"In the sweetness of friendship let there be laughter, and sharing of pleasures." Enjoy your cravings :)

Friday, March 18, 2011

Salapi

Ok. At dahil puro kapitalismo ang paksa ng aralin namin sa panpil17, itong sa'yo!


Salapi


Matagal nang

Tinutukan ng mga mata’ng

mga gawain mo:

kontrolado mo ang buong globo

gayung kay saglit

mo lang na mapunit?


Bakit

Kay lakas ng kapit

sa mga nagigipit?

masama, bumabait,

pagkat ikaw ang nais;

mabuti, nagiging ganid,

pagkat sa iyo naiinggit;

puri ng birhen nasusungkit,

kung ikaw ang kapalit;

nagkakahitsura ang mga pangit,

dahil ikaw ang gamit;

grabe! Ang lupit

at ang bagsik

humahagupit!


Mga utak, iyong ginulo;

mga puso, iyong pinahinto;

ang may nalalamon

nilugmok sa gutom!

Ang salitang pag-ibig

inalis sa bibig

di pa nakuntento

inalis sa diksyunaryo!

Ito ba ang nais matamo

sa paghawak mo sa mundo?


Ang pobre, imbis magtrabaho

namerwisyo

Ministro, pangulo, kahit sino

basta’t nasa gobyerno

nanggogoyo, nanloloko

nakisawsaw pa

mga pari’t obispo

dahil ba sa makamundo

at maka-“langit” na prinsipyo?

Sadya nga bang ito

Ang buo mong plano?


Napailing na lang ako

Nasayang ang boses ni Bonifacio

at nabalewala si Rizal at ang tatlong ulo

Naawa rin ako kay Ninoy,

kay Lim, Escoda at Santos

Mabini at Aguinaldo

kasama sina Quezon, Osmeña’t Roxas

‘pagkat nakaladkad

ang iningatang pangalan

sa kahihiyan

ganito ka ba gumalang

sa kanilang kabayanihan?

O baka nama’y ‘di mo talaga ginalang

dahil wala naman kabayanihan.


Ano nga ba ang mayroon

sa tulad mong

kasya sa bulsa ng pantalon

at ang mundo’y

naghahangad sa’yo

nang todo-todo?

Di alintana

ang magpatayan

maski kadugo o kahit katoto!


Tao! Kailan ka babangon

sa bangungot na ito?

Hindi iyan

ang diyos mo.

♥ ☺ ♥ And that what life brings. ♥ ☺ ♥

0 comments:

Post a Comment

I would love to hear from you...