"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Sunday, January 2, 2011

Maganda talaga ang mood ko ngayon! c:

Okay. Maganda ang mood ko, noong una. Paano ba naman, kateks ko siya noong New Year! HAHA. Ang saya-saya ko. Siguro, buong taon kaming magbabatuhan ng text sa inbox. Buong taon akong kikiligin. Buong taon akong mag-iimagine.

Maganda naman ang mood ko, noong una. Paano ba naman kasi, sa pangalawang araw ng Enero, tayo'y magsasama. Magsasama: may Christmas Party (ba yun?) na magaganap sa church namin. Syempre makikita kita! Masaya yun!

Haha. Oo kasali ako sa church nila. Maraming dahilan--isa ka na dun. Ganoon kita kam*h*l. Hindi ko nga alam kung tama ba ang word na ginamit ko. Pero, hindi talaga ako makahanap ng salita na makapagbibigay kahulugan sa nararamdaman ko ngayon bukod dun sa salitang yun. Ewan ko ba, ang tanga ko kasi eh. Ang tanga ko nang dahil sa'yo.

Maganda talaga ang mood ko. Hindi ko dine-deny yun. Tinext mo pa nga ako kung anong oras tayo magkikita-kita eh. Kahit na hindi ako pinapayagan ng mama ko, oks lang, susuwayin ko, nang dahil sa'yo. Nang dahil sa'yo, nararamdaman ko 'to. Masaya kung masaya. Todo kung lungkot.

Oo na, nagbago na ang magandang mood na sinasabi ko kanina. Bakit? Wala. Wala naman. Wala naman akong magagawa. Haaaay. Ang hirap ng ganito eh. Gusto niyong malaman? Wag na lang. Wag na kasi baka hindi niyo maintindihan. Wag na kasi 'di niyo naman alam. Wag na kasi 'di ko naman kayang ipaalam.

Andito na ako: sa lugar na tagpuan--natin, as in natin: ako, ikaw, sila, tayong lahat. Pe--pero, may hinihintay pa pala. Sino? Isang taong kilalang-kilala mo na.

Kasama natin siya. Siya, oo, iyong taong gusto mo (dati?). Nakaka-inferior talaga. Wala akong panama sa kanya. Tanggap ko naman yun eh. Handa naman ako dun eh. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, hindi ako ang gusto mo. Masakit nga lang.

At dyan na nga nasira ang mood kong maganda. Hindi ako galit sa kanya. Hindi ako galit sa'yo. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko matanggap na hindi talaga ako ang tinitingnan ng iyong mga mata.

Ang mas lalong mahirap pa, hindi ko alam kung alam mong nahihirapan at naghihingalo na ang puso kong tumitibok-tibok sa'yo. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang estado ko sa buhay mo. Hindi ko alam. Gusto kitang tanungin. Gusto kong isigaw at ipagkalandakan 'to. Gusto kong malaman mo na nagkakaganito ako pero... wala eh, napipipi talaga ako.

Nasasabik ako sa'yo: sa text mo; sa tingin mo; sa ngiti mo; sa oras na ako'y iyong kakausapin. Nasasabik ako kapag nakikita kita. Lalo na kapag didikit ang iyong balat sa akin. Nasasabik ako sa'yo, kahit sa anino mong kilala ko. Nasasabik ako, ngunit kailangang itigil na 'to.

Maganda naman talaga ang mood ko ngayon eh. Lalo na noong naglaro na tayo (ako, ikaw, sila, tayo) ng sharenge ba yun? Masaya. Pati iyong labu-labo at lipatan ng upuan. Lalo na noong nagkatabi kayo, noong taong gusto mo (dati?). Ang saya-saya ko nga noon eh. Ang saya ko.





♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...