"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Wednesday, August 15, 2012

This is the last time i will post about you.

Alam mo, nakakainis ang tao. Oo, nakakainis ka! Akala mo kung sino ka. Akala mo kung sino kang magaling. Akala mo kung sino kang perpekto. Mapanghusga. Nakakainis! Oo, ikaw! Nakakainis. 

Nakakainis talaga ang ugali mo. Hindi ka naman ganoong kagaling pero ganyan ka makapanghusga. Ni wala ka pa ngang napapatunayan at nakakamit eh. Kung paano ka magsalita at tumingin. Ako’y naiiirita. Hindi mo man sabihin, ni hindi mo man isulat, alam ko, hinuhusgahan mo na ang pagkatao ng isang taong iyon—ako at sila.

Bakit ka ganyan? Nagawa mo pang lumapit sa akin at magtanong. Ang plastic mo, alam mo ba yun. Kulang na lang sabunutan kita at sampalin. Gusto kong sumigaw at humiyaw at magwala pero hindi pwede. Bvakit nga ba? Wala naman akong katunayan na ikaw ay nanghuhuhusga. Wala naman akong maibibigay na rason para patunayan lahat ng mga iniisip ko. Wala. Oo, ayoko mang tanggapin, pero, wala.

Nakakainis ka talaga! Naiinis ako sa’yo. Hindi ka ba makaramdam? Puro ka biro, pero, alam kong sa kasuluksulukan ng isip mo, hinuhusgahan mo na ako. Oo, pinipintasan mo na ako. Criticize. Scrutinize. I don’t like that!

Nakakainis ka. Naiinis ako sa’yo. Ano bang mali sa pagiging tao? Ano bang mali kung may kamalian ako? Ano ba! Hindi ka diyos. Hindi ka perpekto. Wag kang ganyan! Tigilan mo ako.

Hindi ako natutuwa sa’yo. Hindi ako natutuwa sa mga banat mo. Hindi ako natutuwa sa pagtitig mo sa akin at sa nangungusap mong mata. Alam kong may kahulugan ang bawat mong tingin. Alam kong may gusto kang sabihin sa akin. Alam kong gusto mong mamintas. Alam ko ‘yon kahit ‘di mo sabihin.

Bakit ka ganyan. Bakit ganyan ang ugali mo? Hindi ka na ba talaga pwede maging makatao? O sige na, kahit mag-asal tao ka na lang. Maawa ka naman sa mga taong iyong nasasaktan. Maawa ka naman sa lihim kong paghihinagpis. Maawa ka naman sa nararamdaman ko.

Pero, hindi naman talaga iyon ang punto. Sa katunayan, hindi ko talaga alam kung bakit ako nagagalit. Hindi ko rin alam kung bakit ako naiinis. Gusto naman kita at ang iba mong ugali. Sadyang ayaw ko lang sa ganoong aspekto ng personalidad mo. Hindi ko talaga alam kung bakit eh. Pero sadyang ganyan talaga. Kapag alam kong may negative something na tingin ka sa’kin, hindi ako makatulog, makakain o mapakali. Ang exxagerated ‘no. Pero ganoon talaga eh. Buwisit.

Ang tsaka mo! Ang landi mo. Ang plastik mo! Ang korni mo! Napaka mo! Mapanghusga! Ang yabang mo! Hindi ka naman perpekto para maging ganyan. Akala mo kung sino ka! Hindi ka naman magaling! Hindi ka naman ganoong katalino. Hindi ka naman mahusay tulad ng pag-aakala mo sa sarili mo. Conceited man. The right word to describe you. You make my life miserble.


Written originally on May 19, 2012. Nasa Caliraya kami nooon :))
Nakamove oooooon na koooo ^^
♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...