"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Thursday, January 3, 2013

Hindi ko nga yata alam.

Birthday niya pala ngayon, pero medyo nakalimutan ko. I mean, hindi ko nakalimutan, pero hindi na ito yung tipong agit na agit ako para lang mabati siya ng happy birthday pagpatak pa lamang ng alas dose. Yung tipong, ako dapat ang mauuna sa lahat. yung tipong, magpa-flood ka ng sandamakmak na pubmats mo dahil kaarawan niya at nais mong maipadama sa kanya na napaka-espesyal niya sa buhay mo. Pero, heto ako, ni hindi pa nga ako nakababati sa kanya eh. Hindi pa. Hindi.

Profile picture ko noong 18th birthday niya.

Ito kami noon, at ito ang sabi ko dati sa kanya:


Pero ngayon, ito na kami:

kasi nga, hindi pa nga ako bumabati eh. At hindi pa kami nag-uusap nang matino. Hindi pa kami nakakapagkwentuhan. Wala. Hindi pa, at hindi ko alam kung mangyayari pa iyon.


Kahapon,

At napunta sa ganitong usapan:


Ang haba ng kinwento ko, pero nang tanungin ko na siya...




Ayun, hindi siya nag-open up. Parang sayang na yung moment eh. Sa ginawa niya, mas lalo lang na-spoil. Kaya naman ito na lang ang sinabi ko...


At doon na natapos 'yung conversation namin. Nagdahilan na lang ako kaysa naman magka-dead air o kung ano man yun. Wala rin naman kaming pag-uusapan eh. Awkward lang.

Hindi ko pa siya nababati katulad ng dati, hindi ko alam, pero sa kaibuturan ng isip ko, sinasabing:

nag-expect ako dati noong ispesyal na araw ko pero....

kaya naman ngayon, parang wala ng motibasyong mag-effort at gumawa ng anik-anik sa kanya. Para ba kasing hindi rin naman yata niya naa-appreciate yung mga katarantaduhan ko eh, dagdag mo pa 'yung nangyari kahapon. Nakakapagod na 'yung lagi na lang ikaw 'yung nagte-take initiative, may epekto sa umpisa, nagkakakayos nga, pero hanggang doon na lang iyon, tipong hanggang umpisa lang. Ayoko na, yata.

At ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Makagawa na nga lang talaga ng requirements sa school. Totoo na 'to. Gagawa na talaga ako.
♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...