"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Wednesday, March 16, 2011

Pinoy Panitikan

Dahil matatapos na ang Marso kasabay ng pagtatapos ng klase, tamak-tambak na naman ang mga dapat gawin. Patung-patong, hindi lang iisa, 'di rin dalawa, bagkus ay marami pang talaga. Maraming naghihirap. Maraming nagpupuyat. Hindi ako pwedeng umangal at hindi maaaring tumigil. Hindi lang naman ako ang nag-iisa. Marami pa sila, marami pa kami.

Puro mga papers na kailangang tapusin ang problema ko ngayon. Okay lang naman sana iyon ngunit kung dadagdagan mo ng tambak-tambak na exams/finals eh ibang usapan na iyon. Magpupursigi ka at magpupuyat ngunitsa bandang huli, sa singko ka rin babagsak. Iyon ang talagang masaklap.

Dahil sa aktibistang propesor ko sa asignaturang nagngangalang Panitikang Pililipino 17, kailagan na naman naming kaibiganin ang salita at pagdugtong-dugtungin ito kasama ang pagsasaalang-alang sa mga balarilara at tamang sematiko. Wag ka, dapat makabuluhan ito dahil kung hindi, (ikaw na bahalang mag-imagine). Haaaays. Ganyan talaga. Pasalamat na nga lang dahil wala na kaming Finals! Yey!

Hanap dito. Hanap doon. Naririto na naman ako sa buhay na iyon. Ang maghanap ng maghanap ng mga bagay na walang kasiguraduhang bagay. Bakit walang kasiguraduhan? Dahil hindi mo rin naman alam ang gusto mong malaman. Ang alam mo lang, dapat marami kang sanggunian (reference). Hindi mo sigurado kung makakahanap ka, pero, ngunit, datapwat, kahit paano, aasa ka pa rin, magtitiyaga at maghihintay.

Sa kahahanap ng mga bagay-bagay, napunta ako sa website na ito (http://pinoypanitikan.wordpress.com) at nakatutuwa ang mga impormasyong masasagap niyo rito. Dahil isa rin akong self-proclaimed writer o dili nama'y frustrated writer, mahilig akong magbasa ng mga katha, mapa-tula man, kwento o anu pa man yun, basta papasa sa panlasa kong medyo mababa ang absolute threshold (yes! psych!).

Ito ang aking natagpuan:




by DEMOGARGON SAATBARMALD

Copyright 2007

First seen in the website Emanilapoetry.com

Boredom began to conquer my life as I

Looked into the never ending night sky.

Loneliness began to attack my entire being.

I need something to do to become satisfied,

That’s why I took my fully-charged iPOD

And turned it on for my convenience.

I began to press softly the circular pads

Before I played my desired music.

First I listened to Luis Fonsi.

His voice was very sympathizing as well

As the musical instruments playing.

Abrazar la Vida. I began to realize

What is life all about—my purpose

Why I am here on earth.

Embrace your life, says Fonsi,

Even if your life is full of tragedies,

Trials, sorrows. Because of such realizations

I cried to my miserable life—my life

Who needs to be changed.

Melancholia conquers my soul again

As Luis Fonsi serenades my ears.

Because I don’t want to feel the self-pity

About my tragic destiny, I decided

To switch to Carlos Ponce.

La Razón de mi Ser. The reason of my exsistence.

The entire lyrics tickled my ears as Ponce

Delivered it with full of magic.

There, my dreams came to life in an instant.

Fantasies began to tickle my imagination.

While Ponce is singing, I fantasized

How Zuleyka Rivera is romancing me.

Dame Chocolate. I remembered her first

Telenovela called. I dreamt I am the main

Protagonist as the chocolate proprietor;

Sweet, loving, and caring.

The reason of my life is by loving her.

Damn it! I began to feel an erection!

I decided to stop my fantasies and

Imaginations so I went Greek;

That is why Michalis Hatzigiannis

Whispered to my ears.

Den Fevgo, a solemn Greek love song

Began to sprinkle magic to my ears

His voice… bedroom voice makes me

Feel better. My entire being began to

Rest for a while, having peace of mind.

Also I dreamt with my love together

While we are walking at the top of the

Starry skies. There, I began to close my eyes

And sleep to greet the next day of my life.



Eh sa natutuwa ako sa tulang iyan, bakit ba?

Bakit ba? Eh kasi meron pa!


NGAYON



ni RYAN CHARLES HERNANDO, Letran

Copyright 2005 Intraknight

Hindi ko alam ang dahilan

Ng ganito at ng ganyan at ng bawat

kinahinatnan.

May mga bagay na di ko maipaliwanag.

Sadyang binabalot ng misteryosong

liwanag.

Wala akong kinalaman, wala nang

pakialam.

Ngayon tinapos na ang kahapon,

Kahapon na sinisimulang tapusin na nga.

Sino ba talaga ang magpapasya?

Ang dami nila, siya o sila?

Alam ko na ako; oo, ako ang tatapos nito.


Akala ko, ako ang nagsulat nito ngunit 'di pala. Feelingera lang ako! Paano, para kasing ganyan ako magsulat eh. Pero... ito ang mas masaklap


ni RYAN CHARLES HERNANDO, Letran

Copyright 2005 IntraKnight

Doon, lumuhod at nagdasal

Hinihingi ang matagal nang inaasam

Nasaktan, nasugatan patuloy pang nahihirapan,

Takot ako, pagod na ko

San pa’ko susuot?

Emosyong nawala san ko mahahanap?

Sana’y ikaw na lang ang sagot sa bawat katanungan

Sana’y ikaw ang bubuo sa nabasag kong puso

Oo, ikaw, ikaw na nasa harap ko.

Sa’yo ko ba mahahanap ang nawawalang hinahanap?

Hindi mo ba ito alam?

Hindi mo ba ako kayang samahan

O di kaya’y tulungang lumisan

Sa mundo ng kawalan na gusto ko nang iwasan.


At dito po nagtatapos ang presentasyon ng pangkat isa.

Dislaimer:
Not sure if these
♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

2 comments:

luis said...

I like the poem by Demogargon Saatbarmald. Erotic!

Luis Fonsi and Carlos Ponce are my idols!

Anonymous said...

Demogargon Saatbarmald is a Filipino horror novelist who writes and publish his novels in Spanish. I like his debut "La Samovar de Vladimir". He will be releasing his horror novel in Filipino entitled "Sex Scandal" on December 21, 2012.

Post a Comment

I would love to hear from you...