"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Friday, January 7, 2011

May load ako ngayon! Yey!

Nagpaload ako, kasi akala ko makakateks kita. Akala ko kasi, katulad noong Bagong Taon, pakikiligin mo ulit ako. Umasa ako. Nangarap. Kaya ngayon, luhaan.

Nagpaload ako, sabi ng isa nating kaklase. Puyatan daw tayo nang katulad noong dati-noong hayskul pa na ako lang ang iyong babae (na inaasar-asar), noong dati na kaunti palang ang mga kateks mo, noong dating hindi mo pa sila kilala.

Nagpaload ako, para naman magbatuhan tayo ng mga text message na kinasasabikan kong matanggap. Hiniram ko pa nga ang cellphone ni kuya para lamang makateks ka. Hindi hadlang para sa akin ang pagkakaiba natin ng network ng SIM. Ang mahalaga lang sa akin, ay IKAW.


Nagpaload ako, dahil alam kong may load ka. Alam kong kahit anong oras pa, maaari mo akong replayan at makausap. Masabing nami-miss kita. Maiparamadam na minamahal kita.

Nagpaload ako, at nagteks sa'yo. Kunwari ay GM para hindi gaanong halata. Para rin hindi nakakahiya. Lagi pa naman tayong magkasama--sa scholarship, SK, meeting at iba pa--pwera na lang sa ESKWELA, kung saan, marami ka ng iba. :c

Nagpaload ako, dali-daling nagteks at hinintay ang sagot mo. Masaya! Sumagot ka! Isang salita. Isang salita na aking ikinatuwa. Isang salitang nagpatalon sa paa. Isang salitang ibinaba ng tala. Isang salita na 'HELL' kung iwika.

Masaya na ako roon. Kahit may bahid ng pang-aasar, kung galing naman sa iyo, ay aking tatanggapin, ng buong-buo, ng buong puso, at ng may pagmamahal. Ang problema nga lang, ito ay hindi mo alam at hinding-hindi malalaman.

Nagtuloy-tuloy pa ang pagbabatuhan ng mga salita, at, nakarating na nga sa pangbubuyo. "Ako ang iyong pag-ibig," ika mo. Oo na! Tama ka! Totoo yun. Nagpintig ang aking puso. Tumalon, tumibok, bumilis ang pagtakbo, pumipintig siya nag dahil s akagalakang taglay ko. Tumigil ang oras sandali, ito'y aking dinama at dinala sa palasyo.

Maya-maya'y nahimasmasan na rin ako. Sinagot ko siya ng biro, hindi seryoso. Napilitan lang naman ako noon eh, inutusan kasi ako ng utak ko. Hirap man ang puso ko at umaayaw-ayaw pa, wala akong magawa, napangunahan na ako ng hiya.

Nainip ka na yata sa mga biro ko. Hindi kita sineseryoso, iyan ang imaheng lumalabas sa'yo. 'Di mo kasi nababasa ang kontradiksyong nasa aking pagkatao. Hindi rin naman kita masisisi. Tunay ngang magulo ako.

Nagpaload ako dahil may load ka. Masaya. Ngunit, anong silbi ng load ko kung tingilan mo na akong replayan? IKAW! Ikaw ang gusto kong kausap at hindi sila--IKAW lang. Ikaw lamang ang sa aki'y makapagpaapsaya. Simpleng "hi" o "hello" ay ayos na, pero, hindi eh. Wala.

Wala ng mga teks ang dumadating galing sa'yo. Gusto kitang tanungin kung bakit? Gusto kitang kulitin. Gusto kong sabihing "sige na magteks ka na sa'kin, please." Lahat ng iyan gusto kong gawin sa'yo. Pero wala eh. Hind eh.

Iteks mo naman ako! Sige na! Hindi mo ba ako naririnig? Hindi ba? Hindi ba? AKin ka na lang? Pwede ba? Ibalik natin yung dati, sige na! Maawa ka, nami-miss talaga kita.

Nagpaload ako, para sumaya. Kasi akala ko magteteks ka eh. Hindi naman pala. Hindi naman pala dapat akong umasa eh. Nasasaktan lang ako, hindi ko na talaga kaya pa.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...