"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Friday, January 4, 2013

Browse and Reminisce.

I just happened to pass by on a random blog. And this is what i read there...

after graduating from this school
many years from now
will you still be sending me a birthday greeting, holloween, or anything?

if i happen to pass by at your house
would you care to call me for who I was?
will you still know me?
will you still want me,
twenty years from now?

you'll meet different kinds of people too
but if they don't like you,
come to me, i could stay with you!

i could be a talking time line,
recalling all the things we used to do back then
you can be a talking time line too!
on the next day, can i still stay with you?

invading a mall, laughing at anybody,
who could ask for more?
will you still know me?
will you still want me,
twenty years from now?

send me a card, call me sometime
who are you now, where you might be
it's been a long time since we chat
why did you stop talking to me like that?
do you still know me?
do you still want me,AFTER TWENTY YEARS?

Kakauwi ko lamang galing kanila grv. Masaya--kantahan, kainan, tawanan. Parang katulad lamang noong dati, noong high school. Kaarawan niya ngayon, este kahapon, na nauna ko nang nailahathala rito rin sa blog na ito. Wala akong ginawang kung ano mang espesyal, hindi katulad nang dati. Niresiklo ko lamang ang ginawa kong profile picture noon at binati siya. Naumpisahan ko rin naman kahit papaano ang asignatura kong naipangako kong tatapusin ngayon (ngunit hindi pa rin tapos hanggang ngayon). Akala ko'y lilipas ang araw na ito nang hindi kami nagkikita, nila grv, pero hindi pala.

Nagyaya siya, inimbita kami, sa bahay nila. Hindi naman ako nag-atubili dahil gusto ko rin namang umalis at makita sila. Malapit na rin kasing magpasukan at alam kong hindi ko na naman sila makapipiling oras na mag-umpisa na iyon. Tinext ko na rin ang isa pa naming kaibigan dahil nahihiya akong pumunta roon mag-isa. At isa pa, nag-e-emote nga ako kagabi di'ba, so hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanya.

Napunta na kami roon at naabutan ang kaibigan niya sa kolehiyo. Okay lang naman, hindi gaanong nagkahiyaan, dahil na rin siguro sa  nakita ko na (at ang iba nga'y kakilala ko na) sila. Nauna rin silang umuwi  kaya naman natira kaming tatlo sa kanila, ayun nagkantahan.

Masaya, kasi hindi namin nagawa ito noong Bagong Taon. Paano ba naman, nakapunta na kami sa bahay nila nang alas tres at natulog na lang kami (na ang plano sana'y magbi-videoke at manonood ng movies). Pero ewan, masaya pa rin naman kahit papaano. Itaga mo pa sa bato.

Walang awkwardness na nangyari. Wala. Nagkantahan. Kumain. Tumawa. Umuwi kami nang ala-una ng madaling araw sapagkat may pasok pa nang maaga ang dalawa. Umuwi kami, kahit ayaw pa namin talaga.

At doon nga nag-umpisa ang paghahalungkat ko at pagpunta sa mga random site. Ugali ko na kasing magtype ng pangalan ng mga kakilala ko sa google at tingnan kung kilala sila ng cyberspace na ito. Hola, bumulaga nga sa akin ang random site na ito (pati na rin ang site na pinagkuhaan ko ng nauna nang tula), at ito rin ang sabi:


♪♪Will you ever be my star??♪♪



So many times you've hurt me..
So many times you've fooled me..
But you'll be doing it again..
Like a shooting star to where you are
Are we too late am I too soon
You'll make it through you've gone too far
Will you ever be my star??
You're a shooting star to where you are
Are we too late am I too soon
You'll make it through you've gone too far
Will you ever be my star???



Gustong-gusto ko talaga yang part ng kanta na yan. It reminds me of something... or should I say, it reminds me of Someone!!

So, ayun na nga, naaalala ko yung so-called bespren ko sa mga linyang yan lalo na yung "will you ever be my star?"

Para kasing pinapahiwatig niya na, "kelan o, magiging bestfriend pa ba kita?" :(
Ayun ang topic ko ngayon sa entry na 'to..

Literal at totoo ang sasabihin ko kasi, formal blog naman to at konti lang ang magtatangkang magbasa nito..hehehe

Isang issue this week,
Naglalaro sila Venus, Noel at Vanessa ng something dun sa likod, eh recess naman na kaya ayos lang. Galing ako sa canteen at ang nakita ko na lang eh, naglalaro na nga sila at, there's something smells fishy!

Natalo si Vanessa at may consequence na ipapataw para dun! Pagpasok ko sa pinto, yung itsura ni Vanessa eh parang may nais ipahiwatig na kagimbal-gimbal! (naka-nakkzz! kagimbal-gimbal daw oh!) At si Venus din, sinasabi niyan, "dali na!!" at si noel naman, "oo nga! anjan na siya oi!".. Hindi ko lang pinansin pero may hinala na 'ko tungkol dun! hhmm!

Papaupo na ko sa may upuan ko nang biglang sumigaw si Noel ng, "Geneva tumakbo ka na!!" at nag-panic naman ako! hahaha.. Sabi ko na nga ba eh! May nangyayaring kabaalaghan dun eh! Tumakbo na 'ko.. at guess what, hinahabol ako ni Vanessa!! Nakakatakot siya! ambilis tumakbo! Umabot ako sa kakatakbo hanggang sa labas ng gate ng skul, at siya, hindi na nakalabas dahil nag-bell na nga.. (mwohohoho!! Buti na lang!!)

So, ayun na, wala na siya. Kaya, umakyat na rin ako.. Dahil nga WALA na siya at BUMALIK na sa room....AKALA KOOOOO!! takteng yan!! inaabangan pala ko dun sa may pintuan ng other section! ayun! takbo na naman!! yahoooo!! Pero nauna na siya, at hingal na hingal na ko.. Dumiretso na nga siya sa room namin. At nung pagpasok namin dun eh parang walang nangyare! Ang saya!! :D

At sabi ko na nga ba, gaya ng dati, paborito talagang pagtripan pag natatalo siya eh, "i-hug mo si geneva dali!!" At yun na naman ang consequence niya. tsk tsk tsk..

Bago 'ko umuwi sa bahay, kinausap ko muna si Noel tungkol nga dun, kung anong sinabi nila kay Vanessa at hinabol ako. Sabi niya, ayun nga, yayakapin lang daw ako nun kasi nga natalo siya.. (nakakatakot naman kaya talaga siya!) Tapos, biglang sinabi ni Noel na, "dapat kaya ang ipapagawa namin sa kanya eh sabihin sayo na 'i want you to be my bestfriend' kaso sabi niya, 'papaasahin niya lang daw ako'...kaya hug na lang" 

Umuwi na ko.Kalagitnaan ng pagre-review ko... Naalala ko yung mga nangyari kanina. Nagde-daydream na nga ako. Naalala ko rin yung sinabi ni Noel sakin..."yayakapin lang daw ako nun kasi nga natalo siya..".... Meron pa eh. "....yayakapin lang daw ako nun kasi nga natalo siya.." hinde, meron pa talaga! ".....kaya ang ipapagawa namin sa kanya eh sabihin sayo na 'i want you to be my bestfriend'..." ayun!! ay mali!! yung kasunod pa niyan!! ".....'papaasahin niya lang daw ako'...kaya hug na lang..." konti pa.. "....'papaasahin niya lang daw ako..." -papaasahin niya lang daw ako!!!

Oo nga pala... Kasi kung sasabihin niya nga naman talaga yun eh, nangangahulugan nga na gusto niya PA RIN akong maging bespren. Hindi niya nga sinabi. At bukod pa dyan, sinabi niya rin na papaasahin niya lang ako.. Isa lang ang totoong kahulugan 'non. Hindi kami kailanman magiging mag-bespren at hindi ko rin siya pwedeng tawaging bespren dahil hindi naman talaga at hindi magiging bespren ang turing niya saken. Yun yooonnn!!

Pero, aaminin ko naman kasi, na 'pag may mga ganyang laro sila at may consequence, at sinusubukan nilang i-build up na maging mag-bespren nga kami eh, nakakatuwa at naaapreciate ko rin naman yun. At kahit pa kunyare eh kausap ni Venus si Vanessa pero sinabi na ni Venus na kakausapin niya yun, natutuwa rin naman ako kahit p'ano kasi alam kong may malalaman na naman ako tungkol sa SCB ko (so-called bespren). Tuwang-tuwa na nga 'ko nun. Tapos, pag kunyare, may sinabi na si Venus na something like "ayaw ka niyang maging bespren" eh, yung ngiti kong yun kanina, mananatiling ngiti at sasabihin.."ganun ba??" at diretso pagkalugmok agad.

Mahirap isipin na kanina lang eh tuwang -tuwa ako sa magiging sasabihin ni SCB pero nung nalaman ko na, eh biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Bigla kong naisip... ang linyang.. 


Like a shooting star to where you are...
You'll make it through you've gone too far... 
Will you ever be my star?..."
♪♪Will you ever be my star??♪♪

At ayun na nga, wala lang, eh sa ngayon ko lang nabasa eh. Pero ahmmm, di ko alam. Siguro may gulong ng palad talaga. Noon, ako siguro 'yung pakipot, 'yung hinahabol, 'yung sinusyo, Ngayon, ako na 'yung naghahangad ng konting lambing, kahit konting atensyon. Asan na 'yang "do you still want me, twenty years from now" mo?

Siguro ganito rin 'yung naranasan niya dati, sa dami ng katarantaduhang nagawa ko sa kanya. Siguro ganito rin siya dati, 'yung tipong aasa ba ako o hindi. Siguro nga ganoon talaga ang buhay kaya hindi dapat ako magreklamo at tanggapin ang katotohanan na hindi na kami bata at graduate na kami sa mga ka-ek-ek-ang ganyan. Pero sabihin ko man ito, wala lang, nakakamiss pa rin 'yung dati. Nakakamiss pa rin ;yung awayan at 'yung ka-cornihan tulad ng sabi ng iba. Nakakamiss na halos 'yun lang ang iniintindi mo sa buhay at 'yung ibang ka-achuchuhan mo. Di tulad ngayon na tungkol sa hinaharap, trabaho, karera--future mo na nakasalalay. 'Yung tipong, sino nga ba ako? Saan ba ako pupunta? Nakakamiss. Nakakamiss maging high school

Heto ako, inaalala ang nakalipas, imbis na gumagawa na ng psychological report na hindi ko naman maintindihan ang instruction *vague* HUHUHUHU. 4:54am na ngunit hapit na hapit na sa paggawa at pagsulat ng post na 'to imbis na sinusulat na ang mga dapat pa niyang sulatin. Pero, nakakamiss talaga eh, tulad nito:

Sulat niya (na hindi ko naman mabasa) XD

Nangka's Day XD

Before M.A.P.E.H. (3rd year high school)

Before M.A.P.E.H . I remember this~

The aftermath. (Super duper mega busy ng araw na 'yan  *sa pagkakatanda ko* at tinipon kaming lahat sa Science Lab for announcement or film viewing yata.)

Ito 'yung first ever makita nila akong nakatali ng buhok kaya hitik na hitik sila
pagpa-fangirl kuno. >.<

After class, diretso sa tindahan malapit sa school (o kung saan mang galaan) hihi. XD

And the precious moments captured by these pictures. Too bad, I already lost my copy because of Ondoy and  unfortunately, I can't find the soft copy of these. I just have to accept that these moments are now a part of my high school memory.

Pictures are stolen from grv's account. Yes, ganoon ako ka-hype mag-stalk (kung stalk mang matatawag 'yun). Some of the pictures made me cry and made wanna go back to the old me, to that time, but i know, it's impossible. It's really impossible and the only thing that I can do is to just stare at the photos and reminisce things. Remember all the happy (and even sad) things like this:
Selected students who were chosen to be part of cotillion 2008.
Find me XD

And yeah, I was browsing and browsing and browsing things until i got to a place where this poem is written:

What would it take, for me to know where I should be going?
Would the past be my guide, so as to repeat mistakes long gone?
Or should the future be my guide, so that hope would be my fire?
Were the choices made yesterday, be the reason of today?
Or would the prospects of the future, begin its reality in today?

Indeed, as Bilbo said, "the Road goes ever on".
Choices though, affect what would lie beyond.
And choices are not always correct, no one does not know that.
Yet to decide we are supposed to do, that's the fact.

Leah sang, "What a journey it has been, and the end is not in sight."
My God. She's damn right.
I'm still in the journey, the choices appear left and right.
So many that I no longer see, what's in front of my sight.

Should the past and the future be my means to gauge the present?
Or should the present be the means to gauge the past, and the future as well?
So many choices, so many things to consider.
Now I don't know where to start. My mind's breaking asunder.

Confused? Maybe. To some extent, yes.
We all want certainty, nothing less.
But the road's uncertain, as life is.
All you see, nothing was or will. Only is.

Wait, so where was I going?
Both for this blog and to my life that's still rolling?
Now, I'm confused. Indeed.
Bilbo, why don't you just tell me, a few of your deeds.

This was written by Kuya Nats, my Enrichment Kuya in ANI (Alay ni Ignacio) program. He was my mentor when I was a high school sophomore and he was a college student. After reading the poem now, it makes me remember how he was facing it and how did he teach us. I think that the pace of life he was in when he wrote this poem is now happening to me. And yes, I am confused too. I am confused in this life and where am I going? It makes me want to go back to the past and be bothered by simple things like relationships, friendships and the likes. Yessss, I miss my high school life even more.

"Walang kasing-gulo ngunit walang kasing-sayang section"
That's us. :))))

At para akong nagtransform ng bongga sa kalagitnaan ng post na 'to. 6:06am na at imbis na ginagawa ko na 'yang psych report echos na yan para sa 162, heto ako, nagsusulat pa rin sa blog na 'to. Nakalimutan ko na nga 'yung dinadrama ko kanina (which is about grv) at napalitan sa pagkamiss sa ANI class, at pagulay-bulay sa buhay. Haaaay, tumatanda na nga talaga ako. 


♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...