindi ko sila matakbuhan, dahil mismong sila, pinoproblema ako. Kapag sinabi ko naman ito sa kanila, sasabihin nila ang arte ko. Napaka-emosyonal. Haaaaay~ Pasensya na ah. Gusto ko lang ng matinong pamiya eh. Masama bang humangad ng ganoon?

Well, hindi naman kami lagging ganito. Merong time din naman na nag-uusap kami ng maayos at matino. At hindi ko sinasabing hindi nila ako mahal and vice versa. Alam kong ganito man ako lumaki at ganito ako mag-isip (napakasama), hindi pa ring nila ako iiwan (sana). Pero, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, at araw-araw ay lagi na lang ganoon ang eksene, tulad ng sa paggising mo sa umaga ay sila na agad ang maaabutan mong nag-aaway, mao-ovewrpower nito lahat ng masasayang alalang meron kayo ng pamilya mo. Darating at darating na kung hindi sila magbabago, sana inilagay na lang ako sa ibang pamilya. L

Lastly, hindi ko naman hinahangad na makahanap ng ibang magulang/pamilya, ang sa akin lang, sana maayos na ito. Sana magbago na sila. Sana hindi na sila mag-away. Sana hindi na sumisigaw lagi si Mama. Sana hindi na siya lagging galit. Sana naiintindihan niya kami, ako. Sana alam niyang nakakainis siya sa tuwing pinapatigil ko siya at di pa siya tumitigil. Sana mabasa niya ito. Sana malaman niya ang saloobin ko. Sana alam niyang umiiyak ako, hindi man nakikita at wala mang luha, sa tuwing nag-aaway sila. Sana magbago na sila. Sana maging pamilya na kami. Sana kahit wala kaming pera, sana, masaya pa rin. L L L


Sunday
August 19, 2012
1:43pm


 ♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...