"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, January 30, 2011

Torn



Nakakabaliw. Nakakalito. Sa ating dalawa, sino nga bang may gusto? Sa ating dalawa, ako lang ba ang ganito?

Nakakabaliw. Nahuhugkang na ako sa tunay kong nararamdaman. Ano nga ba ito? Kahit anong pilit ang gawin ko, 'di ko malaman-laman ang totoo. Gusto kong hindi na ito maramdaman. Gusto ko na itong kalimutan. Gusto ko ay mawala na ito ng tuluyan.



Bakit nga ba? Bakit 'di ko na lang kasi ipakita ang lahat? Bakit hindi ko na lang ilabas ang tunay kong nararamdaman? Bakit hindi ko na gawin ang gusto kong sabihin at aminin na ang mga dapat aminin. Nakakatawa. Nakakalito. Na kahit ang sarili ko ay gulong-gulo. Ano nga bang tama? Ano nga bang gagawin ko? Na kahit tanong ako ng tanong sa sarili ko, hindi ko rin naman masagot.

The fact na nagsusulat pa rin ako sa blog na ito, hindi ko pwedeng sabihing wala ka na. Ako lang ba ang nahihirapan ng ganito? Sa ating dalawa, ano nga ba ang tingin mo? Anong gusto mo, ituloy ko ito o hindi?





Ani nga bang ikinakatok ko? Ang mahulog sa'yo o ang itanggi mo? Nahihirapan na kasi ako, nahihirapan sa pinaggagagawa ko. Kung talagang wala na akong nararamdam, sana ay wala ako dito, sa harapan ng ketboard, nagsusulat, nagmumukmok. Pinapahirapan ko lang naman ang sarili ko eh. Ako mismo ang tumatanggi sa nararamdaman ko.




Mahirap bang sabihing may gusto ako sa'yo? Nasabi ko na naman ito ah! Alam mo na naman ito ah! Ngunit, bakit nahihirapan pa rin ako. Sabi ng prof ko sa psych, bakit 'di ko na lang ipursue ang nararamdaman ko? Bakit nga ba?
Magkaganon man, gusto man niya ako o hindi, parehas akong nahihirapan.

Kinokontrol ko lang ang sarili ko na dapat ay sinusunod ko. Malay mo, may gusto rin siya. Malay mo gusto rin niya. Malay mo, malay mo lang naman. Pero, malay mo, hindi pala. Ako lang talaga ang tangang umaasa.


Malay mo at malay ko. Malay din nila. Ang tanging makakasagot lang naman nito ay ako. Ako, na sa sarili ko, hindi ko alam. Hindi ko alam kung totoo, itong nararamdaman ko. HIndi ko alam, hindi ko kaya, pero gusto ko lumigaya, sa piling niya.

Malay mo at malay ko. Malay din nila. Malay mo, sa susunod, panindigan ko na, kung kailan ay huli na.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...