"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Thursday, March 31, 2011

Corruption Starts Here.

Imaginine mo ang isang bulok na kamatis sa isang timba, kasama ang mga malilinis at walang depektong kauri niya. O kaya naman isang bulok na ngipin na hindi binunot noon pa, ngayo'y hinawaan na rin pati ang katabi niyang inosente't malinis pa. Iyan, iyan ang buhay ko ngayon, ang buhay namin.

Bakit nga ba ako tumakbo, sinong humahabol? Wala naman. Tanging konsensya at walang malay na isip ko lang ang tumutulak sa akin papalayo, papabalik at papatalikod kung saan alam kong mali ang hindi tama at hindi tama ang nangyayari ngayon.

Nasa politika ako ngayon, hawak-hawak ang kapangyarihan hindi pa gaanong masilab at namumukadkad. Ito'y kulay asul pa lamang na nagbibigay ng tunay na init at sindi sa pagliyab. Wala pang kahel o pula, na tila nagdidiktang papalakas na ang sakuna, at ito'y umiinit na.

Ang kapangyarihan ko'y mainit pa, dahil ako'y bata pa at kumapara sa kanila, na betererano sa mga bagay na ito at nakaugawian ng magpaikot ng tao. Hindi lamang opinyon, estado at buhay ng tao, maging ang sitwasyon, hawak nila at mahirap nang mabago. Iipitin ka ng pinong-pino hanggang sa hindi ka makahinga, hanggang sa matali ka na at maging tauhan nila. Ang masaklap pa ay maging katulad ka nila.

SK Kagawad ako at parang pinagsisihan ko na ito. Bakit ako tumakbo, simple lang, hindi dahil sa pera, hindi dahil sa tibok ng damdamin, kung hindi dahil sa karanasan. Iyan lang naman talaga ang habol ko, ang maranasan ang mga bagay na hindi ko pamilyar. Kasama na riyan ang pagpunta sa iba't ibang lugar na talaga namang gustong gusto ko. Libre na, gumala pa.

Ngunit, sa pagpasok ko rito, nakita ko ang mga hindi dapat makita, ang mga baluktok na itinutuwid kunwari nila Nalaman ko kung paano maglaro ng apoy ang mga nasa karnabal. Nasaksihan ko, ng mismong mga mata, kung paanong ang maruming salumpuwit ay inuupuan nila.

Malinis ka man, mababahiran ka pa rin ng putik gaano ka man tumanggi. Ang masaklap pa, wala kang magawa, wala dahil ang apoy mo'y maliit pa lamang na walang palag sa kanilang apoy na naglilyab, nagliliyab sa kapalaluan at kabaluktutan.

Ngayon, isa na akong kamatis na nakahalo sa bulok, gaano man ako kasariwa, mahahawa at mahahahwa pa rin ako sa kanila. Ayoko man, hindi ko man ginusto. Huwag naman sana akong maging katulad nila balang araw, mabubulok at unit-unting hahawaan ang iba.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

1 comments:

Anonymous said...

Wonderful goods from you, man. I've understand your stuff prior to and you're
just extremely fantastic. I really like what you have obtained here, certainly like what you are saying
and the best way in which you say it. You're making it enjoyable and you still care for to stay it sensible. I cant wait to read far more from you. That is really a great site.
Also see my page :: Panic Away

Post a Comment

I would love to hear from you...